Chapter 32

2.2K 55 12
                                    

NAGISING akong hinang-hina. Rinig ko ang iyakan ang paligid ko, lalong-lalo na ang boses ni mom at ate. Rinig ko din ang hikbi ng kaibigan ko.

Gusto kong imulat ang mata ko ay hindi ko magawa. Pagod napagod ang buong katawan ko, ni daliri ko ay hindi ko maigalaw. Gusto ko din magsalita at pagsabihan silang gising na ako para matigil sila sa kakaiyak pero hindi ko mahanap ang boses ko.

Gusto ko makita si Conrad. Gusto kong pilitin na imulat ang mata ko at umaasang makikita siya sa unang pagbukas ng mga mata ko.

"How dare she?! Hindi ako makakapayag na hindi mabulok sa kulungan ang babaeng iyon. My daughter doesn't deserves all of this!" boses mom. Mahalata sa boses nito ang galit at gigil habang sinasabi iyon.

Kahit nakapikit ang mata ko ay alam kong nakayukom ang kamao nito. Minsan lang silang magalit ni dad kaya alam kong sagad na sagad na ito.

"She lost her unborn child just because of that crazy girl." humihikbing sabi ni ate.

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na mapigilan na mahinang napahikbi.

"She better rot behind the bars." rinig kong sabi ni dad.

His voice thundered inside this room. No one dares to speak after that.

"Lumuluha si Ronice." boses ni Leslie ang narinig ko.

"Gising na siya!" si ate.

"Call the doctor." si dad.

Ramdam ko naman ang sabay na paglapit nito sa akin. May humawak sa kamay ko at hula ko ay si mom iyon.

"Mabuti at gising kana anak." nag-aalang sabi ni mom at humihikbi pa.

Pilit kong inimulat ang mata ko sa pangalawang pagkakataon, at sa sandaling iyon ay hindi ako nabigong naimulat ko ang mata ko.

Malabo ang nakikita ko at tanging ang ilaw na mula sa kisame ang naanigan ko.

"Are you okay, baby?" si dad naman.

Hindi ako sumagot sa kanila. Hinintay ko munang maging maayos ang paningin ko ng ilang segundo hanggang sa tuluyan akong makakita.

Unang bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng pamilya ko at ang kaibigan ko na lumuluhang nakatingin sa akin.

Gusto ko man ngumiti para mawala ang pag-aalala sa mukha nila ay hindi ko magawa dahil ayaw makisama ng labi ko.

"T-tubig." nahihirapan na sabi ko dahil sa sobrang dehydrate ang nararamdaman ko.

Mabilis naman na kumuha si ate ng tubig at ibinigay ito sa akin. Inilalayan pa ako nitong uminom, hindi ko na inisip na magmouth wash muna dahil sa sobrang uhaw na nararamdam ko.

"Okay kana anak?" tanong ni dad.

Pero imbes na sagutin ito ay inililibot ko ang tingin sa paligid ko at umaasang makikita ang taong inaasahan ko pagkamulat ko. Nilibot ko na ang tingin ko ay hindi ko nakita siya nakita kahit bakas nito sa paligid ay wala.

Hindi ko mapigilan na makaramdam ng paghihinayang nang hindi ko ito makita.

"Si Conrad?" tanong ko at hindi nag-abalang sagutin ang tanong ni dad.

"He's busy on your case and how's my baby?" sagot ni dad at muling tanong nito.

"I'm okay." sagot ko lang dito at napahawak sa bandang tiyan ko. "H-how about my baby?" kinakabahang tanong ko.

Nagbabasakali akong mali ang narinig ko kani-kanina lang. Umaasa akong may humihingang bata pa na nasa sinapupunan ko.

Ngayon nagbalik sa akin ang lahat na nangyari ng araw na iyon. Ang apoy na malapit na lamunin ang paligid, ang usok na nagpahina ng paghinga ko at ang higit sa lahat ay ang dugong umagos mula sa akin sa maselang katawan ko.

Kiss Me, Attorney (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon