Chapter 27 (When?)

3K 85 16
                                    

Nanginginig ang kamay ko habang nasa biyahe papunta sa rest house ng parents ni Conrad kung saan sila nakatira ngayon.

Nagulat nalang ako ng bigla itong pumunta sa bahay ng maaga at ako naman ay kagigising lang at papunta sa kusina para uminom ng gatas.

Pinabihis ako nito ng komportableng damit kaya nagsuot naman ako ng isang floral dress above the knees.

Masaya naman ako dahil ito ang unang labas namin pagkatapos ng araw na 'yon pero agad din nawala ang masayang pakiramdam ng palitan ito ng kaba.

No'ng una ay ayokong umalis o tumapak sa labas ng bahay pero sa huli ay wala din akong nagawa dahil nakita ko ang paghihinayang sa mukha nito nang makita na hindi ako kumbinsido sa biglaang aya nito.

"Trembling?" he ask.

He reach for my hand and he hold it tightly. He gives me a smile that assure me me that everything's gonna be fine.

Hindi ko mapigilan na mahinang pinisil ang kamay nito na hawak niya. Ilang sandali nalang ay huminto ang kotse sa isang malaking bahay.

Nanlaki ang mata kong napatingin sa kasama ko.

"Rest house pa ba ito para sa'yo?" I ask mockingly.

Hindi ko inaasahan na ang akala kong simpleng rest house lang ay isa palang napakalaking mansyon!

Mas lalong dumoble ang kaba ko when he chuckled a bit and swiftly kiss me hand.

Pero imbes na mawala ang kaba ko ay may lalo pang bumilis ang tambol ang puso ko sa kaba kaya malakas na napahampas ako sa braso ni Conrad.

"Sadista." he tskk then let go of my hand and step out in the car.

Napabunga naman ako ng hangin at napatingin sa suot kong pants.

Fuck! Hindi man lang ako nakapagbihis ulit dahil baka magbago pa ang isip nito. Baka sabihin ng parents niyang wala siyang taste sa pagpili ng babae at mas gustuhin ang kagaya ni Daniella.

Napasama naman ang mukha ko sa aking iniisip.

Pinagbuksan ako ni Conrad ng pinto at inilalayan akong bumaba. Nakasuot lang ako ng isang simpleng doll shoes na matagal ko nang inimbak sa kwarto ko at ngayon ko lang inisip na suotin.

"You're tense." salita ng kasama ko at hinigut ang bewang ko para mapalapit sa kaniya.

I let out a long breathe for a nth time.

"Bakit kasi hindi mo sinabi agad?" mahinang singhal ko sa kaniya nang nagsimula na itong humakbang palapit sa isang matayog na pader.

Tumawa naman ito na ikinasimangot ko.

Anong nakakatawa sa tanong ko?

"I don't know that you were this tense, Ronice. And it was a surprise meet and greet to my parents so don't feel anxious and tense. That won't help you." ani nito.

Paano hindi ako makaramdam ng kaba kung ngayon ko lang makilala ang parents niya? Nakabased sa ibang bansa ang parents niya at nito lang umuwi para bisitahin ang anak nilang hindi na bumisita sa kanila sa states.

"Shut up, Conrad. Your word won't help too." bara ko sa kaniya at kinurot ng mahina ang gilid nito. "You should tell me about how to act when your parents around." nagmamataray ko pa.

"Just act like you used to."

Napasimangot ako sa tipid na sagot nito sa'kin.

That's it?

"Mabait ba sila?"

"Cold?"

"Formal?"

"Ano ang gusto nila sa isang babae?"

Kiss Me, Attorney (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon