Warning SPG;
NOTE; Not for minor reader.))
*Pakk*
"Ouch!...Damn it. That really fucking hurts."
Daing ni Delvin nang buong lakas ko siyang tapunan ng suntok sa gwapo nitong mukha dahilan para mapaupo siya sa sahig.
Paano ba naman kasi, matagal na siyang hindi nagpaparamdam tapos panay iwas pa.
Tapos lilitaw siya bigla at ganon lang niya ako kadaling halikan.
Hindi pa ako nakontento sa suntok na binigay ko sa kanya, pumatong ako sa matigas nyang tyan at walang sabi-sabing yumukod ako para kagatin ang kaliwa niyang tainga.
Kagat na napaka diin dahilan para mapasigaw siya sa sakit.
"AAAHHHH! Stop it."Malakas niyang sigaw.
Padabog akong tumayo at napapakuyom sa kamao ko siyang pinasadahan ng nakakapasong titig.
"Idiot! Sana hindi ka nalang bumalik dito. At ano ba kita para basta-basta mo nalang hahalikan? Kita mo ngang nag-eemot ako dito eh!"Naiinis na bulyaw ko sa kanya.
Napaatras ako nang subukan niyang bumangon habang napapa hugot ng hininga.
Napapangiti pa niyang hinimas ang namumula niyang tainga at pati ang pisngi nito dahil sa lakas ng suntok ko sa kanya.
Napakunot-noo pa ako ng tinawanan lang niya ako na parang wala lang sa kanya ang mga ginawa ko.
Humakbang siya palapit sa akin na may malapad na ngiti sa mga labi nito."Namis ko talaga yang pagiging aggressive mo."Saad nito nang nasa harapan ko na talaga siya."Tinatanong mo kung bakit kita hinalikan kanina? Kasi ayokong nakikita kang umiiyak."Yumukod siya para pantayan ang mukha ko habang matamang nakatitig sa mga mata ko.
Gusto ko man iwasan ang mga titig niya ngunit daig ko pa ang naitulos sa kinatatayuan.
Hindi ko magawang iwasan ang nakakaakit na titig niya.
Lumakas pa lalo ang tibok ng puso ko sa huling kataga nito na nagpalambot sa tuhod ko.
"E-eh ano naman ngayon sayo kung umiiyak ako?"Kanda utal kong tugon.
Pagkwan ay marahan niyang pinunasan ang medyo natutuyo nang luha sa gilid ng aking mga mata.
"Nasasaktan ako."Mahinang tugon niya.
At bakit naman siya masasaktan? Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak kanina.
Yun ay dahil namimis ko si lola at kuya Ahmon. Lalo na kapag kinakanta ko ang kanta na iyon, madalas ko kasi iyon patugtugin noong tatlo palang kami ng yumao kong lola at ni kuya Ahmon sa dating probinsya namin.
Pero naputol ang pag-eemot na iyon dahil sa biglaang pagsulpot ng lokong 'toh.
"Wala naman yata rason para masaktan ka. Ang weird mo!"Sansala ko at akmang iiwas sa kanya para lagpasan ngunit hinarangan niya ako at...
Muling ginawaran ng halik pero saglit lang. Halos manlaki mga mata ko sa ginawa niya.
"Abay nananamantala kana ah!"Sasampalin ko pa sana siya ng ganon niya lang kadali huliin ang kamay ko tsaka inilagay sa likod ko.
Sinubukan kong kumawala napatigalgal ako ng higitin nito ang katawan ko dahilan para dumikit ang dibdib ko sa matigas niyang dibdib.
Hinawakan nito ang chin ko at ini-angat ang mukha ko upang mapatingala ako sa napaka gwapo niyang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/283276011-288-k40381.jpg)
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Ficción General*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...