Someone's point of view Pov;
"KUMUSTA na ang lagay niya Doc?"Nag-aalalang tanong ni Kenji sa Doctor.
Habang ang dalaga ang wala parin malay.
"So far she's fine. Sa ngayon kailangan na muna niyang magpahinga."Ayon sa Doctor.
Nakahinga naman ng maluwag si Kenji dahil nasa mabuting kalagayan na ang dalaga.
Matapos nilang makapag usap at maibigay ang prescription ng gamot na dapat inumin ng dalaga ay nagpaalam na ang Doctor para gamutin ang iba pa nitong pasyente.
Maingat naman naupo sa upuan na malapit sa kama kung saan nakahimlay ang dalaga.
Labis na nag-alala ang binata nang makita nitong halos maligo na sa sariling dugo si Chiara kanina.
Ilang sandali pa ay unti-unti nang nagising ang dalaga. At nakita nito si Kenji na nayuko sa gilid ng kama at halatang hindi mapakali sa pag-aalala.
"Coach Kenji?"Bungad na sambit ng dalaga.
At agad namang napaangat ng tingin ang binata."Thank god, gising kana Ara. How do you feel now? Do you feel pain or something? Tell me."Punong-puno ito ng pag-aalala sabay suri sa mukha ng dalaga.
Pagkwan ay umiling lang ang dalaga."Hmm, okay na ako Coach Kenji. Wala naman akong nararamdaman na masakit."Aniya.
Muling napabuntong-hininga ang binata."Salamat naman kung ganon, akala ko ano na mangyayari sayo eh."
"Malayo to sa bituka coach Kenji. Nga pala, salamat sa pagdala sa akin dito. At salamat din dahil nagawa mo akong iligtas sa lalakeng iyon."Paghingi ng pasasalamat ng dalaga sa binata.
"Kung hindi lang ako nakarating ng maaga baka ano na talaga nangyari sayo. Ano ba kasi ginagawa mo sa lugar na iyon ng mag-isa?"May halong pag-aalala at inis na tanong nito.
"Inabutan na kasi ako ng ulan, pauwi na sana ako kaya lang mas lumakas ang buhos ng ulan kaya naisipan kong tumambay muna doon."Pagpapaliwanag naman ng dalaga."Eh kayo po, anong ginagawa niyo don?"Pagkwan ay balik tanong niya sa binata.
"Pauwi na din sana ako nang makita kita kaya pagbaba ko sakto naman biglang ganon ang eksena na naabutan ko. Mabuti nga at naagapan ko eh. Lasing yata ang lalakeng iyon."Pahayag naman nitong sabi.
"Ganon ba. Naku hindi ko alam paano magpasalamat sayo coach Kenji. Iniligtas niyo ang buhay ko sa pangalawang pagkakataon."Bahagyang nailang na tumingin ang dalaga sa binata.
"Hindi na importante yun Ara, ang mahalaga ligtas kana."Makikita sa expression ng binata ang relief dahil sa alam nitong maayos na ang dalaga.
Pagkwan ay maingat na kumilos ang dalaga at bumaba ng kama saka inayos ang sarili na parang walang sugat sa ulo.
Agad namang napatayo at naalarma ang binata."Wait, what are you doing?"Kenji.
"Kailangan ko nang umuwi coach Kenji. Baka nag-aalala na ang lola ko eh, sobra 11 pm na pala."Hindi mapakaling saad nito.
"Are you sure? Baka kasi nahihilo kapa!"Pag-aalalang tugon ng binata.
"Okay na ako coach kenji. Kailangan ko na talagang umuwi eh."Pagpupumilit pa nito.
"Kung ganon sandali lang ah, wait for me. May bibilhin lang ako tapos uuwi na tayo, dito kalang ah. Wag kang aalis, hintayin mo ako."Kabilin-bilinan ng binata at nagmamadali na itong tumakbo palabas ng room.
Masunurin namang naghintay sa kanya ang dalaga. At ilang minuto pa nakabalik na ito bitbit ang isang plastic na naglalaman ng gamot.
"Halika na, nagpaalam ako sa Doctor at pwede kana daw umuwi. Sabay na tayo!"Malapad na ngiting turan ng binata.
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
General Fiction*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...