"May date ka pa diba? Umalis ka na."
Hindi ko siya tinignan ng sabihin ko iyon. Nasa loob parin kami ng cr. Kung bakit walang empleyado ang kumakatok ay hindi ko alam. Ang cr na to ay malapit lang sa pinagmeetingan kanina.
"Aalis lang ako kapag aalis ka na." he said firmly.
"Paano ang date mo?"
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sakanya. He looked at me like I said something so stupid.
"Wala akong date." inirapan niya ako.
"Suplado." bulong ko.
"Narinig ko yon." sinamaan niya ako ng tingin.
"Malamang, may tenga ka."
Kumunot ang noo niya sa akin. Inirapan ko lang siya saka nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya kanina o malulungkot. Guilt is creeping me.
Bumuntong-hininga ako saka naglakas ng loob tignan siya. Hindi na ako nagulat ng makitang nakatingin na siya sa akin. Paano ba to? Kinagat ko ang labi at huminga ulit ng malalim.
"I'm giving you the space you deserve. Maiintindihan ko kung hindi mo ako kayang patawarin. Kaya hindi mo na kita guguluhin. Hahayaan kitang makapag-isip kung ano ba talaga ang gusto mo." I bit my lower lip.
He stare at me for a while before nodding. Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. Kahit hindi ako nakatingin sakanya ay alam kung nakatitig parin siya sa akin.
"Paano kung ang gusto ko ay taposin na natin kung ano mang meron sa atin noon. Ayos lang ba sayo?" he asked, still staring at me.
I gulp before looking at him. Pinantayan ko ang tingin na binibigay niya sa akin.
"Oo. Kung saan ka masaya... kung saan ka sasaya... hindi ako hahadlang." I smile a bit.
Gusto kong palakpakan ang sarili. Nagawa ko pa talagang ngumiti kahit wasak na wasak na ang puso ko. Gusto ko siyang sigawan at saktan! Dahil hindi ko siya kayang mawala sa akin. Hindi ayos sa akin na taposin kung ano mang meron kami. Labag sa loob ko pero kung sasaya siya pag nawala ako... ano pa bang magagawa ko?
Tumango siya at bahagyang ngumiti sa akin.
"Okay lang ba na magmahal ako ng iba?" tanong niya.
Fuck you, Lian!
I sighed harshly and let a small laugh. Saglit akong nag-iwas ng tingin para kagatin ang labi dahil ano mang oras ay tutulo na naman ang luha sa aking mata. Nang makontrol ko ang emosyon ay saka ko lang siya nilingon ulit.
"Hindi ako ang magdedesisyon niyan, Lian." sagot ko.
"Alam ko, pero gusto ko lang malaman kung okay lang sayo."
Tangina, hirap na hirap na ako. Ano ba ang gusto niyang marinig? Na hindi okay sakin? Na hindi ako papayag dahil gusto ko akin lang siya? Kung pwede ko lang sanang sabihin niyan... ginawa ko na sana. Pero alam kung ang selfish ko kung ganon. Hindi ko na siya kayang saktan ulit.
Marahan akong tumango kahit na may tumulo ng luha sa aking mata. I'm sorry, anak. I can't give you the complete and happy family that you've been dreaming.
"Okay lang sakin... kung saan ka naman masaya... okay lang." I stuttered.
Marahan siyang tumango. Halos manghina ako ng makita kung gaano kalamig ang tingin niya sa akin.
"Thank you for setting me free, Yara. Now I want you to say it. Tell me you're breaking up with me." he said hoarsely.
I gasped harshly. Hindi ko na napigilan ang paghikbi. Puno ng sakit na tinignan ko siya. He is torturing me. Kinagat ko ang labi saka marahang tumango sakanya. Hindi ko ininda ang luhang patuloy paring umaagos. Ang sakit sakit na. Hindi ko na kaya.
YOU ARE READING
Her Favorite Mistake (COMPLETED)
RomansaPosted: February 16, 2022 Ended: March 5, 2022