NBO's #21

160 2 1
                                    

[NBO’s #21]

[Christine’s POV]

Nakakalungkot kasi isipin.. Magkapatid kami. Hindi ko alam kung gusto kong maglayas o lahat. Pinanatili pa rin naming maging kami ni Fyrre. Kahit di kami pwede. Kungsanadi nalang ‘to nangyari, okay pa.

“Christine, malungkot ka pa rin.” Sabi niya.

“Fyrre… Hindi ko talaga kayang tanggapin. Pasensya na.”

“It’s okay. You feel what I also feel. I hope that… We can get over it, someday.” Hinawakan niya ang kamay ko..

“Thank you, Fyrre.” Sambit ko.

“For what? For saying that?”

“Hindi. Inaalagaan mo pa rin ako gaya ng dati, kahit—“

“No biggies, Christine. I love you, that’s all.” Mas hinigpitan niya ang paghawak nya sa kamay ko, “H’wag mong kalilimutan ‘yan.”

Napangiti ako. Natutuwa akong marinig ‘to mula sakanya. Napagchi-chismisan pa nga kami ‘eh. Sweet pa din daw namin. Nakakalungkot nga lang.. Magkapatid kasi kami, di ba? At sa kabilang banda, nagdedate ang Mama Austeen at Papa Charles ko. Aalis na nga si Mama Marra bukas. Aww.

Si Mama Marra, para ko na talaga siyang naging Mudrakels. Ang sarap sa feeling na sinasabi nyang ang sarap kong ‘jombagin’ nga ba ‘yun? Kapag ayaw kong kumain… Yung lagi siyang agree kung sino mang lalaki ang gusto ko basta gwapo. Ano ba ‘yun. Mamimiss ko talaga siya.

“Babalik pa ba kayo sa Papa Jin mo?” Tanong ko.

Baka kasi bumalik sila. Naikwento na nila saakin kung sino si Papa Jin.. medyo nakakatakot kasi yun ‘eh. Makapangyarihan din daw kasi. Lahat daw nakukuha—

“Sana nga, hindi.” Napatingin siya sa ibang lugar, “Lagi silang nag-aaway ni Mommy. And I hate that.” Bumalik ang tingin niya saakin.. “Ang Papa mo lang ata ang nagpapasaya sa kanya. Kaya, okay na siya para saakin.” Napangiti kami.

“Sayang nga daw ‘eh. Boto na daw sayo si Papa kasi napapasaya mo daw ako, pero—“

“It’s okay.” Hinawakan niya ang mukha ko, “Haaay Christine, ang ganda mo lang.”

Natawa naman ako dun, syet. Nakakaflatter, “Oo na,” binatukan ko siya. “Sabi mo eh.”

“Bakit kailangan binabatukan pa ako?” Tanong niya.

“Uhmm.. Trip ko kasi. I love you!” Binatukan ko ulit siya at tumakbo…

“I LOVE YOU TOO, CHRISTINE GARCIAAAAAAAAA!!!!”

Hinabol niya na lang ako. Syet naman ‘e! Bakit ko pa ginawa ‘to! Ang laki talaga ng epekto mo saakin, Fyrre! Bakit lagi mong pinapatalong yung puso ko? Haaaay!

“Gosh! My Fyrretin feels are wakiiiiiiiing!”

“Sweet pa rin sila.. kahit magkapatid! Fightiiiinggg!”

“Bagay na bagay talaga sila, ‘nu?”

Edi hiningal na ako at umupo na lang. Ayun naman siya, nakatingin. Gwapo pa rin!

“Ganda pa rin oh. Kahit pagod.” Napangiti siya, “Yiiie. Kinilig ka naman?”

“Syempre!” Pinalo ko siya sa balikat niya matapos kong sabihin ‘yun.

-          -

[Charles’ POV]

“Hoy. Tanggap mo ba yung anak kong si Fyrre sa anak kong si Christine?” Tanong ni Austeen.

“Anak mo lang si Christine? Tss.” Napa-pout na lang ako. Di bagay. Nagpapacutesana ako kay Austeen ‘eh. Alam mo na.

“O edi anak natin! Tanggap mo nga ba kasi?” Tanong niya sabay kain ng ice cream.

“Oo naman!”

“At bakit?”

“Napapasaya niya si Christine. Yun lang.”

Nakakatuwa kasi. Kahit magkapatid sila, okay lang. Masaya pa rin silang dalawa. At ginagawa pa rin ni Fyrre ang dapat niyang gawin—yung pasayahin si Christine.

“Ganyan ka din kasi saakin, kaya ganun din ang choice mo!” Inabot niya saakin yung ice cream ko. “Aminin na!”

“Oo nga kasi!”

[Third Person’s POV]

“I love you Charles!” // “I love you, Christine.”

“I love you too, Austeen.” // “I love you too, Fyrre.”

[ A / N : Korni update. Pasensya na. Chapters 23 or 25 ata ‘to? Basta. Aalis pa si Tamarra bebs. Anong bet nyo? Fyrretin, o Ausles? Ambaboy nung kay Austeen at Charles. Ano ba yun. XD Sa last part, bali sinabi nilang dalawa yun ng magkasabay, kaya Third Person. Dang korni talaga. ] 

No Boyfriends, Okay? // Dropped.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon