Kabanata 264

4.8K 319 306
                                    

Kabanata 264:
More

Awang pa rin ang labi ko at natulos na sa kinatatayuan. Tinikom ni Kuwai ang labi at dumilim ang mga mata nang tignan ako.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya pero nanatiling awang ang labi ko at hindi makahanap ng mga salita.

"Sir, mukhang ayaw na ni Agape na magpabisita----" inignora ni Kuwai ang sinabi ng pulis. Inilang hakbang niya ang pagitan namin at mabilis na hinaklit ang palapulsuhan ko. Napaigtad pa ako dahil doon. He then walk fast like he's in a hurry. Hindi ko na lang namalayan na nakalabas na kami ng presinto.

Nakatingin lamang ako sa likod niya habang naglalakad kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong mali sa akin at hindi ko magawang tumanggi o makakilos ng sarili at parang nagpapatianod na lang ako sa hila niya.

"Bakit ka bumisita sa kaniya?" huminto kami ng nasa parking lot na. Bumagsak ang tingin ko sa pamilyar na Black Honda Civic. The car was twinkling because of its squeaky clean body.

"Alam mo ba ang ginagawa mo, Raiven?" napabalik ang tingin ko sa kanya nang marinig ang mariin niyang tinig.

Para akong nabalik sa reyalidad at napagtanto na maling maling natagpuan ako ni Kuwai roon. When I heard his voice, I should have hide. Pero tinawag ko pa talaga siya!

Ngayon paano ko ipapaliwanag ang presensiya ko rito? I was good at lying but I was sucked on pretending I am when it comes to him. Binitawan niya ang hawak sa akin at bumagsak roon ang tingin ko.

I straightened my stance when he stared at me. Tumingala ako sa kaniya dahil sa tangkad niya.

"Delikado 'yon!" singhal niya at bahagyang ginulo ang buhok. He look at me with his sharp eyes. Kanina gulat siya, pero ngayon ay galit na.

Naningkit ang mga mata ko. Delikado? Naglaho bigla ang gulat ko at naningkit ang mata sa kaniya.

"Paanong naging delikado? He's in a cell. Isa pa may mga pulis. At ganoon pa rin ba kahina ang tingin mo sa akin?" ismid ko. Unti-unting nawawala ang tensiyon sa akin ngayon at binalik ang inis sa kaniya.

His eyes look at me straight.

"Na pagkatapos ng lahat at ang trabaho ko, iniisip mo pa rin na hindi ko kaya nang mag-isa?" he sigh heavily as he shook his head.

Bakit ganito na lang lagi ang reaksiyon nila? Laging nag-aalala para sa akin kahit hindi ko 'yon kailangan. Alam ko ang ginagawa ko!

Pero alam ko ba talaga? Padalos dalos ang pagpunta ko rito. Halos hindi ko ito napag-isipan nang mabuti! Kanina nga ay imbes na magtago, tinawag ko pa siya!

"Of course not! Nag-aalala ako!" aniya at mabilis na natigil ang pag-iisip ko.

"Kahit gaano ka pa kalakas! Kahit gaano ko kaalam na kayang kaya mo ang sarili mo!" pagpapatuloy niya at pumikit ng mariin. He even uttered something before he open his eyes and looked at me with pained eyes. Nahigit ko ang hininga nang makita ang ekspresyon niya.

"I know so well you can handle yourself alone." Humina ang tinig niya na para bang nanghina bigla.

"Nakaya mo nga na mag-isa nang ilang taon di ba? Na wala ako?" humina ang tinig niya. Napakurap-kurap ako.

A while ago he was mad and right now he would mention something like that.

"Wala akong pakialam kung kayang kaya mo ang sarili mo. Ayoko pa rin na napupuruhan ka." Nanginig ang labi ko at pumikit lamang ako ng mariin. Is he fooling me?

After what I had seen back at the wedding? Then he will say this?

"Psh. You're still concerned?" halos mahaluan ng sarkasmo ang tinig ko. Hindi ko na mapigilan.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon