"SIGURADO na ba yang desiyon mo Hija? Baka naman maari pang magbago pasya mo."Puno nang pag-aalalang ani lola Donita.
"Oo nga naman girl, tama si lala. Pag-isipan mong mabuti."Pag sang-ayon naman ni Brando.
Sa mga sandaling iyon ay nasa sala kaming lahat. Sakto pagkababa ko kanina ay nasa dining room na sila naghahanda ng almusal.
Maliban sa ibang mga kasama namin kagabi dahil ayon kay Evanzy ay maaga palang umalis na ang mga ito.
Nabanggit pa nito maging si Fidel ay maaga din umalis at nagmamadali kaya hindi na niya nagawang magpaalam.
Si Seth ay nagmamadali din daw umalis kasama si Lauren dahil pinatawag daw sila ng magulang ng mga ito.
Si Brett naman at Delvin ay magkasamang umalis ng mansion.
Hindi na daw nagtangka pang magtanong si Evanzy kung bakit maaga din umalis ang dalawa sa pagkat mukang importante daw ang lakad ng mga iyon.
Kaya si lola Donita, Brando, Joly at Evanzy nalang ang naabutan ko.
Kaya i took the chance upang ipaalam sa kanila ang pasya kong bumalik sa manila.
"Buo na ang pasya ko."Seryosong tugon ko.
Halata ko sa expression ni lola Donita at Brando ang labis na pag-aalala.
Si Evanzy naman ay kalmado lang nakikinig sa usapan namin.
Hanggang sa biglang humirit si Joly na kanina pa walang imik."Kung ganon, dito nalang din muna ako Chi, kasi wala naman akong mararatnan sa bahay eh."
"Huh? Bakit anong nangyare?"Labis akong nagtaka sa kanyang sinabi.
"Nagpunta nang Laguna si Ate kasama si Lola Maria. Matatagalan pa sila don at tsaka wala pa akong pasok ngayon kaya dito nalang muna ako. Okay lang ba?"Paliwanag niya.
"Ganon ba. Pasensya kana Joly ah, dahil sa'kin kaya nadamay kapa dito."Malugod na paghingi ko ng pasensya sa kanya.
Pagkwan ay inakbayan ako nito ng mahigpit sabay sabing..."Wag mo nang intindihin yon Chi, wala naman akong pinagsisihan eh. Ang mahalaga safe tayong lahat, diba guys?"Lingon nya kila Lola Donita at Brando.
"Pabor ako na dito na muna kayo".Sang-ayon naman na hirit ni Evanzy.
Tuwang-tuwa naman si Joly at hindi nito napigilan ang sarili na lundagin ng yakap si Evanzy.
"Thank you Eva."Pasasalamat ko.
"Don't mentioned it, no big deal. Yan din ang gusto ni Uncle Delvin kaya welcome kayo dito."Ani Evanzy.
Speaking of that, ni hindi ko man lang nakausap ng maayos si Delvin tungkol sa bagay na ito.
"Basta kung yan na talaga ang gusto mong mangyare Hija, mag-iingat ka don ah. Tawag ka sa'min palagi para makasiguro kaming nasa mabuti ka."Ani lola Donita.
"Opo lola Donita, makakaasa po kayo."Tugon ko.
"So anong balak mo girl? Don ka parin ba tutuloy sa bahay mo?"Brando.
"Oo, ipapaayos ko nalang yung mga nasira doon. Don't worry, it'll be fine."Sagot ko.
Ilang sandali pa ay lumapit na din sa gawi ko ang dalawa para yakapin ako.
Paulit-ulit akong pinaalalahanan ni lola Donita na wag ako makalimot na tawagan siya palagi.
Matapos ang aming moment ay nagpasya na akong magpaalam sa kanila ng tuluyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/283276011-288-k40381.jpg)
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Narrativa generale*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...