Chapter 13

3.7K 106 18
                                    

Nagising ako kinagabihan ng maramdaman kong kumalam ang sikmura ko dahil sa gutom.Napatingin naman ako sa katabi kong mahimbing na natutulog habang nakadagan ang malaki nitong hita sa hita ko.

Napatitig naman ako sa maamong mukha nito. How can god create this kind of perfect face? He's the perfect imperfections.

Tinitigan ko muna ng ilang minuto ang mukha niya bago dahan-dahan na bumangon at pumunta sa kusina upang magluto ng makakain ko.

I silently eat my pasta while thinking about what happened last night and this morning. I can't stop my self from frowning dahil certified akong marupok dahil nagpadala sa tukso at bugso ng damdamin.

"Good evening." rinig kong bati ni Conrad habang papalapit sa akin.Hindi ko ito tinapunan ng tingin at pinagpatuloy nalang ang pagkain na niluto ko.

Naramdaman ko naman ang kamay nitong dumapo sa bewang ko at masuyong hinalikan ang pisnge ko.

"I said good evening.." ngusong sabi nito at mabilis na pinantakan ako ng halik sa labi. Tinulak ko naman ito dahil baka kung saan naman mapupunta ang halik na iyon at hindi naman muli makakain."Hmmm?I said good evening."ungot nito sa habang masuyong nakatingin sa akin.

Tinaasan ko muna ito ng kilay bago magsalita."Dapat bang kailangan kitang batiin pabalik? "masungit na sabi ko sa kaniya at bumalik sa kinakain ko.

Narinig ko ang malakas nitong pagbuntong hininga kaya agad akong napatingin sa kaniya at nagtama ang tingin ko sa bughaw nitong mata.

"What?" asik ko sa kaniya at umirap.

"Bakit ang sungit mo?" masuyong tanong niya at umupo sa tabi ko at ipinatong ang kamay nito sa hita ko.

Napataas naman ang kilay ko habang nakatingin sa kamay nitong masuyong hinahaplos ang balat ko.

"Hands off."

"No."

"I said get your hands off." mariing sabi ko habang masamang nakatingin sa mata nito. Nakangisi lang itong nakatingin sa akin at patuloy parin sa paghaplos ang kamay nito sa hita ko. Hinigpitan ko ang paghawak ko ng tinidor at inilapit iyon sa kamay niyang nakapatong sa hita ko.

"Kukunin mo o tutusukin ko?"nawala ang ngisi nito sa at agad na kinuha ang kamay nito sa hita ko. Nakita ko naman ang malalim na paglunok nito habang nakatingin  sa akin."Good." ginawaran ko ito ng isang matamis na ngiti bago pinagpatuloy ang pagkain.

"My cat is little bit feisty." rinig kong bulong nito.

Nagsimula din itong kumain ng niluto ko. Nakangiting nakatitig lang ako sa kaniya habang sinusubo niya iyon pero agad din nawala ang ngiti ko ng tinakpan niya ang bibig at mabilis siyang tumayo sa upuan at tumakbo palapit sa banyo.

Agad naman akong sumunod sa kaniya na patuloy pa rin sa pagsusuka.Narinig ko ang pagmura nito ng ilang beses habang nakaharap sa sink.

"F*ck!"

"What's wrong?" takang tanong ko sa kaniya at hinawakan ito sa likod. Wala naman akong nalasahan na masama sa pagkain at masarap pa ng iyon.

Nagmouth wash muna ito bago ako hinarap at mapanuring tiningnan ako.

"Ikaw ba ang nagluto ng pasta?" tanong niya kaya napatango naman ako sa kaniya.

Malakas namn siyang napabuntong hininga at sinapo ang ulo nito bago magsalita. "Don't eat."bulong nito habang nakatingin sakin.

Nataka naman ako sa sinabi niya."Anong hindi ko kakainin?" tanong ko dito na ikasinghap niya.

"The pasta."

Kiss Me, Attorney (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon