Someone's point of view Pov;
*BANG BANG BANG*
"Whoah...That's freaking close!"Namilog ang bibig na sambit ni Delvin ng sunod-sunod silang paputukan ng baril ng kalaban sa tagiliran ng kotse malapit sa gawi ni Kenji.
"Holy shit. I can't die like this."Napapamurang sambit naman ni Kenji na mas humigpit ang hawak sa seatbelt na suot nito sabay pikit ng kanyang mga mata.
Samantala kalmado parin na nagmamaneho ang dalaga.
Kahit gaano pa kakipot at kadulas ang daan ay kaya niyang lusutan ng walang kahirap-hirap.
Dahilan upang mahirapan makahabol sa kanila ang kalaban.
Maya-maya pa ay may natanaw si Chiara na isang malaking truck di kalayuan na masasalubong nila.
Bagaman agad napansin ng dalaga ang dalawang high way na magkahiwalay through left and right.
At sa right high way nanggaling ang malaking truck na iyon.
Madali na inihanda ni Chiara ang sarili upang maiwasan ang malaking truck na papalapit na sa gawi nila.
Maliit lang kasi ang high way na dinadaanan nila ng mga sandaling iyon at sakto lang para sa isang malaking truck.
Kaya kapag hindi sila hihinto or tatabi ay tyak na mawawasak ang sinasakyan nila.
Malayo man ay naaninag agad ni Chiara na abala ang driver ng truck na iyon sa pakikipag usap sa selpon nito at mukang mainit pa ang ulo.
Kalaunan ay dahan-dahan binagalan ng dalaga ang pagpapatakbo nito sa kotse upang mabilis silang maabutan ng kalaban.
Laking pagtataka naman ng dalawang kasama nito at akmang hihirit pa.
Kalaunan ay nakita nilang nakatutok na sa gawi nila ang mga baril ng mga lalaking nasa backseat.
Agaran naman nginisian ng babae si Chiara at pasigaw na nagwika nang..."What's going on, are you giving up now bitch? HAHAHA!"
Humalakhak ng tawa ang babae sa pag-aakalang nagwagi na siya.
Subalit nag smirk lang sa kanya si Chiara at muli niyang itinuon ang paningin sa papalapit nang truck.
Pagkatapos ay binalingan niya ulit ng tingin ang kalaban upang malinlang niya ito.
Marahang itinaas ni Chiara ang kanyang kamay sa ere sabay wave at siya ay nagwika nang..."Farewell...bitch!"
Pagkasabi niya non ay buong lakas nitong inapakan ang accelerator at nagdulot iyon ng mas mabilis na takbo ng kotse.
Agad niyang niliko ang kotse upang maiwasan ang malaking truck at dere-deretso siyang nagtungo banda sa kaliwang bahagi ng high way.
Parang sigundo lang ay narinig na nito ang napaka lakas na crashing noise na gawa nang pagkabangga ng truck sa kotse ng kalaban nila.
Habang ang dalawang binata na kasama nito sa likod ay napapasigaw parin sa takot na baka sila makabangga or mahulog sa mataas na bangin.
Paanong hindi mapapasigaw ang dalawang binata eh sa bilis ba naman ng pagpapatakbo ng dalaga sa kotse.
Sa mga sandaling iyon ay nasa kalagitnaan sila ng matarik na highway kung saan tanging matataas na bangin ang matatanaw sa ibaba.
Maya-maya pa ay dahan-dahang pinahinto ni Chiara ang kotse.
Kasabay naman non ay mabilisang pagbukas ng dalawa sa magkabilang pinto ng kotse sa backseat.
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Художественная проза*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...