Chapter 23

12.1K 299 17
                                    

"Bakit natahimik ka? Tutal natahimik ka na naman. Ako naman ang magsasalita." he said coldly.

"Pagkatapos kong malaman na may anak tayong dalawa ay makikita kita dito na nakikipaghalikan sa iba?"

Umawang ang labi ko sa gulat. Nanginginig na inabot ko ang kamay niya pero lumayo siya sa akin. Humikbi ako kaya agad akong hinawakan ni Savie.

"Imagine my shock. May anak pala ako. May naghihintay pala sakin ng ilang taon. May isang tao pala na nalulungkot gabi-gabi dahil wala ako sa tabi niya." nanginig ang boses niya.

"Lian..."

"Shut up! Just shut the fuck up! Galit ako sayo. Galit na galit ako sayo. Paano mo nagawang itago sa akin ang anak ko? Siyam na taon, Yara! Siyam na taon akong wala sa tabi niya!"

"Lian, makinig ka muna." nabasag ang boses ko.

"Tinanong kita diba... tinanong kita kung may tinatago ka pa ba sakin... ang sabi mo wala." napapaos niyang wika.

"I'm sorry." nanghihinang sabi ko.

"Sorry? Mababalik ba non ang ilang taong hindi ko nakasama ang anak ko? Pinagkaitan mo ako ng karapatan!" he shouted, tears are falling in his eyes.

"Hindi ka pa handa ng mabuntis ako." umiiyak na sabi ko.

"Pero sana binigyan mo ako ng pagkakataon para magdesisyon. Hindi yong inako mo mag-isa at iwan nalang ako!"

"Lian, please."

"I fucking hate you." he said coldly.

Humagulgol ako sa iyak. Lumipat ang tingin niya kay Savie bago mapaklang tumawa. Umiling ako sakanya.

"Magsama kayo ng lalaki mo."

Agad siyang pumasok sakanyang sasakyan at pinatakbo ito ng mabilis. Nanghihinang napaupo ako habang yakap-yakap ako ni Savie. Nilingon ko siya at mapait siyang nginitian.

"I will surely lose him this time, Savie." nanginginig kong sabi.

Umiling siya sa akin at marahang hinaplos ang buhok ko.

"Umuwi na tayo. Sigurado akong pupunta siya sa bahay niyo. You will not lose him, Yara. Galit lang siya ngayon pero mahal ka non." ngumiti siya.

Wala sa sariling tumango ako sakanya. Buong byahe ay nakatulala lang ako. Hindi ganito ang gusto kong mangyari. Hindi ko gusto na sa ganitong paraan niya malaman na may anak kami. I wanted to explain to him so bad! Pero ayaw niya akong pakinggan. He hates me.

Natigil ako sa pag-iisip ng tapikin ni Savie ang aking balikat. Nang pagmasdan ko ang paligid ay nasa bahay na pala kami. Huminga ako ng malalim bago siya nilingon.

"Thank you, Savie. Hindi na kita iimbitahan pumasok, pasensya na." mahinang sabi ko.

"I understand. Fight for your family, Yara." he smiled.

I give him a nod before leaving his car. Habang papasok sa bahay ay para na akong papatayin sa kaba. Saglit akong natigilan ng marinig ang tawa ng aking anak at ni Lian. Parang gusto kong umatras agad. Ngayon ko lang mas narealize kung gaano ako kasamang ina. Ang saya saya ng anak ko kasama ang ama niya. Pinagkait ko to sakanya ng ilang taon.

Huminga ulit ako ng malalim bago naglakas ng loob na puntahan sila. Nangilid ang luha ko ng makita si Lian na kalong si Ren habang nagtatawan sila sa sala. Kung naging matapang lang sana ako, sana noon palang ay nasilayan ko na to. Sana noon palang sumaya na ng ganito ang anak ko.

"Mommy!"

Kung hindi pa sumigaw si Ren ay hindi ko napansin na nakatingin na pala sila sa akin. Malaki ang ngiti niya habang tumatakbo palapit sa akin. Nang makalapit ay agad itong yumakap sa akin.

Her Favorite Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now