"Mommy! Daddy! Are you inside?"
His face softened when Ren knocked the door. Inayos ko ang sarili at agad pinunasan ang luha. Malaki ang ngiti ng aking anak ng pagbuksan siya ng ama niya.
"Do you want anything, son?" he asked Ren softly.
"No, daddy. I just want to be with you and mommy." he said cutely.
Lian smiled at him before carrying him. Marahan niyang nilapag si Ren sa kama kung nasan ako. Nginitian ko ang anak ng makalapit siya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit bago umupo sa kandungan ng ama niya.
"Ren." I called him.
"Mom?"
"Kay daddy ka muna titira, baby. Okay lang naman diba?" ngumiti ako.
Nakita ko ang bahagyang pagkatigil ni Lian. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pakikipag-usap kay Ren.
"Oo naman, mommy!" he said excitedly.
I nodded as I smiled at him sweetly.
"Don't give daddy a headache, alright? Be good, Ren."
Tumango ang anak ko habang may malawak na ngiti sa labi.
"How about you, mommy? Are you living with us?" tanong niya.
Natatarantang binalingan ko si Lian pero hindi siya kumibo. Napalunok ako bago sinagot ang anak.
"N-No baby, kayo lang ni d-daddy."
"Pero bakit, mommy?" malungkot na sabi ng anak.
Huminga ako ng malalim bago tipid na ngumiti sakanya.
"May work kasi si mommy, anak. Remember tito Savie?"
"Yes, mom. Tito Savie is your friend and your boss." he smiled.
"Pupunta kasi si mommy sa US for two months, baby. Kailangan kong taposin ang work na iniwan ko don. Kaya sa daddy ka muna ha?" ngumiti ako.
"Two months mom? So long!" ngumuso siya.
Humalakhak ako saka marahang hinalikan siya sa pisnge.
"Mabilis lang naman yon, Ren. Babalik ako agad sayo, pag okay na."
Wala naman talaga akong trabahong babalikan sa US. Gusto ko lang umalis para bigyan ng time si Lian kay Ren. At para narin bigyan ng oras ang sarili ko na maghilom. Kasi hindi ko na kayang manatili dito habang galit na galit siya sa akin. Kailangan ko munang bigyan ng oras ang sarili ko. Kailangan naming bigyan ng oras ang isat-isa.
"Why do you have to leave, mom?" naiiyak na tanong niya.
"I'm sorry, Ren."
"Kailan ka po aalis?"
"In two days." I smiled.
"You don't have to go." Lian said.
Nilingon ko siya at pinantayan ang titig niya.
"I need to leave."
"Hindi mo kailangang magtrabaho doon dahil kaya ko naman kayong buhayin." he said hoarsely.
"Hindi mo ako kailangang buhayin, Lian. Si Ren nalang ang isipin mo dahil kaya ko ang sarili ko."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
"Bakit ba hindi ka marunong umintindi?" tumaas ang boses ko.
"Stop! Why are you fighting?" naiiyak na tanong ni Ren.
Umiling ako sakanya bago tumayo.
"Sleep here with Ren, Lian. Sa guestroom lang ako."
Umalis ako ng kwarto at agad nag tungo sa guestroom. Nagtungo ako sa terrace para pakalmahin ang sarili. Ilang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago napakalma ang sarili.
YOU ARE READING
Her Favorite Mistake (COMPLETED)
RomancePosted: February 16, 2022 Ended: March 5, 2022