Week passed pero hindi parin natigil ang pagsusuka ko. Hindi ko maiwasan na magtanong sa sarili ko kung buntis ba ako kung ano dahil lang dito.Napapansin ko ang paunti-unti na pagtaba ko pagkalipas ng ilang linggo. Inaamin ko na naparami yung kain ko pero hindi ko ine-expect na matataba ako dahil lang doon. I always give myself a time to exercise pero kahit anong gawin ko ay hindi ako pumapayat hindi kagaya ng mga nakaraang buwan.
"Night out tayo guys?" aya sa amin ni Leslie na sinang-ayunan naman ng tatlo maliban sa amin ni Camille na tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap nila.
Pagkatapos ng gabing sinabihan ni dad si Conrad na hindi na siya pweding manatili sa bahay ay palagi na akong pumupunta dito dahil naging busy din siys pagkatapos nun. Ayoko naman sumagabal sa trabaho niya dahil gusto ko siya makita o somewhat reason kasi alam kong nakatambak ngayon ang trabaho niya dahil sa ilang araw na pananatili niya sa bahay.
"Kayong dalawa?" nakataas kilay natanong sa aming dalawa ni Ayii.
"Don't tell me na hindi kayo sasama?" segundang tanong pa ni Leslie sa aming dalawa ni Camille.
"Kapag hindi kayo samama ay sasama parin kayo kasi kakaladkarin ko kayong dalawa para mapasama lang sa amin." si Nichol sabay pa ang irap nito.
Wala naman kasing choice ni Camille kundi tumango nalang sa sinabi nito.
"Mabuti naintindihan niyo." nakangising sabi pa ni Karyl sa aming dalawa ni Camille na hindi namin maiwasan na umirap sa litanya nito.
"Bakit may choice ba kami?" tanong sa kaniya ni Camille at tumango naman ako sa sinabi niya.
Napairap kaming dalawa ng marinig namin na tumawa ang apat na parang pinagkakaisahan kaming dalawa sa tono ng tawa nito.
"Crazy." bulong ni Camille sa akin habang nakapandekwatrong nakatingin ng masama sa apat na babaeng kaharap namin.
"Targeting hottie for tonight feels good at my ears." nakangising sabi pa ni Nichol na ikinatango naman ng iba.
Bakit magtatarget ito? Akala ko ba mag boyfriend na ang babaeng iyan?
Sa pagtataka ko ay mahinang nagtanong ako kay Camille. "Wala naba si Nichol at ang boyfriend niya?" tanong ko dito at hinarap niya naman ako at mahinang tumango.
Sa ganun kabilis? Akala ko ba'y seryoso na siya sa isang iyon? And she seems like the guy tho. Is she just lost a gem?
"Bakit wala na kayo ng jowa mo Nic?" diretsahang tanong ko at nakita ko naman ito na natigilan sa tanong ko.
Sabay naman napatingin sa akin ang apat bago binalingan si Nichol na sumandal sa sandalan ng sofa bago walang ganang hinarap kaming lima na naghihintay sa isasagot niya."It's a long story Ron." walang ganang sagot nito at mahabang bumuntong hininga.
Halata sa boses niya na nasasaktan ito habang pinakawalan ang katagang iyon.
"You can tell us."sabi sa kaniya ni Leslie at nagsifanguan naman kaming natira sa sinabi niya.
"But it's a long story." sabi nito ulit at mukhang hindi alam kung saan mag-uumpisa na magkwento dahil sa paraan ng pagkasabi nito.
"I think Nichol is not ready to tell us."sabi ni Camille na nakatingin sa babaeng nakayuko na.
"It's okay. You can tell us if you're ready."ngiti pang sabi ni Ayii sa kaniya. Nangiti naman itong tumingin sa amin at tumango.
Bumalik kami sa dating usapan. Naging madaldal na ulit si Nichol kaya lihim akong napangiti dahil madaling bumalik ang pagkamadaldal niya kanina. Kahit wala akong alam tungkol sa break up nila ng ex niya, pero alam kong masakit iyon. Kasi mas masakit pa iyong naramdaman ko kung makita ko si Kyle na nakikipagtalik sa pinaka-ayaw kong babae sa balat ng lupa.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Attorney (Series 1)
Ficción General(Rated-18) Conrad Mercadejas (Kiss me Series 1) Started: 02/05/22 Ended: 08/04/22