"Lian, when can I meet Yara?" Euna pouted at me.
I sighed for the ninth time. Ang kulit naman ng buntis na 'to.
"Euna, why are you so eager to meet her? Nagseselos ka parin ba sakanya?" tinaasan ko siya ng kilay.
She rolled her eyes on me.
"Of course not! Bakit ako magseselos kung ako naman ang asawa at minamahal." sinamaan niya ako ng tingin.
"Okay, whatever." I sighed.
"Let me meet her, please." ngumuso siya.
Iginiya ko siya palabas ng condo. Talagang pinuntahan niya pa ako dito para lang hilingin sa akin yan. Napailing ako habang pinagmamasdan siya.
"Promise me couz, please."
"Okay, I promise." I smiled before hugging her.
Malaki ang ngiti niya habang hinahaplos ang tiyan niya. Hindi ko napigilan ang haplosin din ito. Pumasok sa isip ko si Yara na malaki ang tiyan at malapit ng ipanganak ang panganay namin. I smirked at that thought.
Nabaling ang tingin ko sa elavator ng may maingay na bagay ang bumagsak sa sahig. Nanlaki ang mata ko at saglit na umawang ng makita si Yara. Umiiyak siya habang nakatingin sa amin ni Euna. Gusto kong tumakbo para sundan siya pero hindi ko pwedeng iwan si Euna.
Natatarantang binalingan ko si Euna na ngayon ay katulad ko din ang reaksyon. We are thinking the same. Marahas akong bumuntong-hininga habang inalalayan papasok sa sasakyan si Euna. Nang makapasok ay agad akong nagpaalam sakanya na susundan ko si Yara. Naintindihan niya ang pagkataranta ko kaya hindi na siya nagsalita pa. Mabuti nalang at may driver siya.
Unang pumasok sa isip ko ang bahay nila ni Yara kaya yon ang una kong pinuntahan. Wala ang kotse niya pero hindi ako umalis. Kumatok ako at ilang sandali ay may nagbukas ng pinto.
Umawang ang labi ko ng makita ang batang nagbukas ng pinto. Katulad ko ay gulat na gulat din siya. What the fuck! Ilang beses akong kumurap dahil baka namamalikmata lang ako pero hindi! Totoo itong nakikita ko.
"D-Daddy?" the kid called softly.
I sighed harshly. Umupo ako para magpantay ang tingin namin. Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng luha. Tumulo ang luha ko ng magsimulang umiyak ang bata. Parang pinipiga ang puso ko.
"Hey... I'm sorry." nabasag ang boses ko.
"Nandito ka na ba talaga daddy?" umiiyak na tanong niya.
Nanghihinang niyakap ko siya. Hindi ko alam kung ano ang unang iisipin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin. Paanong may anak ako? Paanong? Bumuntong-hininga ako ng may pumasok sa aking isipan.
"Nandito na ako. Hindi na ako aalis. I'm sorry, son." I whispered.
"Bakit ang tagal mo, daddy?" humihikbing tanong nito.
Mas lalong yumigpit ang yakap ko sakanya. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Paano nagawang itago ni Yara sa akin to? Bakit niya nagawa sa akin to?
"I'm sorry, anak." my voice broke.
Ilang minuto ko siyang niyakap bago ko siya inaya papasok. Umupo ako sa sofa habang umupo naman siya sa hita ko. Hinalikan ko ang noo niya. Hindi parin ako makapaniwala.
"Can you introduce your name to daddy?" malambing kong wika.
"Opo!" masigla niyang sagot.
Ngumiti ako sakanya habang marahang hinahaplos ang buhok niya.
"I am Yarren Ian E. Adams. I am 8 years old and I was born in November 16, 2021." he said cutely.
Yarren Ian, what a beautiful name. Marahan kong hinaplos ang pisnge niya. Para akong nananaginip ng gising. Kanina lang ay iniisip kong buntis si Yara tapos ngayon ay nalaman kong may anak kami. I gritted my teeth when I remember that she lied to me again.
YOU ARE READING
Her Favorite Mistake (COMPLETED)
RomancePosted: February 16, 2022 Ended: March 5, 2022