Chapter 3

11.5K 315 14
                                    

"Asshole. Talagang iniiwasan ako."

Halos matawag ko na ang lahat ng santo dahil sa inis. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay hindi ko na siya nakita. Hindi ako tanga para hindi malaman na iniiwasan niya ako. Today is my birthday. Sa hapon pa ang salo-salo kaya narito lang ako sa kwarto at nagmumukmok.

My mom texted me last night na hindi siya makakapunta. Hindi na ako nagulat pero hindi ko maiwasan ang masaktan. Pakiramdam ko simula nong namatay si papa at lolo, pati siya nawala din. Maswerte nalang sa isang buwan na makita ko siya kahit tatlong beses.

Mabigat na nga ang nararamdaman ko dahil sa text ni mama kagabi, mas bumigat pa ngayon na iniiwasan ako ni Lian. May nagawa ba akong masama kahapon? Galit ba siya kaya iniiwasan niya ako?

Marahas akong bumuntong-hininga saka nagpagulong-gulong sa kama. Hindi ko napansin na kunti nalang pala ang space kaya bumagsak ako sa sahig. Napasigaw ako dahil sa sakit. Nabalian pa yata ako, ang malas malas ko naman.

Nasa sahig parin ako ng bumukas ang pinto ko. Natataranta ang mga maids ng makita ang itsura ko. Nang sinubukan kong tumayo ay napangiwi lang ako sa sakit.

"Ma'am Yara, anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling lang ako at napangiwi ulit sa sakit.

"Okay lang ako." kahit hindi naman talaga.

Pumasok sa kwarto ko ang inaalayan na si lola. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. I tried to smile at her pero napunta iyon sa ngiwi ng kumirot ang  braso ko.

"Ano pang ginagawa niyo? Dalhin natin ang apo ko sa ospital!" sigaw ni lola.

Imbes mag-alala sa sarili ay mas nag-alala ako sakanya. Baka mapano siya dahil sa pag-aalala sakin. Napapikit ako ng mariin, ang tanga tanga mo kasi Yara. Pag may nangyari sa lola talagang malilintikan ka.

Tinulungan ako ng mga kasambahay na makatayo. Nakangiwi ako habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. Halos maiyak ako ng aksidente kong magalaw ang kamay.

"Adriana, what happened?" puno ng pag-aalala na tanong ni lola.

"Nahulog ako sa kama, lola. Okay lang po ako, wag ka nang mag-alala. Pasamahan mo nalang ako kay manang sa ospital. You need to rest." I tried to smile.

"Hindi! Sasamahan kita."

"Lola please, mag-aalala lang ako sainyo pag sumama pa kayo." pakiusap ko.

Bumuntong-hininga siya bago tumango sa akin. Hinalikan niya muna ang noo ko bago inutusan ang driver na tumulak na. Pinikit ko saglit ang mga mata para makapagpahinga. Andami ko namang kamalasan ngayong araw. May idadagdag pa ba?

Halos apat na oras din akong nasa ospital. Madaming ginawang test at nagpa x-ray din ako dahil iyon ang utos ni lola. Buti nalang at sprain lang ang nangyari sa braso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin pag may bali sa buto ko. Mag-aalala lang si lola sakin.

Habang pauwi sa bahay ay may suot na ang braso ko na hindi ko alam kung anong tawag dito dahil hindi ko naman tinanong. Basta hindi ang alam ko lang ay hindi daw ito pwedeng maigalaw dahil hindi pa naghihilom ang injury ko.

Nang makarating sa bahay ay agad akong bumaba ng sasakyan. Nanlaki ang mata ko ng bumungad sa akin ang isang taong hindi ko inaasahan. Anong ginagawa niya rito? Namula ang pisnge ko habang pinagmamasdan siyang nag-aalala habang nakatingin sa akin.

Tumakbo siya palapit sa akin at agad hinawakan ang isang braso ko. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. Napanguso ako para pigilan ang pag supil ng ngiti.

"What are you doing here?" I asked him.

"It's your birthday. Isusurpresa sana kita pero ako ang sinurpresa mo ng pag-aalala." may halong galit sa boses niya pero nag uumapaw ang pag-aalala.

Her Favorite Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now