PAGKATAPOS ng gabing iyon ay hindi ko na pinapapansin ang presenya ni Conrad sa mga nakaraang linggong pagpunta niya sa bahay. Ilang linggo na ito pabalik-balik sa bahay para bisitahin si Sian. Kapag mangyari ang iniisip ko ay hindi ko na iyon makakaya pa kapag mangyari 'yon.
I lost one and I don't want to lost her also.
Hindi ko kasi maiwaksi sa utak ko ang sinabi nito no'ng nakaraan kaya mahirap na magtiwala sa kaniya.
Kaya imbes na lumabas sila ay bumibili lang ito ng pagkain, laruan at mga damit mula sa labas.
They're getting along and enjoying with each other's company. I saw them laugh and smile to each other, and I can't help to felt jealous inside me.
"Ohh..." sabi ko sabay abot sa kaniya ng isang makapal na album kung saan nakapaloob ang mga litrato ni Sian mula noong sanggol siya hanggang ngayon.
I've been collecting those picture these past four years, para ipakita sa pamilya ko ang litrato ni Sian. Hindi ko naman itatago si Sian sa pamilya ko dahil umaasa ako na ipakilala ko siya sa pagdating ng tamang panahon. Panahon kung saan handa na akong harapin sila na walang halong takot at kaba.
"Ano to?" tanong niya sa akin.
Hindi ba obvious?
Umirap naman ako sa kaniya, "Photo album." sagot ko dito at tinalukuran ito.
"Kailan ka magtatago sa pamilya mo?" salita nito na nagpatigil sa akin sa akmang paglakad.
Napaharap naman ako sa kaniya ng dahan-dahan at napatingin kay Sian na abala sa paglalaro ng laruan.
"Let's talk later. Tingnan mo muna ang litrato ni Sian." sabi ko lang dito at dumiretso papuntang kusina.
Napahawak naman ako sa mesa dahil panandalian akong nawalan ng lakas sa tanong niya at napapatanong sa sarili.
Kaya ko na bang harapin sila? Ito na ba ang tamang pagkakataong magpakita sa kanila? Mapapatawad pa kaya nila ako sa bigla'g pagkawala ko?
Mas lalo akong kinabahan dahil sa mga tanong na nasa isip ko.
Muli akong pumunta sa pintuan at tinanaw si Conrad na patuloy na iniiba nag pahina. Nakita ko pa itong suminghap at umuuga ang balikat nito habang nakatingin sa litratong hawak niya.
Teka.....umiiyak ba siya?
Napatitig ako sa kaniya ng maigi at nakita ko nga ang mabilis na pagpunas nito sa luhang kumakawala sa mata niya at nakumpirmang...
Umiiyak nga.
Natingin naman ako kay Sian na nagtatakang nakatingin na sa ama niya. Nagtataka ito siguro dahil umiiyak si Conrad sa pagtingin ng mga litrato niya.
Napasapo sa mukha si Conrad pagtapos nitong isara ang photo album. Humihikbi itong napatingin kay Sian na nakatingin din sa kaniya.
Niyakap niya ito at hinalikan sa ulo. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagbulong nito sa anak, lung nao man iyon ay hindi ko alam dahil may kalayuan ako sa pwesto nilang dalawa.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko na agad ko din hinawi at tumalikod. Nadala lang siguro ako sa emosyong habang nakatingin sa kaniya habang umiiyak siya.
Kilala si Conrad bilang isang matikas at matatag na tao. Nabibilang ko pa sa mga daliri ko ang makita siyang lumuluha, at isa ako sa mga dahilang iyon.
At ngayon ay nalulungkot akong makita siyang lumuluha.
Kung hindi ba ako umalis noon ay magkaayos pa kaya kami?
"Let's talk now." isang malalim na boses ang nagpabalik sa akin sa katinuan.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Attorney (Series 1)
Fiction générale(Rated-18) Conrad Mercadejas (Kiss me Series 1) Started: 02/05/22 Ended: 08/04/22