Chapter 18(Tell)

3.8K 126 28
                                        

Napalibutan ako ng limang kaibigan ko  matapos marinig ang sinabi ko na nagpatulala sa kanilang lahat. Nakaukit ang pagtataka sa mukha nito maliban kay Camille na mukhang naka-cope up na maliban sa apat na nakatulala parin nakatingin sa akin.

"Ano pa ba aasahan niyo sa isang marupok na tulad niya?" naiiling na sabi ni Camille sabayan pa ng pag-irap sa kaibigan.

"W-wait! Bakit hindi mo man lang sinabing may nangyayari na palang ganito?!" naiinis na tanong ni Nichol  at masamang tiningnan ako at ang iba pa.

"You're always busy kaya." pairap na sabi ni Camille sa kaniya.

"Busy?! Hindi kaya ako busy palagi!" singhal na sagot nito kay Camille na walang pake sa anumang sinabi nito.

Nakatingin lang kaming apat habang nagbabangayan ang dalawa. Napailing nalang ako at masamang tiningnan si Leslie na nakatingin sa dalawa.

"You're always busy, period." pinal na sabi ni Camille sa kaniya. Nang akmang sasagot sa kaniya si Nichol ay agad na napatigil dahil sa pagsingit ni Leslie sa dalawa.

"What if tumahimik kayo? Bakit ba kayo nag-aaway? Bata lang? At saka si Ronice  yung may problema at hindi kayo, kaya tahimik muna ah?" sabi nito kaya napaayos naman na napaupo si Nichol sa tabi nito bago pinukol ako ng masamang tingin nito.

"Ano plano mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ayii at ininguso sa ako. Napatingin naman ako sa kamay ko dahil sa hindi alam kung paano ko sasabihin sa kanila.

"Siyempre dapat niya iyon sabihin," si Kyrel at inirapan pa ako ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Ayoko." pinal na sabi ko at hindi makapaniwalang napatingin naman sila sa akin.

"Anong hindi?!" si Leslie na napataas na ang boses nito kaya napatingin sa amin ang iba pang customer sa loob ng café. Napahiyang napaayos ito ng upo ng makita niyang pinagtitinginan niya ng mga tao. "Kasalanan mo ito." bulong pa nito at pasinghal na inilingan ako.

"Kalma kayo, okay? Hindi nakakatulong ang sigawan dito ha? Nakakagambala tayo ng ibang customers dito at nakakahiya kay kuya Knight." si Camille at tinapunan pa ng tingin si kuya Knight na naka-upo sa hindi kalayuan namin na nagbabasa ng magazine.

Si kuya Knight kasi ang may-ari ng café na ito na siyang pinsan ni Camille. Nagawi ang tingin si kuya Knight sa grupo namin at tinanguan kami isa-isa bago muli bumalik ang atensiyon nito sa pagbabasa.

"Kung hindi lang iyan pinsan ni Camille ay papatulan ko na iyan."kinikilig na sambit ni Ayii na nakatingin parin kay kuya Knight. Nakatikim naman siya ng isang malakas na batok mula kay Leslie na ikinaangil niya ng sobra."Mapanakit na kayo ah?!" singhal niya dito na ikinailing ko lang.

"Back to our topic, "Si Kyrel na kanina pa palang nakatingin sa akin." Hiding your unborn baby isn't a solution, kung may problema kayo ni Conrad ay huwag na huwag niyo isasali ang bata. Your child are innocent. "dagdag pa nito habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Itatago ko lang pero hindi ko sinabing ilalaglag ko ang bata."sabi ko sabay irap sa kaniya.

"E-eh, ano naman ang problema mo at bakit kailangan mo pang hindi sabihin kay Conrad ang lahat ng ito? He deserves to know that you have a unborn child inside your stomach." si Nichol at itinuro pa ang bandang tiyan ko.

"We have no label." sagot ko dito kaya natigilan silang limang nakatitig sa akin. Laglag ang panga nito at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin, war'y nagsasabi ako ng totoo.

"My god, Ronice? Dahil wala kayong label ay hindi mo na sasabihin sa kaniya? Ang baba naman ng rason mo!" asik sa akin ni Kyrel at matalas na tiningnan ako sa mata. Wala sa sariling napaisip naman ako sa sinabi niya dahil may point siya do'n pero hindi mawala sa akin ang takot na baka ayaw niya sa batang nasa sinapupunan ko.

Kiss Me, Attorney (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon