Wala ako sa sarili hanggang sa matapos ang meeting. Pagkatapos mag paalam ay agad akong umalis para dumiretso sa cr. Wala ng mapaglalagyan ang kaba sa aking dibdib. Ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Buong meeting ay nasa akin ang tingin niya. Hindi ko alam kung may naintindihan ba siya sa pinag-usapan dahil nasa akin lang ang atensyon niya. Ilang beses ko siyang sinamaan ng tingin pero hindi siya natitinag. James and Savie notice it too. Both of them were smirking the whole meeting.
I cursed when someone opened the door and close it with so much force. What the fuck? Naiinis na tinapos ko ang pag-aayos ng sarili. Nang lumabas ako sa cubicle ay halos mabitawan ko ang dalang bag dahil sa gulat.
"What are you doing here?" I asked angrily.
"Ano ba ang ginagawa sa cr?" sarkastikong tanong niya.
"Hindi dito ang cr ng lalaki. Kaya ano ang ginagawa mo dito, Lian?" naiinis na tanong ko.
Humakbang siya palapit sa akin. Nang makalapit siya ay doon ko lang napansin kung gaano kalaki ang pinagbago niya. Mas naging hot siya tignan! Mas mahaba din ang buhok niya kumpara dati. Ang kilay niya ay porma parin gaya ng dati. Ang mga mata niya na manghihina ka pag tinititigan ay mas lalong gumanda sa aking tingin. Ang pula niyang labi at ang matangos niyang ilong ay tulad parin ng dati. Walang nagbago sa mukha niya, he just look more mature now.
"Anong oras umuwi kagabi ang lalaking iyon?" he asked hoarsely.
I can't help but raise my brow.
"Why are you asking?"
"Just answer it, Yara." he look so pissed now.
"Alas nuybe. Okay na? Pwede bang umalis ka na."
"Bakit alas nuybe? Alas singko palang nasa bahay niyo na siya. Ang tagal niya naman atang umalis!" he gritted his teeth.
"It's none of your business, Lian." sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ko alam kung paano ko nakaya ang magtaray sakanya gayong para na akong hihimatayin sa kaba. Part of me is happy. Pakiramdam ko nagseselos siya at hindi ko maiwasan ang sumaya.
"Magaling ba siya huh?" he asked coldly.
Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Hindi ako kahapon pinanganak.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo." mahinang sagot ko.
"Alam mo kung ano ang sinasabi ko, Yara. Sagutin mo ang tanong ko. Magaling ba siya?" anger is visible in his voice.
"Hindi ko alam." kinagat ko ang aking labi.
Mas lumapit siya sa akin saka marahang hinawakan ang aking baywang. Hindi ko maintindihan kung bakit ang lambot ng hawak niya sa akin gayong puno ng galit ang mga mata niya.
"Bakit hindi mo alam?"
"Kasi hindi ko naman siya nasubukan!" I shouted in irritation.
Ngumuso siya para itago ang kumakawalang ngiti sa labi.
"He kissed you." he scoffed.
"I didn't kiss him back." mas humina ang boses ko.
"Dapat lang. Now you tell me... is he really your fiance?" he asked softly.
"N-No. He is just a friend and my boss." I croaked.
I can feel his hand tightened on my waist. Bahagyang humaplos pataas ang kamay niya dahilan para mapakapit ako sa braso niya. Marahan niya itong ibinalik sa aking baywang habang titig na titig sa akin.
"Why did you lie to me?"
"I was jealous." I whispered.
"Jealous of whom?" he tsked.
"Your girlfriend." I answered bitterly.
"Bakit ka nagseselos sa sarili mo?"
Nanlaki ang mata ko at agad rin namang yumuko. Is he planning something? Gumaganti ba siya sakin kaya ganito siya ngayon?
"I'm not y-your girlfriend." I stuttered.
"You are. We did not break up for the past 9 years. What are you talking about?" he pulled me closer.
"But I saw you months ago. I was about to talk to you when a woman suddenly hug you." my voice broke.
"I know."
Umangat ang tingin ko sakanya.
"You knew?" gulat na tanong ko.
He nodded at me.
"Nakita kita pero hindi ako sigurado kung ikaw ba talaga yon. Sinabi ko sa sarili ko na baka nag iilusyon na naman ako. Kasi bakit mo naman ako pupuntahan diba? I mean nothing to you." he pursue his lips.
"Hindi yan totoo." giit ko.
"Kung mahalaga talaga ako, bakit hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka? Kung may halaga ako sayo, bakit ganon kadali sayo na iwan ako?" his bloodshot eyes are screaming pain and anger.
Nangilid ang luha sa aking mata. Paano ko ba ipapaliwanag sakanya? Ang sakit-sakit makita siya na ganito. Kailanman ay hindi ko ginusto na masaktan siya. I did everything for him. I sacrificed a lot of things.
"Sa tingin mo ba ganon kadali sa akin na iwan ka?" nabasag ang boses ko.
"Oo." pumiyok siya.
"Hindi madali, Lian. Ang hirap-hirap na wala ka. Ang sakit-sakit dahil wala ka sa tabi ko." humikbi ako.
Ang hirap-hirap palakihin ni Ren mag-isa. Ang hirap dahil wala akong masandalan pag pagod na pagod na ako. Ang hirap kasi ako lang mag-isa ang nag-aalaga sa anak natin pag may sakit siya. At ang sakit-sakit sa twing hinahanap ka niya.
"Bakit kailangan mong umalis? Bakit kailangan mo akong iwan ng ganon? Bakit umalis ka nalang ng wala man lang sinasabi? Tangina, mahal na mahal kita."
"Mahal kita, Lian." umiiyak na usal ko.
"Ang sakit mong magmahal kung ganon." pagak siyang natawa.
Binitawan niya ang aking baywang at bahagyang lumayo sa akin. Umawang labi ko at mas lalong kumirot ang aking puso. Hindi ko kayang sagutan ang tanong niya sa ngayon. Hindi pa ako handa. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin.
"Lian... forgive me please." I beg.
"Not until you answer my questions." he shook his head.
"Lian, I can't answer that yet. Hindi pa ako handang sagutin yan." umiling ako sakanya.
"Kung ganon ay hindi din ako handang patawarin ka, Yara." malamig niyang wika.
"Lian." I bit my lower lip.
"Hindi ka man lang nag explain ng makabalik ka. Bagkus ay nagsinungaling ka na naman sa akin. Nagpahalik ka pa sa iba!"
"Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sayo. You denied me to your employee! Paano kita kakausapin?"
"Ang daming paraan, Yara. Gaano ba kahirap ipaliwanag sa akin ang dahilan kung bakit mo ako iniwan?" malungkot niyang tanong.
"Sobrang hirap, Lian." humagulgol ako.
He sighed harshly. Namumula ang kanyang mata dahil sa namumuong luha dito. Mas lalong piniga ang puso ko sa aking nakita. He tried to stop himself from crying but his tears just won't listen to him. Tumulo ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sa akin, puno ng hinanakit ang mga mata.
"I'm sorry." yumuko ako.
"Bakit ngayon lang, Yara?" aniya saka pinunasan ang kanyang mukha.
"Lian, hindi ko ginustong iwan ka."
"Pero ginawa mo parin. Iniwan mo parin ako." he smiled painfully at me.
"Are you happy without me?" pain stroked my heart.
Please say no. I pleaded silently.
"No. I was never happy since the day I found out that you left me." napapaos niyang wika.
YOU ARE READING
Her Favorite Mistake (COMPLETED)
RomancePosted: February 16, 2022 Ended: March 5, 2022