"HINDI mo parin ba makontak ang tito Jack mo?"Nababahalang tanong ni lola Donita habang abala siya sa pag-aayos ng mga gamit ni Brando.
"Hindi parin lola Donita eh."Tugon ko.
Nakailang beses ko nang tinatawagan si Tito Jack para alamin kung ano na kalagayan ni Kuya Ahmon.
Pero wala talagang sumasagot na siyang ipinag-alala ko.
Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang tungkol sa nangyari kay lola. Dahil baka ano pa mangyari kay kuya Ahmon pag nalaman niya iyon.
Mahigit isang buwan na din ang nakalipas simula ng mawala ang pinaka mamahal kong lola.
Isang bagay lang ang tumatak sa puso't-isipan ko. Yun ay ang maipag higanti ang lola ko at ang nangyari sa pinsan kong si Brando.
Na hanggang ngayon ay hindi parin nagsasalita dahil sa tindi ng trauma na dulot ng pagkamatay ni lola.
Hindi namin siya masisi sa pagkat siya lang naman itong nakasaksi sa buong pangyayari.
At ang masaklap pa don, lola namin ang kinitilan ng buhay mismo sa kanyang harapan.
Marahil ay kung sa akin nangyari iyon baka nga hindi ko kakayanin ang sakit.
Sa ngayon pinipilit kong magpakatatag at mas patibayin ang aking puso.
Kasi kung magpapalamon ako sa lungkot at pagluluksa walang mangyayari.
Nothing will changed if nothing will be done.
Wala din akong tiwala sa mga pulis sa lugar namin. Lalo na kapag alam nilang sangkop ang gangster sa nangyari.
Hindi talaga sila gumagawa ng kilos.
Mga walang silbi!
"Mas mabuti siguro kung hintayin nalang natin na sila ang tumawag. Baka may pinagkakaabalahan lang ang Tito Jack mo."Lola Donita.
Tinulungan ko nalang siya magligpit ng gamit ni Brando.
Isasama ni lola Donita sa Cebu si Brando para doon mas mabilis ang paggaling niya.
May sariling bahay doon si Lola Donita. Doon naman talaga sila nakatira ni Brando simula noong maliit pa ito.
Nagkahiwalay lang sila ng asikasuhin ni lola Donita ang mga lupa nito sa Mindanao.
Tumandang dalaga na si lola Donita dahil mula pa noong nag-aaral siya ay business minded na talaga siya.
Wala siyang inatupag kundi mag-aral at sumaside-line kapag wala siyang pasok.
Hanggang sa tumagal nakatapos din siya at nakahanap ng trabaho. Nakaipon at naging mabait na RICH TITA ang turing naming lahat sa kanya.
Pero si Brando talaga ang pinaka paburito nito simula noong naging ulila na sa magulang ang pinsan ko.
Tanging si lola Donita lang ang nagpalaki sa kanya.
"Lola Donita, hindi naba magbabago pasya nyo na bumalik sa Cebu? Pwede naman kayo mag stay nalang sa bahay eh."Pagkwan ay pukaw ko sa gitna ng aming ginagawa.
"Gustuhin ko man hija pero hindi pwede. Kailangan talaga naka focus lang ako kay Brando at tsaka may mga dapat pa akong gagawin sa Cebu. Huwag kang mag-alala, kapag magaling na si Brando dadalawin ka namin."Nalulungkot din na tugon ni lola Donita sabay himas nito sa kamay ko."Pasensya kana hija ah."
Kaya napahugot nalang ako ng hininga."Nauunawaan ko po kayo lola Donita. Pwede ko rin naman po kayong dalawin sa Cebu diba?"Sinubukan kong maging panatag kahit nalulungkot din talaga ako.

BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Ficción General*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...