"LATE ka nanaman Ms. Enriquez!"Napapailing na bungad sa akin ni Ms. Lazara. Ang masungit kong professor sa Math.
Sa akin natuon lahat ng atensyon ng aking mga kaklasi. Marahan akong naghanap ng mauupuan sa may pinaka likod ng mahahabang silya.
"Sorry po Maam!"Paghingi ko ng paumanhin.
Tinaasan lang ako ng kilay nito at nagpatuloy sa kanyang naudlot na pagtuturo.
Nakinig nalang din ako kahit sa totoo lang ni isa wala akong maintindihan sa mga itinuturo nya. Mahina ako sa Math pero mas lalo akong naging bobo dahil sa napaka boring na paraang pagtuturo ni Ms. Lazara.
Dahil hindi ko kasama sa subject na ito ang dalawa kong kaibigan kaya i feel so boring.
"Fucking shit Maam!!! Matagal paba yan? Sobrang bagot na bagot na ako. Fucking borrrriiing!"
Natigilan ang lahat nang halos pasigaw na nagmumura iyong isa naming kaklasi na halatang galit na galit at panay ang pagmumura nito kay Ms. Lazara.
Nanlaki ang mga matang nakatitig sa kanya si Ms. Lazara at napahawak ito ng mahigpit sa laylayan ng kanyang palda. Halatang di niya inaasahan ang inakto ng kanyang estudyante.
Bahagyang binuklat ni Ms. Lazara ang folder na hawak at hinanap dun sa name list ang pangalan ng lalake.
"Mr. Carlos Vegada! A-are you okay? Is something wrong? Why are you talking like that? Where is your manners?!"Pilit nitong kinakalma ang sarili sa paraan ng pagsasalita pero mapag hahalataan din na hindi nito nagustuhan ang inasal ng kausap.
Padabog na tumayo si Carlos at mayabang na humakbang ito papalapit kay Ms. Lazara.
"O.M.G! Anong binabalak niya?"
"Sino ba yan? Bakit ganyan siya umasta?"
"Gurl,halos lahat naman tayo dito puro baguhan sa school eh. Kaya malamang hindi natin yan kilala."
iilan lang yan sa mga bulungan sa loob. Totoo ngang lahat kami dito ay pawang mga baguhan palang kaya di pa namin lubos kilala ang bawat isa. Maging ang isang mayabang na lalakeng iyon.
At ako'y sadyang hindi rin nila lubos na kilala. Pero di ibig sabihin na ang katapangan ko noong high school ay iniwanan ko na.
Akala ko nga magbabago ang lahat kapag makaapak nako sa kolehiyo eh. Pero mukang nagkakamali ata ako ng akala.
Dahil may isa palang tao na unti-unting pakukuluin ang init ng dugo ko.
Hindi ko nagustuhan ang inasal ng lalakeng ito. Parang ang sarap bumasag ng pagmumukha sa araw na ito.
Nanatili pa akong walang imik pero hindi ko inalis ang titig sa likod ng lalake.
Nasa harapan na siya ni Ms. Lazara. Kitang-kita ng lahat kung paano bastusin ng lalake si Ms. Lazara.
"Mr. Carlos Vegada! Alamo ba kung ano ang ginagawa mo?I beg you to please go back to your seat! Or leave this room right away if you are not into my subject!"Pagpapakitang tapang na litanya ni Ms. Lazara.
Bagamat...
Napaatras ng bahagya si Ms.Lazara ng mapangahas siyang lapitan ni Carlos."I'm aware of what i'm doing Maam! Pero wala ako sa mood para sundin ang utos nyo."
Inagaw nito ng marahas ang folder na hawak ni Ms. Lazara at walang hiya nitong inihagis sa nakasarang pinto. Kasabay nun ang walang galang na paghaplos ni Carlos sa buhok ni Ms.Lazara.
"Don't touch me, kid!"Napaatras ng bahagya na suway sa kanya ni Ms. Lazara.
"Hindi ata bagay sayo maging professor Maam. Sobrang boring eh, inaantok ako. Eh kung mag resign ka nalang kaya at ako na mag hire sayo bilang pampatulog ko? Or kung gusto mo mas higit pa dun para mas exciting diba?"Punong-puno ng kabastusan at kapangahasang sambit nito sa pagmumukha ni Ms. Lazara.
![](https://img.wattpad.com/cover/283276011-288-k40381.jpg)
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
General Fiction*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...