CHAPTER 15

1.4K 76 10
                                    

SOMEONE'S POINT OF VIEW POV;

NAPAMULAT nang mata si Delvin nang maramdaman niyang namamanhid ang kanyang kanang braso.

Bahagya pa siyang napangiti nang makitang mahimbing na natutulog si Chiara at nakayakap parin sa kanya.

Halos sumiksik na sa dibdib ni Delvin ang mukha ni Chiara. Marahang hinaplos ni Delvin ang magulong buhok nito.

Pagkwan ay gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha nang maalala ang mga sandaling iyak ito ng iyak.

Kung paano ito humagulgol ng iyak na halos maubusan na siya ng boses.

Dahil sa sobrang pag-iyak ni Chiara ay hindi na niya namalayang nakatulog na ito. Kaya maingat siyang binuhat ni Delvin para dalhin sa kwarto.

Sa mga sandaling iyon ay hindi na talaga siya binitawan ni Chiara dahilan para kapwa na sila nakatulog ng magkatabi at magkayakap buong magdamag.

Napakurap-mata pa si Delvin nang makasalubong ng kanyang paningin ang sinag ng araw na tumatagos sa loob mula sa glass ng window.

Sinubukang dumistansya ng binata sa dalaga para makabangon pero talagang napaka higpit ng yakap sa kanya nito.

Kaya sa mga pagkakataong iyon ay pinagmasdan niya ng mabuti ang natutulog na si Chiara.

Habang pinagmamasdan niya ito ay doon niya lang napagtanto na napaka ganda pala talaga ni Chiara.

"I'd never knew you were this pretty. You looks like a dream, the prettiest girl i've ever seen...no kidding."Mahinang bulong nito while staring at Chiara's face.

Bumaba ang titig nito sa labi ni Chiara sabay lunok ng paulit-ulit. Ngunit bigla siyang nahimasmasan dahil alam niya sa sarili na hindi na maganda ang patutunguhan ng kanyang pag-iisip sa mga sandaling iyon.

Kaya sinubukan parin niyang baklasin ang braso ng dalaga na nakayapos parin sa kanyang dibdib.

Nakahinga siya ng maluwag ng tuluyan na siyang nakabangon. Maingat niyang kinumutan ang dalaga at pagkatapos ay bumaba na ito mula sa kama.

Agad niyang isinara ang kurtina ng bintana upang mas makatulog pa ng maayos si Chiara.

Naglakad  na siya palabas ng kwarto. Agad naman niyang natanaw sa may kusina ang ginang na abala sa pagluluto.

Nagtungo siya sa kusina at agad namang  napansin ng ginang ang kanyang presensya.

"Gising ka na pala hijo."Malumanay na bati nito sa kanya.

Minuto bago nakasagot si Delvin."Um, about nga pala yesterday. Pasensya na po sa padalos-dalos kong pagpasok ng wala man lang pasabi. Nag-alala lang po talaga ako kay Chiara."Paghingi nito nang paumanhin sa ginang.

Nakonsensya din kasi siya sa ginawa nito kahapon na basta-basta nalang pumasok sa loob ng bahay.

Nakangiti naman naglagay ng mga pagkain sa plato na nasa mesa ang ginang.

"Kasintahan kaba ng apo ko?"Pagkwan ay tanong ng ginang.

Laking-gulat naman ni Delvin sa tanong ng ginang. Hindi niya alam kung alin sa narinig nya ang unang sasagutin.

Kasintahan?

Apo?

Who is this woman?

Mga katagang gumulo sa isang diwa ng binata.

Agad naman napansin ng ginang ang naging reaction ni Delvin.

"Bunsong kapatid ako ng lola Belen ni Chiara. Kung iyon ang ipinagtataka mo kaya ko siya tinawag na apo."Paglalahad naman ng ginang.

"But you look so young po, hindi ko alam na may lola pa siya bukod sa lola Belen nito."Tugon naman ni Delvin.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon