CHAPTER 26

1.8K 72 20
                                    

MAKALIPAS ang isang linggo at mga buwan ay umikot ang mundo ko kasama si Delvin at ang batang si Noah.

Para kaming isang maliit na pamilya ayon sa mga taong nakakakilala sa amin.

Kapag nakikita nila kaming magkasama na tatlo ay para daw talaga kaming isang pamilya.

Nakakatuwa lang isipin na parang nasanay na kami ni Delvin sa pag-aalaga sa bata.

Hindi naman naging sagabal sa amin ang bata. Nakakapag focus parin ako sa aking pag-aaral at maging si Delvin ay nagagawa din nito ang mga nakagawian na niyang gawain.

Gumagawa talaga kami ng paraan para magkaroon ng time para sa bata.

Sa umaga at hapon nasa UNI ako abala parin sa studies, habang sa mga oras na iyon ay si Delvin naman ang abala sa pagbabantay kay Noah.

Kapag gabi naman ay si Delvin ang busy pero ilang oras lang ay agad din ito nakakabalik ng bahay.

Umikot ang pang-araw-araw namin routine sa ganon at ni isa sa amin ay walang nagrereklamo.

Bagamat natutuwa pa nga kami dahil feeling namin magulang na kami ni Noah.

Nag hired na din ng kasambahay si Delvin sa bahay para kahit papaano ay mapanatiling malinis parin ang bahay.

Minsan napapadalaw din sa bahay si kuya Ahmon. At maging siya ay tuwang-tuwa na alagaan si Noah.

Noong unang malaman nito ang tungkol sa bata ay labis ang kanyang pagtutol.

Subalit napakiusapan ko din siya na hayaan nalang kami ni Delvin sa aming pasya.

Wala naman din siyang nagawa kahit pa labag iyon sa kanya.

Sa huli ay mas napapalapit pa nga siya kay Noah kaysa sa amin ni Delvin.

{"Babe, pauwi na kami ni Noah sa bahay. Anong oras ka uuwi? Mis na kita, i mean namimis kana namin ni Noah."}Untag ni Delvin mula sa kabilang linya.

Napangiti nalang ako sa mga linyahan niya. Idadamay pa ang isang 8 months old na bata sa kalokohan niya.

"Baka mamayang hapon pa, nasaan na pala kayo ngayon?"Tanong ko.

{"Nandito kami sa Condo ni Hanzo, gusto daw niya makipag laro kay Noah."}Sagot niya.

"Akala ko ba nasa Laos Village kayo?"Takang tanong ko.

Dahil ang paalam nito sa akin kagabi ay dadalhin niya sa LAOS VILLAGE si Noah para makilala ng pinsan nito ang batang anak ng kanyang yumaong ex-girlfriend.

Kaya hindi ko maiwasan magworry kapag lagi niyang ipinapasyal ang bata sa kung saan-saan.

{"Don't worry babe, saglit lang naman kami. Mahilig lang talaga sa bata si Hanzo kaya pinagbigyan ko na."}Katwiran naman niyang sabi.

Napailing nalang ako sa dahilan nito."Oh siya sige na nga. Basta pagdating sa bahay ay painumin mo siya agad ng serup niya para di siya magkatrangkaso."Litanya kong aniya.

{"Yes babe, i'll do that. Uwi ka agad ah, i miss you."}Delvin.

"Sige...uwi din agad ako. I miss you too."Pagkasabi ko non ay pinatay kona agad ang tawag dahil baka pag tumagal ang usapan namin sa linya ay mag-iba nanaman ang topic.

Lalo na mukang nasa good condition nanaman si Delvin.

Lagi naman eh!

"Hey girl, sasama kaba para sa first mission natin mamaya?"Untag na tanong sa akin ni Haruka na bigla nalang lumitaw sa tabi ko.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon