Chapter 11
Liam's POV
"Brad jowa mo nasa labas na." Sigaw nang katrabaho niya kaya tumingin siya sa may parking lot at napangiti nang makita si Agatha na nakasimangot habang may kausap sa cellphone nito. Napaka intimidating nang dating nito kahit naka tayo lang sa parking lot nang pinag tatrabahuan niya.
"Sige una nako." Paalam niya sa mga katrabaho bago lumabas. Tila hindi siya nito napansin dahil hindi man lang ito lumingon sa kanya.
"I'm gonna kill you and Michelle tomorrow Rina. Dammit hindi ba pwedeng umatras diyan?" Gigil na sabi nito sa kabilang linya.
He stops few inches away from her at pinanuod nalang ito. Nakakaaliw tingnan ang banas na banas nitong itsura.
"Fine, I'll go." Sabi nito bago binaba ang tawag and thats his cue para lumapit dito. He taps her shoulder kaya lumingon ito sa kanya.
"Problema mo?" Tanong niya pero agad umirap lang ito bago siya tingnan mula ulo hanggang paa. Bigla siyang kinabahan nang makita niya ang pag ngisi nito bago ito tumili at yumakap sa kanya.
"Sandali sandali problema mong babae ka?" He said pero di niya ito tinulak instead umalalay ang kamay niya sa likod nito.
"Wahhh ikaw ang sagot sa problema ko Liam." Tuwang tuwa nitong sabi bago gigil na yumakap sa kanya. Wala itong pakialam sa mga taong nagtatakang nakatingin sa kanila.
"Ano ba kasi yun?" He said nang kumalas ito ay napailing siya sa nakitang saya sa mata nito. "Mukha kang tanga." He said na agad nitong sinagot nang paghampas sa balikat niya.
"Kainis ka." Sabi nito kaya napatawa siya at inakbayan ito.
"Bakit nga? Bat mo nasabi na ako ang sagot sa problema mo?"
Kitang kita niya ang pamumula nang pisngi nito kaya na curios siya lalo.
"Ahm pwede ka bang makadate?" Tanong nito na nagpaubo sa kanya. Tangna wala man lang paligoy ligoy.
"Oa nang reaction ha." Sabi nito bago tumingin sa kanya ang nangungusap nitong mata. "Pleaseeeee pleaseee Liam. Pumayag ka." Cute na pagmamakaawa nito.
Bumuntong hininga siya bago tumango, makakatanggi pa ba siya sa cute nitong itsura? Syempre hindi. "Saan ba tayo magdedate?"
Umangkla ito sa braso niya bago isinandal ang ulo sa balikat niya. "Sa high school reunion namin bukas. Nakalimutan kasing sabihin ni Rina kanina. Kaya salamat talaga at pumayag ka. Love you na talaga." Sabi nito at pareho silang nanigas.
Magsasalita sana siya nang unahan siya nito. "Ahm tara hatid na kita." She said bago ito nagmamadaling maglakad patungong driver seat area.
Ngumiti siya bago pailing na sumakay sa kotse nito. Wag mong isipin Liam, wag mong isipin. Kausap niya sa isip.
——————————
Agatha's POV
Nang makababa ang lalaki sa may eskinita kung saan ito nakatira ay agad siya bumusina bago agad na umalis. Nang makalayo na ay agad siyang gumilid at itinigil ang sasakyan. Bago tinampal ang noo.
"Letse Agatha ano yun?" Kausap niya sa sarili. "Bat ka nag i love you? Fck paano mo yun haharapin bukas?" She said bago padramang umiyak. "Ang awkward sh*t."
Napatingin siya cellphone niya nang tumunog iyon. Halos mag dalawang isip siya kung sasagutin o hindi nang makitang si Liam ang tumawag. Huminga muna siya nang malalim bago ini on iyon.
"Hello?"
"Ok ka lang?" Tanong nito na ikinataka niya.
"Oo naman. Bakit?" She said.
"Eh bat ka andiyan sa gilid nang kalsada?" Sukat sa sinabi nito ay agad napa angat ang tingin niya ay napasinghap nang makita si Liam na ganun parin ang suot pero naka motor na ito.
"Labas." He said at kitang kita niya ang pagbaba nito sa motor na sinasakyan. He then walks on the driver seat side bago nito iyon binuksan.
Halos kapusin siya nang hininga nang ilapit nito ang mukha sa kanya kaya ganun nalang ang pag sigaw niya nang walang pag aatubiling tinampal nito nang may kalakasan ang noo niya.
"Baliw ka." Sabi nito bago nito tinaggal ang seatbelt niya at hinila siya palabas nang kotse. He then push her a little para mapasandal sa kotse habang nakatayo ito sa harap niya.
"Bakit ba." Sabi niya dito na umani nang tampal ulit sa noo niya. "Nakakadalawa kana Liam ha." She said.
Ngumiti ito bago pinisil ang ilong niya. "Yan mag taray ka. Di naman kasi kita masisisi kung bigla kang nagtapat. Sa gwapo ko ba namang to?" He said kaya inirapan niya ito.
"FYI hindi ako nagtapat noh. Kapal nito natuwa lang ako sa pagpayag mo joke lang yun.." dahilan niya dito pero nakangisi lang ang binata sa kanya. "Joke nga lang kasi." Inis na sabi niya na nagpahalakhak sa dito.
Ganun nalang ang kaba niya nang ikulong siya nang mga braso nito bago ito yumuko at promise subrang gwapo nang pa smirk ni Liam. "Di joke na." He said bago gigil na niyakap siya.
"Wag ka nang ma awkward, ok lang yun. Sanay akong masabihan nang I love you." Sabi nito kaya kinurot niya ito sa bewang. "Oh selos agad? Tsk." He said kaya hinampas na niya ito. "Hahaha oo na joke nga lang. Sus umayos ka na ha, pinag alala mo ako nang makitang hindi normal ang pagdadrive mo kaya nanghiram ako nang motor para masundan ka." Sabi nito.
Tumango siya bago isinandal ang noo sa balikat nito. "Uwi na ako." She said pero di ito nagsalita at nang tumingala siya ay nakangiti ito habang akap akap siya. "Bakit?"
"Wala." He said bago siya bitawan at inalalayan na sumakay sa kotse niya. Ito na din ang naglagay nang seatbelt niya. When he looks at her ay nginitian siya nito bago siya kintalan nang halik sa noo. "Ingat sa pagdadrive Agatha, dahil pag naaksidente ka maiiwan ang mahal mo." Nang aasar nitong sabi at bago paman siya makasagot ay tumakbo na ito patungo sa motor na gamit nito. Pinaandar nito iyon at lumapit sa gilid niya. "Uwi na, magpapamiss muna ako." He said bago nito sinuot ang helmet. Bumusina ito bago siya sinenyasan na umalis na.
Naiiling na pinaandar niya ang kotse at nakangiting bumusina dito bago umalis. And while driving home nakangiti lang siya. Infact ang saya nang puso niya.
