Chapter 22 (Worried)

2.9K 82 7
                                    

"Anong nangyari sayo at bakit nabitawan mo nag cellphone mo?" boses ni Camille sa likuran ko. Napatingin naman ako sa cellphone na nahulog sa sahig at dinampot iyon bago isinilid sa bulsa ng short na suot ko.

"A-ah.. W-wala naman," nauutal na sagot ko ng harapin ko ito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang natanggap kong mensahe mula sa unknown number.

Naukit ang pagtataka sa mukha nito at inuusisa ako ng mabuti bago tumango at kumuha ng tubig sa ref habang ako ay nakatingin lang sa bawat galaw niya.

"Sure ka?" tanong nito ng pagkaharap niya sa akin.

Nag-aalangan naman akong tumango sa kaniya bago tumalikod nang biglang tumunog ang heater na nagbibigay alam na mainit na ang pagkain sa loob
nito.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng ganitong kaba kahit ilang beses na akong nakatanggap nito mula sa mga fans ng mga nakalaban o nakaharap kong model but I know that this time is different.

"Mauna kana at susunod ako," pilit ngiting sabi ko sa kaniya bago nilagay ang pizzang hawak ko sa mesa. Tumango naman ito bago iniinom ang tubig na hawak niya bago lumabas sa kusina. Nang nakita kong papalayo ito ay napabuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko na isinilid sa bulsa ko kanina.

'Sino ka ba talaga?' tanong ko sa isipan    habang nakatitig na mensaheng natanggap. Pagkalipas ng ilang minutong pananahimik ay nilagay ko ang cellphone ko sa mesa bago inilabas ang pizza sa kusina at pumunta sa kaibigan ko na maingay na nanunuod ng palabas.

"Hindi pa kayo naiirita na manuod niyan?" naiiritang tanong ni Kyrel sa mga kasama nito.

"Hindi," sabay na sagot ni Leslie at Ayii sa kaniya.

Natatawa kong inilagay ang pizza sa harap nila. Agad naman kumuha ang nakasimangot na si Kyrel ng isang slice. Umupo naman ako sa tabi niya at nginitian ito ng bahagya.

"We watch that movie so many times!" angil ni Kyrel sa kanila.

Tahimik lang nakaupo at nagbabasa si Camille ng sarili nitong libro sa gilid at hindi inalintana ang ingay mula sa kasama namin.

"Maganda naman ah?" tanong na sabi ni Leslie habang nakafucos pa rin ang mata nito sa TV.

"Ohh god! Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang ulit na nating napanuod ang Titanic na iyan!" sigaw sa kanila ni Kyrel at tinuro pa ang ito.

Napahawak naman ako sa tiyan ko sa pagpigil ng tawa. They're always fighting for a little things but they're good in all things,pero hindi lang halata kasi baliw sila palagi at minsan lang matino ang pag-iisip.

"Hayaan niyo na ang mga bata," boses ni Camille at binalingan pa kami. Napaingus naman si Kyrel sa narinig dahil mukhang wala na siyang magawa kundi tiisin at manuod na lang. Kapag si Camille talaga ang magsasalita ay mas mabuting manahimik nalang.

"Paulit-ulit lang naman iyan," bulong nito at napakagat nalang ng pagkain hawak niya.

Napaigtad ako at nakaramdam ng kaba nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kabang nararamdaman ko habang nakatingin sa unknown number na hawak ko.

"Hindi mo ba sasagutin?" takang tanong ni Kyrel at napatingin naman sa akin ang iba maliban kay Ayii na nakapukos talaga ang atensyon nito sa pinanunuod.

Napakagat naman ako ng labi habang tinititigan ang hawak kong cellphone. Nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay sinagot ko ito at dahan-dahan inilagay ang cellphone na hawak ko sa bandang tenga.

Lumunok ako at pilit na takpan ang kaba na namayani sa dibdib ko.

"H-hello?" nautal na tanong ko. Hindi ko alam kung ito ba ang numero ng taong nagmessage sa akin kanina pero isa lang ang nararamdaman ko, kinakabahan ako nang sobra.

Kiss Me, Attorney (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon