"D-Delvin put me down na uy! Kanina pa tayo nakalayo sa mga babaeng yun at tsaka tingnan mo nga ang daming taong nakatingin sa'tin."Mahinang saad ko habang nakasabit parin ang katawan ko sa balikat ni Delvin.
Napapatakip ako sa mukha dahil sa hiya, napadpad yata kami sa Market area kaya ang daming tao at halos bawat makasalubong at madaanan namin ay sa amin nakatingin.
Maingat naman akong ibinaba ni Delvin at hinihingal na itong napayukod."Ano bang kinain mo kanina?"Sa halip ay baling niya sa akin.
"Huh? Edi yung pinagbalot sa akin ni Lola Donita. Bakit?"Pagtataka ko.
Bahagya siyang tumayo ng tuwid at namewang na tumitig sa akin pero nakangiti siya."Kaya pala ang bigat mo."
Napanguso ako sa kanyang sinabi."Nang-aasar kaba? Diba ikaw ang nagluto non? Tsk!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo, haha. Inubos mo ba? Nasarapan ka siguro kaya napadami kain mo?"Parang nang aasar pa niyang sabi sabay silip sa mukha ko.
Iniiwasan kong salubungin ang titig niya dahil baka pag nakipagtitigan ako sa kanya eh mawala ang inis ko.
"Yabang nyeto! Anong nasarapan pinagsasabi mo dyan? Ang pangit kaya ng lasa...or let say na walang ka lasa-lasa!"Napipikon na bulyaw ko sa kanya tsaka nagmartsang naglakad palayo sa kanya.
Pero naramdaman ko agad ang paghila nito sa bewang ko at natagpuan ko nalang ang sarili na bahagyang nakahiga sa mga bisig niya.
Parang slow mo na nasalo ng mga mata ko ang kanyang blue eyes na punong-puno ng buhay while staring at me.
"Oooops! That was close."Bulong nito at napapikit pa ako ng sa ganong position ay nagawa pa nyang panggigilan na pagkiskisin ang mga ilong namin."Look at you, blushing."Dagdag niya pang saad.
Napahawak ako sa magkabilang pisngi dahil alam ko sa mga sandaling iyon ay namumula na nga pisngi ko.
"P-pwede bang bitawan mo na ako! Nangangalay na ako eh."Pagkwan ay turan ko at nahihiyang saluin ang kanyang titig.
"Okay."Pagkasabi niya nun ay siyang pagbitaw nga niya sa'kin dahilan para bumagsak ang likod ko sa malamig na sahig.
"Aaray ko! Tinotoo talaga?"Daing na bulyaw ko sa kanya.
Pero dahil sa kapal ng suot kong jacket kaya hindi naman ganon kasakit ang pagbagsak ko.
"Sabi mo bitawan kita eh. At tsaka ang bigat mo, grabi sumakit braso ko...ahhhh!"Nauwi sa sigaw ang pagsasalita nito ng kagatin ko ang kanyang braso.
Pagkatapos ay madali akong tumayo at tuluyan siyang iniwanan na dumadaing.
Malamang mapapadaing talaga siya sa diin ba naman ng pagkagat ko sa braso niya.
Paglingon ko ay iniinda parin nito ang sakit subalit nang mahimasmasan na siya ay agaran siyang tumakbo para habulin ako.
"Hey babe, I can't move my shoulder! I've come so numb!"He says in a loud voice.
"Tch! Bahala ka dyan."Nakangising usal ko at nagsimula na din akong tumakbo palayo sa kanya.
Kaya ang ending naghabulan kami sa loob ng market kung saan maingay at maraming tao.
Natatawa pa ako kapag pinagtataguan ko siya sa likod ng mga nagtitinda ng kung ano-anong klasing paninda.
Paano ba naman kasi, halos mapasabunot siya sa buhok nito kakahanap sa akin.
Natatawa ako sa expression at gestures niya. At dahil hirap siyang mahanap ako ay madalas magtanong siya sa mga nakakasalubong nito kung nakita ba daw nila ako.
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Ficción General*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...