Chapter 38

2.5K 79 12
                                    

Pagkatapos ng tagpong iyon ay tahimik na umalis si Conrad ng bahay habang namumugto ang dalawang mata. Pero bago umalis ito ay may sinabi pa ito sa akin.

'I'll be back tomorrow to meet my daughter.' huling sabi nito. Tumingin pa ito muli kay Sian na umiiyak na iniiwas na tapunan siya ng tingin bago ito tuluyang lumisan.

Hindi ko alam hindi ako mapakali sa huling sinabi nito. Malapit nalang ay sisikat na ang araw at wala pa akong tulog kahit isang minuto. Okupado kasi ang isipan ko kung ano ang mangyayari kinabukasan pagkadating ni Conrad.

Napatingin naman ako kay Sian na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Matiwasay ang tulog nito na para bang walang nangyari sa tagpo nilang mag-ama.

I swiftly touch her smooth face. Gusto ko mang kurutin ng mahina ang mukha niya dahil sa sobrang lambot ay hindi ko magawa dahil baka magising ito sa mahimbing na pagkatulog.

Napangiti ako kinalaunan habang inaalala ko ang mga nagdaang taon na kasama ko siya. It was hard but satisfying. Sino ba namang ina ang hindi magiging masaya kung siya mismo mag-aalaga sa anak diba? Sa apat na taon na pag-aalaga ko sa kaniya ay wala akong pagsising naramdaman o nahanap sa sarili. Having her is a gift. Having her is a bliss. Having her as my child is wonderful.

Hindi ko inaakalang makaramdam ako ng saya pagkatapos ng trahedyang naranasan ko. I raised her well in the past years even she doesn't have a father to watch her. Alam kong darating ang araw kung saan magtatanong ito tungkol sa ama niya, pero ang hindi ko inaasahan na masyadong maaga para magtanong siya sa akin tungkol doon.

"Sleep well baby." bulong ko at linantakan ito ng isang mabilis na halik ang pisnge nito.

Kinalaunan ay nakatulog din ako sa dami ng iniisip.

KINABUKASAN nagising ako ng maramdamam kong may yumuyugyog sa kamay ko.

"Gusto ko pang matulog Sian." usal ko habang nanatiling nakapikit.

Pero hindi ito tumigil, "Matutulog pa ako." sabi ko ulit dito. Nagtaka naman ako dahil tahimik lang ito at hindi nagsasalita hanggang sa namalayan ko nalang na dumilat ako napatingin taong gumigising sa akin.

"Wake up."malalim na boses ang nagpalaki sa mata ko.

Fvck! Bakit siya nandito sa kwarto ko?! Napabalikwas naman ako sa higaan ko at napaupo, at mabilis na sinapo ang mukha ko.

Napatingin naman ako sa gilid ko at wala akong nakitang Sian na nakahiga. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng matinding kaba.

Tiningnan ko naman si Conrad na hindi pa lumabas ng kwarto dahil nasa gilid pa ito ng kama ko habang nakapamewang nakatingin sa akin.

"She's outside." sabi nito. Nakita niya siguro ang pagkataranta at pagkabalisa ko kaya siya mismo ang sumagot sa katanungan ko.

Nabuhayan naman ako ng loob at napahinga ng malalim.

"Lumabas kana," sabi ko at tumayo. Umaasa akong aalis siya pero hindi ito gumalaw mula sa kinatatayuan niya, kaya muli akong napatingin sa kaniya at lakas loob na sinalubong ang walang emosyong tingin niya sa akin. "Anong tingin-tingin mo?" mataray na tanong ko sa kaniya pero hindi man lang ito natinag sa pagtataray ko. Nakita ko pa ang pagsilay ng maliit na ngisi nito sa labi kaya hindi ko mapigilan na mainis.

"You're not wearing a bra." salita niya.

Napaismid naman ako sa kaniya at tiningnan ang may kalakihang dibdib ko, "Natutulog ako e, alangan namang magsusuot ako ng br—" natigil ako sa pagsasalita ko ng napagtanto ko amg sinabi nito. Nanlaki ang mata kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang dalawang baso ko. "Manyak!" sigaw ko sa kaniya at dinampot ang malaking unan sa kama at tinapon agad sa kaniya na agad niya din nasalo.

Kiss Me, Attorney (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon