Chapter 31

2.2K 48 20
                                    

Malalim na ang gabi nang magising ako. Lumabas ako sa kwarto at bumaba ng hagdan papuntang kusina para uminom ng tubig. Hindi ko alam kung bakit matindi ang pamamamawis ko kahit malakas naman ang aircon sa kwarto ko.

Kumuha ako ng isang baso ng tubig at mabilis na ininom iyon at sumandig pa sa ref. Madilim nag buong ang paligid pero dahil sa maiit na sinag ng buwan mula sa labas ay nabigyan ako nito ng liwanag na makita ang paligid.

Napatingin ako sa buwan na nasa langit. Maliwanag ito ngayon at ilang sandali nalang ay mapapalibutan na ito ng ulap. Mukhang uulan mamaya.

Napaayos kao ng tayo at handa na muling umakayat ng kwarto ko nang matigilan ng may pigura ng  tatlong tao na humarang sa harapan ko.

Nakasuot sila ng itim at balot na balot din ang mukha nila ng itim na tela. Gusto ko man aninagin ang mukha nila ay hindi ko ko magawa dagdag pa na madilim ang paligid.

Napakapit naman ako ng mahigpit sa damit na suot ko.

"Sino kayo?!" sigaw ko sa kanila. Kahit anong pigil ko sa takot ko ay kusa itong lumalabas.

"Kung sinusunod mo lang sana ang sinabi sa'yo ni boss ay sana wala kami dito." sagot nito.

"Sinong boss nagpadala sa inyo?!" patanong na sigaw ko.

I wad doing it with purpose. Umaasa akong marinig ang sigaw ko nina mom and dad.

"Masyado kang maingay." sagot naman ng isa at unti-unting naglakad palapit sa akin kaya napaatras ako ng ilang hakbang.

"Get her." sabi nang nasa gitnang lalaki at tinanguan ang dalawang lalaking kasama nito.

Nanginig ako sa takot habang humakahang paatras. "Anong ginagawa niyo?!" tanong ko dito nnag patuloy pa rin sila sa  paghakbang palapit sa akin.

"We're here to get you." sagot ng lalaking nakatayo lang at nakatingin sa akin. Kahit ganon man kabalot sa mukha niya ay alam kong nakangisi ito ngayon.

Takot naman akong napatingin sa kaniya.

"Umalis na kayo!" sigaw ko ulit nang wala na akong naatrasan.

"Paano ba iyan, bayad na kami." sabi ng lalaking ilang hakbang nalang ang layo sa akin at mabagya pang natawa.

"Magkano ba ang ibinayad niya sa inyo?" mariin kong tanong sa kanila at lakas loob na sinalubong ang tongin ng lalaking nagsalita. "Do-doblehin ko!" sigaw ko pa pero malakas na tinawanan lang ako nito at inilingan.

"Hulihin niyo na siya at busalan." sabi ng isa at humalukipkip pang tiningnan ako.

Nanlaki naman ang mata ko at nang akma akong tatakbo ay agad na napatigil nang may humawak ng mahigpit sa buhok ko.

"Let me go!" sigaw ko at hinawakan ang buhok kong hawak niya.

"Sleep now, sleeping beauty." bulong nito at tinakpan ng panyo ang ilong ko. Malakas na pimiglas ako para makawala sa kaniya pero habang tumatagal ay nawawalan ako ng lakas na pumiglas at namalayan ko nalang ang sarili kong pumipikit na at dinalaw ng kadiliman.

NAGISING ako nang kinalukay ang sikmura ko. Napatingin ako sa sarili ako dahil umaasa akong panaginip lang lahat iyon pero nawala ang kunting pag-asa ko nang makitang nakahiga ako sa sahig at puro dumi na ang balat ko.

Ramdam ko ang pagka-uhaw at gutom sa katawan ko, pati labi ko ay nagkabiyak-biyak. Mabuti nalang ay hindi nila ako binusalan kagaya ng sinabi nila noong gabi kinuha nila ako.

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog basta nagising nalang akong kumakalam ang sikmura ko.

Napahikbi ako ngayom sa sitwasyon ko. Kaba at takot ang namayani sa akin. Kaba na baka anong gagawin nila sa akin at takot na baka ma-apekto ang batang nasa sinapunan ko.

Kiss Me, Attorney (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon