Chapter 8

9.8K 260 78
                                    

"What the fuck, Yara!"

Ada shouted at me when I told her everything. First, I told her about mama. Second, yung kay James at Lian. At hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na akong minura at sinigawan.

"Stop cursing me, will you?" malungkot na sabi ko.

"Tangina, Yara ang bobo mo!"

Halos mapapikit ako ng magmura ulit siya. Kung nag-uusap lang kami ng harap-harapan ngayon ay baka kanina niya pa ako sinabunutan. I sighed harshly.

"Alam ko, kasalanan ko ang lahat. Sabihin mo nga sakin kung ano ang dapat kong gawin?"

"Pumili ka ng isa, Yara. Isa lang, dahil hindi pwedeng dalawa." naiinis na wika niya.

I know why she is so mad right now. Kinagat ko ang labi at agad na nagsisi na ipinaalam pa sakanya.

"Are you thinking that I am no different from your mom, Ada?"

She sighed.

"No, Yara. You are better than her, much better. I just can't help but get mad at you. If you continue what you're doing now, you will lose both. Sino ba talaga ang gusto mo?"

"Gusto ko si James, Ada. Pero hindi na iyon tulad ng dati. Ni hindi ko kaya na makita ang sarili na hinahalikan siya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagbabago ng nararamdaman ko pero... gusto ko siya bilang kaibigan nalang." I sighed deeply.

Naamin ko rin sa wakas.

"Of course you won't like him that way anymore, stupid! May gusto ka ng iba, kaya ganon." naiinis na wika niya.

"I like Lian?"

Of course, I like him! Tanga, Yara.

"Malamang! Hindi ka magpapahalik kung hindi mo naman gusto, Yara."

"Pero kakakilala palang namin." I bit my lower lip.

"Wala naman iyon sa tagal ng pinagsamahan. Kung gusto mo siya, edi gusto mo siya. Hindi na nagmamatter kung ilang araw o oras palang kayong magkakilala." pangaral niya.

I laugh a bit.

"Andami mo namang alam, Acantho Dauntless. May natitipuhan ka na ba?" humalakhak ako.

"Oh shut up, I am fucking in a relationship with my studies." she snorted.

"Pag ikaw nagkagusto, sinasabi ko sayo. Luluha ka talaga, Ada!" I laughed.

"Kung deserving naman, why not."

"What the hell!"

Humagalpak siya ng tawa. Hindi ako sanay na ganito siya. She dislike boys a lot. Kahit crush, wala siya. Puro libro lang ata ang nakikita nito.

"Yara, do the right thing. Kung alam mo sa sarili mo kung sino ang gusto mo, pakawalan mo yung isa." seryosong aniya.

"I will, Ada." I whispered.

Gumaan ang pakiramdam ko matapos ang pag-uusap namin. Alam ko na ang gagawin ko. But I need to tell Lian first. Kailangan naming mag-usap. Alam kong galit siya sa akin. Sobrang galit at hindi ko siya masisisi.

"Magandang hapon, lola Seva." bati ko.

Nandito ako sa bahay nila. Hindi ko na kayang ipagpabukas to. Hindi ako mapanatag na galit sa akin si Lian.

"Magandang hapon, Yara." ngumiti siya.

"Si Lian po?" I bit my lower lip.

Lumiwanag ang mukha niya at humagikhik.

"Nasa kwarto niya, puntahan mo iha at kaninang umaga pa 'yon galit." tumawa ang matanda.

"Sige po." nahihiyang ngumiti ako.

Her Favorite Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now