"Saan ka galing, Adriana? Your mom is here!" si lola.
"I went out with Lian, lola." I told her.
"Oh!" napunta sa ngisi ang ngiwi niya.
Halos napairap ako sa nakita. Humagikhik siya habang pasimpling kinurot ang tagiliran ko. Natatawang lumayo ako sakanya. Naglaho ang ngiti ko sa labi ng makita si mama. Nakangiti siya habang nakatanaw sa amin ni lola.
"Adriana, I miss you baby." she kissed my cheeks.
"Oh." tanging nasabi ko.
"I'm sorry hindi ako nakarating sa birthday mo." she look sad.
"It's fine. Para namang hindi niyo ako sinanay." humalakhak ako.
Napawi ang ngiti niya sa labi. Natahimik din si lola kaya tumikhim ako para maibsan ang awkwardness. Lumayo ako kay mama para umupo sa sofa. Napansin ko na hindi parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Kung hindi siya marahang tinapik ni lola ay hindi siya gagalaw.
"Are you mad at me?" malungkot na wika ni mama ng maupo sa tabi ko.
"No." I lied.
Of course I am mad!
"I'm sorry, Adriana." marahang wika niya.
"I told you, it's fine mama. Alam ko naman kung gaano ka importante ang trabaho mo." I shrugged.
"I'll make it up to you." she smiled but I can't smile back.
"Wag na, mama. Hindi mo rin naman matutupad 'yan."
Tumayo ako para umakyat sa kwarto. Hindi ko na pinansin ang pag tawag niya sa akin. Pinipigilan ko naman na hindi magalit at magtampo sakanya. Pero anong magagawa ko? Ito ang nararamdaman ko. Hindi ako sinungaling para magpanggap na okay lang ang lahat. Sawang-sawa na ako magpanggap na okay lang kahit hindi naman talaga.
Kailan niya ba marerealize na kailangan ko siya. Na mas kailangan ko siya kaysa sa mga material na bagay na binibigay niya. Pero hindi na ako umaasa na marerealize niya iyon. Kasi sana dati pa diba. Ilang taon niya na naman akong pinabayaan.
Nang bumukas ang pinto ng kwarto ko ay napaangat doon ang tingin ko. Malungkot na pumasok si mama at tumabi sa akin. Kinagat ko ang labi para pigilan ang pagiging emosyonal. Nakakatampo ka, mama.
"I'm sorry, Adriana."
"Okay lang 'yon, ma." sagot ko.
"Hindi anak, alam kong hindi okay 'yon." malungkot siyang ngumiti.
"Alam mo naman pala ma, bakit patuloy mo paring ginagawa?" hindi ko na napigilan.
"Adriana..."
"Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ma? Pakiramdam ko simula nong namatay si papa at lolo, parang namatay kadin kasama nila. Hindi lang si lolo at papa ang nawala sa akin, pati narin ikaw ma." nabasag ang boses ko.
"Anak... I'm sorry hindi ko alam na ganyan ang nararamdaman mo. Nagsisikap ako sa kompanya natin para mabigyan ka ng magandang buhay, Adriana." she caress my face.
"Pero hindi naman iyon ang kailangan ko ma... ikaw po ang kailangan ko." pumiyok ang boses ko.
"Anak, hindi mo ba mapapatawad ang mama?" malungkot na tanong niya.
"Ang sakit mo kasing magmahal, mama." humikbi ako.
I was just 10 when I lost lolo and papa. At the same time, I lost mama. Apat na taon, apat na taon bago siya humingi ng tawad sa akin. Apat na taon bago niya naramdaman na nasasaktan na ako. Apat na taon kong naramdaman na baliwala lang ako. Apat na taon akong walang ina. Ang hirap magpatawad lalo na kung ang haba na ng pagtatampo at galit mo sakanya.
YOU ARE READING
Her Favorite Mistake (COMPLETED)
RomancePosted: February 16, 2022 Ended: March 5, 2022