"Where have you been?!"
Bungad ni mama sa akin ng makapasok ako sa bahay. Bumuntong-hininga ako bago siya hinarap.
"I'm sorry, ma." I said.
"Kagabi pa nag-aalala ang anak mo! Anong silbi ng cellphone mo at hindi ka man lang nagtext?" galit na tanong niya.
"Nalowbat ako, ma. I'm sorry, okay?"
Umiling siya sa akin at bakas parin ang galit.
"Tell that to your son. Kagabi pa yon umiiyak!" tumaas ang boses niya.
Nabalot ng pag-aalala ang puso ko. Halos takbohin ko na ang kwarto niya dahil sa kaba. Inuuna ko kasi ang landi. Halos sabunutan ko ang sarili sa inis.
Nang makapasok ako sa kwarto niya nakatalikod ito habang nakahinga. Dahan-dahan akong lumapit at tumabi sakanya. Hinaplos ko ang buhok niya kaya napalingon siya sa akin. Umawang ang labi ko ng makita kong gaano kapula ang mata niya. My poor baby.
"I'm sorry, baby." I whispered softly.
"Are you angry at me mommy kaya hindi ka umuwi kagabi?" malungkot na tanong niya.
"Hindi, anak. Hindi galit si mommy sayo." ngumiti ako.
"Pero bakit hindi ka po umuwi?" nangilid ang luha sa mata niya.
"I'm sorry, Ren." marahan kong hinalikan ang noo niya.
"Akala ko iniwan mo na din ako mommy. Don't leave me, mom. Wala na nga si daddy tapos mawawala ka pa." he cried.
I gasped harshly. Niyakap ko siya ng mahigpit habang pinapatahan. Hindi ko man lang alam na ganito pala ang nararamdaman ng anak ko.
"Hindi kita iiwan, Ren. Ikaw ang buhay ko, anak. Ikaw ang pinakamahalaga sa akin, kayo ng daddy mo." bulong ko.
"Pero hindi naman ako love ni daddy." humikbi siya.
"Love ka niya anak." nabasag ang boses ko.
"Kung love niya ako bakit wala siya dito?"
Mas lalo siyang humikbi ng hindi ako nakasagot agad. I'm sorry, anak.
"May work kasi si daddy, anak."
"What kind of work ba mommy na he can't spend at least one hour with me?"
"He is coming to your birthday." I lied.
I must be the most useless mom huh? Ako na ata ang pinakamasamang ina. Pasensya na Ren, pasensya na kung hindi matapang ang mama mo.
"Really?" biglang nabuhayan ang boses niya.
"Of course, baby. I was with your dad yesterday and he told me that."
"You're not lying, mom?" he asked.
I smiled at him sweetly.
"Of course, baby."
"I love you the most, mommy." he smiled.
Natulog akong yakap-yakap ang aking anak. Gusto kong pawiin ang lungkot niya. Ang sakit sakit sakin na makita siyang umiiyak. Para akong pinapatay habang sinasabi niya na sa akin na wag siyang iwan.
Nang gabi ding iyon ay naisip ko na kausapin si Lian para ipaalam sakanya. Karapatan niyang makilala ang anak niya. Bahala na kung magalit siya sa akin. Ang importante ay sumaya ang anak ko.
Kinaumagahan ay hindi ako pumasok sa trabaho. I want to spend the day with my son. Aayain ko siyang mag grocery kahit na pinakaayaw niya yon. Nakabusangot siya habang nasa sasakyan. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil kamukhang-kamukha niya ang ama niya. Pareho din silang suplado.
YOU ARE READING
Her Favorite Mistake (COMPLETED)
عاطفيةPosted: February 16, 2022 Ended: March 5, 2022