Chapter 26 (Virgin?)

3.1K 82 17
                                    

Nagising ako kinaumagahan na wala na sa tabi ko si Conrad. Maayos na ang higaan pero meron itong bakas na hindi panaginip ang lahat na nangyari kagabi.

Ramdam ko ang pananakit ng, buong katawan lalong lalo na ang hita ko.

Napasilip ako sa ilalim ng kumot ay kita kong may suot na akong damit at underwear.

Napangiti ako dahil hindi simula ng may nangyari sa'min ay hindi na niya nakalimutan na suotan ako ng damit bago siya matulog.

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng paghihinayang at takot na baka pumunta lang siya para punan ang pangangailangan niya. Paano kung iiwan niya lang ako? Paasahin? What if nakalimutan niya lahat na sinabi niya kagabi?

Napasambunot naman ng ng buhok  dahil sa katangahan.

Sa pagkalipas ng ilang sandali'y bumaba ako at pumanhik sa kusina.

Nagulat ako ng makita ko ang magulang ko na naka-upo sa mesa habang kaharap ang lalaki na inaakala kong umalis na kanina pa.

Masaya silang nagtatawanan sa kwento ni Mom na hindi ko naman gaano narinig at naiintindihan dahil sa hina ng boses niya.

Kailan lang sila dumating? Akala ko ba'y do'n sila for a month? Ni hindi man lang ako tinawagan na dadating sila.

Nalipat naman ang tingin ko sa lalaking kausap nila. Namumungay ang mata nito habang nakatingin sa'kin. His lips curves as he look at me with his tantalizing dark eyes.

Fuck! Bakit nandito pa ang lalaking 'yan? At bakit nagtatawanan sila?

"Baby?" nabalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang boses ni mom na nakangiting nakatingin sa' kin.

Naglakad naman ako palapit sa kanila habang nakakunot ng noo at iniiwasan na magkasalubong ng tingin ang lalaking katabi ni dad.

Sinalubong naman ako ng isang mahigpit na yakap ni mom at dad habang ang isa naman ay nanatili sa upuan nito at nakamasid sa bawat galaw ko.

"I miss you, baby." mom said then she gave me a warm smile. Hinalikan pa ako nito sa pisnge at binalingan ang lalaking nakatingin sa'min. "Hindi mo pala sinabing boyfriend mo na pala itong si Conrad?" she asked betrayed.

Nagulat naman ako sa narinig ko at lihim na napamura. Napatingin naman ako kay Conrad na kampanteng nakaupo sa upuan nito habang nakatingin sa'kin.

Gusto ko mang bigyan ito ng mapagtanong na tingin ay hindi ko magawa dahil nasa harapan ako ng magulang ko.

Bakit kailangan niyang sabihin iyon? I know that I'll be happy if that happened pero iba ang sitwasyon namin ngayon. Mahirap, kung tama ba ang hakbang na ginagawa ko dahil isang maling hakbang nalang ay masasaktan naman ulit ako. And I can't risk that.

"When are you planning to tell us, Ronice?" baritonong boses ni dad. Rinig ko ang kaseryosohan sa boses nito.

"Kasi da—"

Hindi na natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Conrad.

"We're just waiting for a right time to tell you, Sir and Maam." sagot nito at tumayo sa kinauupuan niya at nilapitan ako.

He snaked his broad arm into my tiny body then whispered, "Good morning, baby. How's your sleep?"

Napalunok naman ako ng matindi dahil biglang nanlambot ang tuhod ko dahil sa kamay nito sa aking katawan. Ganiyan ang apekto niya kapag nahahawakan niya ang kahit anong parte ng katawan ko. Mabuti nalang at mabilis kong naitukod ang kamay ko sa gilid niya para maibalanse ang katawan ko sa akmang pagkatumba.

"Are you okay?" tanong nito ng maramdaman niya 'yon. Nahihiyang napatango naman ako dahil hindi niya alam na siya ang dahilan kung bakit muntikan na akong natumba.

Kiss Me, Attorney (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon