WARNING: Explicit.
May involve themes not suitable for minor.Read at your own risk.)TEN years ago...
"CHIARA, pakainin mo na ang kuya mo ha. Palamigin mo muna ang kanin bago mo siya subuan para di siya mapaso."Utos sa akin ng aking lola habang nagbabalat siya ng kamoteng-kahoy malapit sa aming lutuan na gawa lang sa kahoy.
Ako naman ay kaagad na sinunod ang utos nito at deretso pumasok sa maliit na silid kung saan naroon ang aking kuya.
"Kuya Ahmon, oras na para kumain ah. Halika tulungan na kita bumangon."Inalalayan kong makabangon ang kuya Ahmon ko para makaupo.
Nang makaupo na siya ay saka ko sinimulan na subuan siya.
Hindi siya makapagsalita simula ng magkasakit siya, hindi ko alam kong anong sakit meron siya pero hindi niya maigalaw mga kamay niya.
Pati pagsasalita ay hindi na din niya magawa.
Ngayon ay nasa edad 13-year-old na siya. Kahit naman ganito nangyari sa kanya ay hinding-hindi namin siya pinapabayaan ni lola.
Pinapangako ko sa sarili na sa aking paglaki ay magtatrabaho ako para maipagamot siya.
Umaasa akong gagaling pa ang kuya ko.
Nang matapos ko siyang pakainin ay pinainom ko na siya ng gamot na reseta ng doktor.
Paubos na din ang gamot niya kaya nagsusumikap kami ni lola sa pagbenta ng bibingka para makabili ng gamot.
"Tapos mo naba pakainin ang kuya mo hija?"Biglang bungad na tanong ni lola.
Kinumutan ko si kuya na parang inaantok na."Opo lola, naubos nga po niya yung isang plato ng kanin eh."Tugon ko.
"Mabuti naman, O siya sige punta muna ako sa palengke para makabili ng mga gulay at bigas. Pati gamot ni Ahmon, buti nalang talaga mabait yong pinsan ni Señorito at binigyan tau ng napaka-laking halaga. Malaking tulong na talaga ito para sa atin."Tuwang-tuwa na saad ng aking lola.
"Eh lola gabing-gabi na po, pwede naman bukas nalang. Baka gusto mo samahan na kita lola."Nag-aalalang saad ko.
Pano ba naman eh gabing-gabi na tapos saka niya naisipang mamalengke.
"Wag kang mag-alala apo kaya ko pa naman, at saka hindi mo pwede iwan ang kuya mo nang mag-isa."Nagsusuot ng jacket na aniya at mukang hindi na talaga siya mapipigilan.
Hindi pa naman ganun katanda ang lola Belen ko. Nasa 50's palang naman siya at masasabi kong napaka lakas niya sa edad na yon.
"Pero lola, baka ano pa mangyari sa inyo sa daan eh."Awat ko parin sa kanya dahil sa pag-aalala.
Nang biglang may mga taong nasa labas ng bahay ang tumatawag sa pangalan ni lola.
"Oy, Mareng Belen halika na. Sasabay kapa ba sa amin mamalengke?"
"Bilisan mo na dyan at nang makahabol pa tayo nang higanteng alimango. Baka maubusan tayo Mareng Belen."
Dinig kong sigaw ni lola Reposa at lola Mara mula sa labas.
"Andyan na, sasabay ako."Masayang balik tugon naman ni lola sa mga taong nasa labas."O, siya sige apo alis na si lola ah. Ikaw na bahala dito, sandali lang naman kami. Sasabay din ako sa kanila pauwi, marami pa akong bibilhin kaya sasama ako sa kanila kasi may sasakyan sila. Sayang din yung pagkakataon."Paliwanag nito.
At hindi na rin ako humirit pa. Kilala ko 'tong lola ko, basta pag sinabi niya ay gagawin talaga niya.
"Sige po, ano pa nga ba magagawa ko. Mapilit kayo eh, basta mag-ingat kayo ah lola."Bilin ko sa kanya.
Nginitian niya ako sabay yakap."Naku ang apo ko, mag-iingat ako kaya wag ka nang masyadong mag-alala ah. Masaya ako ngayon kasi mabibili ko na mga kailangan natin dito sa bahay at para sa sunod pang mga araw."Aniya.
Nakikita ko sa mata niya ang saya na parang maiiyak na.
Tumango nalang ako at pinagmasdan ang paglabas nito sa bahay.
Masaya siyang sumakay sa sasakyan ni tito Franco at talaga nga namang napaka saya nila.
Napangiti naman ako ng maalala ang gwapong lalake na yon. Napaka bait niya, napaka gwapo pa.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang lalake na yon hanggang paglaki ko.
Malaki ang tulong na naibigay niya sa amin, sana lahat ng mayaman kagaya ng pamilya nila.
Tulad ni ate Richel at ng asawa nito na si kuya Kiero. Iyon daw itatawag ko sa kanila sabi sakin ni ate Richel kaya nasanay na ako.
Lumabas ako ng bahay at naupo sa bilog na mesa na gawa sa kahoy.
Andun ang basket ng bibingka na dala ko kanina, napangiti nalang ako ng maalala ulit ung ngiti sa'kin nang gwapong lalake na yun.
Napaka hilig niya sa bibingka, akalain mo tatlong bibingka lang tapos ang laki ng binayad niya at sobrang saya niya pa.
Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Ito siguro ang sinasabi nila na crush, kasi napaka saya ko kapag naaalala ko siya.
Tumingala ako sa langit na nababalutan ng mga bituin.
"Sana makita pa kita ulit mamang pogi, or mas maganda siguro kung tawagin nalang kitang...Kuya, kuya Delvin."Malapad na ngiting bulong ko sa masarap at malamig na simoy ng hangin.
*MONTERELAOS SERIES;
@KeichiYeol*At dito na nga magsisimula ang kabanata ng ating kwento tungkol sa dalawang bebengka couple* (Delvin & Chiara)
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
General Fiction*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...