Chapter 2

13.4K 347 82
                                    

That... asshole!

Nanginginig na hinawakan ko ang aking labi. He stole my first kiss! Ilang minuto na ang nakalipas simula nong umalis siya pero hindi parin ako makagalaw. Hindi ako makapaniwalang hinalikan niya ako. And what does he mean by that one point thing? Tingin niya ba laro ito?

Mas lalo lang lumala ang galit ko sakanya. Hindi niya lang ako ininsulto, ninakawan niya pa ako ng halik. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni lola sa lalaking iyon at mukhang irereto pa ako.

Hindi ko siya type!

I admit it, he is handsome. Pero nakakaturn off ang ugali niya. Ano gagawin ko sa mukha niya? id-display? Useless ang pagiging gwapo niya kung nakakasuka naman ang ugali. I will never like that man.

"Apo, nandito ka lang pala."

Gulat akong napatingin kay lola nang pumasok siya sa terrace. Malaki ang ngiti niya habang naglalakad siya palapit sa akin.

"Umalis na sina Seva at Lian. Hindi ka man lang nakapagpaalam." ngumiti siya.

"Lola, are you planning something?" I asked her.

She laughed at me and shake her head.

"Apo, I don't know what you're talking about." ngumisi siya.

"Really, lola?"

She shrugged. Bumuntong-hininga nalang ako dahil alam ko namang hindi din siya aamin sa akin. Kung paano nalaman ni Lian ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi ko alam.

"What do you think of Lian, Adriana?" she suddenly ask.

I knew it. Pakiramdam ko namutla ako sa kaba.

"He is suplado, lola." I answered honestly.

Lola laughed a bit while looking at me. I pouted at her. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. I am just being honest. Talaga namang suplado ang lalaking iyon.

"He look sweet and kind." Lola said.

I laughed sarcastically at that. Sweet and kind? What a joke!

"Oh come on, lola. I knew better. Nagpapanggap lang ang lalaking iyon." umirap ako sa kawalan.

"Mukhang galit ka ata sakanya. May nangyari ba na hindi ko alam?" tanong niya.

Halos hindi ako makahinga sa tanong niya. Anong sasabihin ko? Na hinalikan ako at ininsulto ng lalaking iyon? But then I don't want her to be stress. Problema ko naman to, ako na ang bahala dito.

"Wala naman, lola." tanging nasabi ko.

"Iyon naman pala. At isa pa, hindi ka ba naggwapohan sakanya?" humagikhik si lola.

Marahas akong nagpakawala ng malalim na hininga. Hindi ko gusto kong saan ang patutungohan ng usapan na ito. Masyado pa akong bata para sa mga bagay na iyon. At isa pa, hindi ko gusto si Lian. May iba akong gusto, he is in manila.

"Lola, I already have eyes for someone." I confessed.

"Well, I don't mind if it's Lian."

Kinagat ko ang labi para pigilan ang sarili na mag salita. Kagagaling niya lang sa ospital. Hindi na ako umimik hanggang sa nagpaalam siya sa akin na magpapahinga nadaw siya.

Kinaumagahan ay hindi ako lumabas ng bahay. Nanatili lang ako sa loob habang binabaliw ang sarili kakaisip. Nagtataka nga din si lola at hindi ako gumala. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako aalis ng bahay. Pero ang totoo ay wala naman talaga akong sakit. Iniiwasan ko lang lumabas dahil baka makita ko si Lian.

Hindi ko gusto ang naging epekto ng halik niya sa akin. Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip. Hindi ko naman siya gusto. Pero kasi alam mo iyong feeling na bago sayo ang isang bagay? Nakakacurious at gusto ko pa itry ulit. Pero hindi ko siya gusto, gusto ko lang talagang itry ulit. Gets niyo ba ako?

Her Favorite Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now