DELVIN's POV;
"BAKIT nandito ka nanaman? Diba sinabi ko na sayo na ayaw kitang makausap!"
"But i need to ask you something very important Odree. Ikaw lang alam kong makakasagot ng mga katanungang gumugulo sa isip ko. So please spare time with me, kahit minuto lang sana."Malugod kong pakiusap habang siya ay abala sa pag-aayos ng mga iba't-ibang bulaklak sa garden shop nito.
Odree is a bestfriend of Hazel at kung tutuosin mas nauna ko pa siya nakilala bago si Hazel.
Si Odree ang dahilan kaya kami nagkakilala ni Hazel.
Hindi lang sila basta mag-bestfriend kundi magpinsan pa sila kaya sobrang malapit sila sa isa't-isa.
"I told you before, na kapag ang itatanong mo ay tungkol sa yumao kong bespren...pwes umalis kana dahil wala kang maririnig mula sa akin!"Malamig na baling nito sa akin.
"Odree please tell me, ano ba talaga nangyari kay Hazel noong wala ako sa tabi niya na hindi ko alam?"Pangungulit ko paring atungal at nakasunod parin ako sa kanya papasok sa loob ng garden shop nito.
Napansin ko ang biglang pagkataranta ni Odree at mabilisan nito akong hinila palabas ng isang pinto patungo sa backyard ng kanyang garden shop.
Bumungad sa amin ang mabangong amoy ng mga bulaklak na nakapaligid sa buong area.
"Pwede ba umalis kana nakikiusap ako sayo Del!"Mahinang bulong nito.
"Aalis ako kapag binigyan mo ako ng kasagutan sa mga itatanong ko sayo."Pagmamatigas ko.
Napabuntong hininga siya sabay tampal nito sa kanyang noo in irritation.
"Bakit ba ang kulit mo Del?"Naiirita na siya sa akin.
"Dahil alam kong may dapat akong malaman at alam mo ang ibig kong sabihin Odree."Tugon ko in a serious tone.
Minuto siyang nakatitig sa akin na may lungkot at pag-aalangan sa mga mata nito.
Ilang sandali pa ay padabog siyang umupo sa isang silyang mahaba na gawa sa kahoy.
"Nangako ako kay Hazel na wala akong ipagtatapat sayo. Pero ang kulit mo eh!"Paunang saad nito.
Madali naman akong napaupo sa tabi niya."I'm begging you, tell me everything you know."
"Can you even handle it?"Namamasa ang mata niyang napalingon sa akin.
And mas lalo akong binabalot ng curiousity sa tanong nito."Whatever it is, just say it!"
Lumunok muna ito ng bahagya bago magsimulang magkwento.
"Those days na wala ka, may isang di kilalang lalake ang umaaligid kay Hazel."Seryosong banggit nito.
Napalunok ako."Who the fuck is it?!"I asked in irritation.
"Hindi namin kilala...but that guy did a horrible thing to Hazel!"Odree.
"What do you mean?"I shouted in anger.
"Pwede bang makinig ka muna!"Sita nito sa akin at nagpatuloy siya sa pagsasalita."That night, nagpaalam sa akin si Hazel na pumunta sa clinic dahil may nakalimutan daw siya. Ang sabi niya sa akin ay babalik din agad siya para sabay na kami makauwi sa apartment. Pero makaraan ang dalawang oras ay hindi na siya nakabalik. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot, kaya nagpasya ako na sundan siya sa clinic nito, at doon nagulantang ako sa aking nakita nang makarating ako sa loob ng kanyang clinic office. I saw her crying habang nanginginig na kayakap ang kanyang magkabilang tuhod..."Bahagyang huminto sa pagkukwento si Odree at pilit nitong nilalaban ang mga luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata."Punit-punit ang suot niyang palda at may sugat na din siya sa kanyang labi. Nanginginig nitong ipinagtapat sa akin na ginahasa siya ng lalakeng iyon na madalas namin makitang umaaligid sa kanya. Magmula noon ay halos mawalan ng katinuan si Hazel, kaya niya nagawang mag cheat sayo ay dahil sa pakiramdam niya ay hindi mo deserve ang kagaya niyang nadungisan na ng isang manyak na lalake. Kaya kahit labag sa loob niyang gawin ang magcheat ay ginawa parin niya para lang iwanan mo na siya at kamuhian. Nalaman naman agad nung lalake na ipinalit niya sayo na buntis sa ibang lalake si Hazel kaya naging marahas sa kanya makitungo ang lalake na umabot pa sa kagustuhan nitong patayin si Hazel at ang anak nito...dahil don."Mahabang pagpapatuloy na paglalahad nito at tuluyan na siyang humagulgol ng iyak.
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Ficción General*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...