PAGGISING ko wala na sa tabi ko si Delvin.
Ang sarap ng tulog ko kagabi kaya maganda din ang mood ko. Nagsagawa muna ako ng ilang minutong pagyoyoga para pagpawisan.
After that ay nagpahinga konti bago maligo.
Nang makatapos ako maligo ay nagbihis na din ako at inayos ang mga gamit na dadalhin ko.
Nakabihis na ako lahat-lahat kaya naghanda na ako para lumbas ng kwarto.
Akma kong puntahan ang room ni lola Donita para magpaalam sa kanya.
Subalit..
"Hahaha. Nakakatuwa naman mga pinsan mo hijo, masaya siguro silang kasama. Parang ikaw"Lola Donita.
"Puro kalokohan lang alam ng mga yun lola D. Sasakit ulo mo pag sila nakasama mo."Delvin.
"Mas masaya nga yun eh. Hindi sila nakakailang na kasama, baka naman pag may time sila eh punta kayo sa Cebu. Sama kayo kay Chiara, para masaya magba-barcue tayo."Lola Donita.
"Sure thing lola D. I love that idea."Delvin.
Dinig na dinig ang masayang pag-uusap ni Lola Donita at Delvin mula sa kusina.
Kaya napahakbang ako palapit doon upang silipin sila.
Kitang-kita ko ang abot tainga na ngiti ng lola Donita habang kausap ang nagluluto na si Delvin.
Napangiti ako sa isiping gustong-gusto talaga ni Lola Donita si Delvin.
Maingat akong pumasok sa kusina habang nakamasid sa kanila.
Habang nag-eenjoy naman sa pagluluto si Delvin.
Hindi ko alam na magaling pala magluto ang isang iyon.
And he looks so great while cooking. Para lang siyang nasa comercial eh, sobrang gwapo at napaka tangkad pa. Idagdag mo pa ang napaka gandang hulma ng kanyang pangangatawan.
Napalunok ako ng maalala kong paano ako ikulong ng mga bisig na iyon. Kung paano nito ako yapusin ng napaka higpit.
Ano ba yan, ke aga-aga nag-iimagine na ako ng kung ano-ano!
"Hija? Gising kana pala. Ah teka, may lakad kaba? Bakit may dala kang malaking backpack?"Pagkwan ay baling na tanong sa akin ni Lola nang mapansin ako nito.
Napakamot ako sa pisngi ng maalala na hindi ko pa pala nasabi sa kanya ang tungkol sa lakad ko."Nakalimutan ko pong sabihin kagabi na pupunta ako nang baguio ngayon. May training camp kasi kami na gagawin doon eh."
"Ganon ba. Naku ilang araw ka don?"Lola Donita.
"Tatlong araw po."Tugon ko.
"Aba dapat magbaon ka ng makapal na damit, malamig doon hija. Ah Oo nga pala magdala kana din ng makakain mo, sandali ipagbabalot kita ng mga niluto ni Delvin."Hindi magkanda-ugagang naglagay ng mga pagkain si Lola sa isang malaking lunch box.
At habang abala siya sa kanyang ginagawa ay pasimple naman kumuha ng plato si Delvin sa drawer na malapit sa akin.
Nagkatinginan pa kami pero napaiwas din agad ako na parang nahihiyang salubungin ang kanyang tingin.
Ngunit naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na pala siya na may malapad na ngiti sa mga labi nito.
Pagkwan ay marahan niyang nilingon si Lola Donita na nakatalikod sa amin habang abala parin sa pagbabalot ng pagkain.
Maya-maya pa ay napaismid ako nang i-angat ni Delvin ang baba ko para gawaran ng nakaw na halik sa labi.
Pinanlakihan ko siya ng mata."Anong ginagawa mo?"Pabulong na sita ko sa kanya na kami lang ang nakakarinig.
![](https://img.wattpad.com/cover/283276011-288-k40381.jpg)
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Ficción General*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...