"SINO yang kasama mo apo?"Bungad na tanong ni lola nang makita nito akong may kasama at ang tinutukoy nito ay ang babaeng kasama ko.
"Mahaba pong kwento lola, tsaka ko na po ipapaliwanag."Tugon ko.
"Ganun ba, O sige papasukin mo muna siya. Kumain naba kayo? Kumusta naman ang lakad?"Halos hindi magkanda ugagang tanong nito sabay alalay papasok sa loob ng bahay ang kasama ko.
Marahan ko naman nilapag sa may sala ang aking bag tsaka nagtungo sa kusina para makainom ng tubig.
"Ayos lang naman lola, medyo pagud lang.Busog pa ako, pero baka gutom na din yang kasama ko. Si Brando? Nasaan siya,lola?"Turan ko nang mapansin na hindi ko nakikita ang aking magaling na pinsan.
"May pinuntahan lang siya pero maya't-maya andito na yun. Teka, asan ang mga kasama mo?"Lola.
"Nagsipag uwian na sila sa kani-kanilang bahay lola."Kalmado lang na tugon ko sabay upo sa may couch."Kinakamusta din po kayo ni Lolo Pilo, Lola."Dagdag kong sabi.
Nakangiti namang sumagot si lola nang..."Ay naku ang matandang iyon. Kailan kaya dadalaw dito iyon, matagal-tagal na din kasi siya hindi nakakadalaw kasama si Pilar. Naku ang mag-asawang iyon talaga oh!"Pagkwan ay may pagkadismayang tugon nalang ni Lola.
Magkakaibigan at magkapit-bahay sila noon ni Lolo Pilo at Lola Pilar. Pero bihira nalang sila magkita-kita ngayon.
Kaya minsan nagtatampo na si Lola sa kanila.
Naramdaman kong tumabi din ng upo ang kasama kong babae. Tahimik lang din siya as usual pero napansin ko ang panay nitong paglingon kay lola na abala sa paglagay ng plato sa maliit na mesa.
Akma sana akong tatayo para tulungan si lola ngunit naunahan na ako ng babae.
Mabilis siyang nagtungo sa gawi ni lola para tulungan ito ng walang sabi-sabi.
Kaya napabalik-upo nalang ulit ako sa may couch.
Pagpikit ko, sumagi sa isip ko ang huling kaganapan kanina bago kami maghiwalay ng mga kasama namin.
Nag-effort pa talaga na ihatid kami ni Jeliarde sa aming mga lugar. Nauna niyang maihatid si Joly at Rafaela, pagkatapos ay ako at nang babaeng kasama ko.
Hindi ko makakalimutan ang pagkakataong nakasama ko sila kahit saglit lang.
Lalo na si Delvin.
Paghatid nila sa akin kanina ay siya lang ang nagkusang bumaba para magpaalam dahil pagud ang iba pang adonis.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot noong magpaalam na siya sa akin kanina.
Hindi daw siya sigurado kung kailan siya makakabalik dito dahil marami pa siyang dapat asikasuhin sa maynila.
Maliban sa talagang sadya nito doon na ayusin ang tungkol sa kanila ng girlfriend niya.
FLASHBACK
"Hey Chiara, baka naman pwede kami sumama sa bahay niyo?"Pasilip na tawag sa akin ni Mac mula sa window ng track.
"Maybe next time nalang po!"Tugon ko.
Lumungkot ang gwapong expression nito."Is that so? Hmm, okay. See you when i see you then."Sambit nalang nito sabay wave sa akin.
At isinara na nito ang window ng track. Nakita ko pang nag wave din sa akin si Brett habang panay sa paghikab.
Ngunit muling bumukas iyon at niluwa nun ang mukha ni Lolo Pilo.
"Hija, balitaan mo lang ako kapag may pagbabago na sa kalagayan ng dalagang kasama mo ah."Untag nitong anito.
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Genel Kurgu*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...