NBO's #24

88 2 0
                                    

[ NBO’s #24 ]

[ Charles’ POV]

Nandito ako sa bahay. Sabi nila, limang araw na rin akong tulog at namiss ako ng pamilya. Idagdag si Fyrre. Oo, kapamilya ko na siya. Hindi naman daw malala yung pagtama ng baril saakin. Para saakin. Malayo sa bituka ‘to. Para kay Austeen ‘e. Oo na. Mukhang nakakabakla na.

“Pa, kaya mo ba?” Tanong ni Christine.

“Masyado akong mahal nito. I can.” Sabi ko sakanya.

Masyado ko kasing inalagaan si Christine noon. Kaya, ganyan din siya pabalik. Naging strict din ako dahil gusto ko siyang protektahan. Kaya alam ko na kung anong klaseng ina siya paglaki niya. Ba’t naman napunta sa utak ko ang pagiging ina niya.

Gagraduate na pala ‘tong anak ko. Late na ‘yan dadating ng bahay panigurado pagdating ng kolehiyo. Kolehiyo…

“Christine. Anong course ang gusto mong kunin? At saang university?” Tanong ko.

“Fine Arts po.” Tumingin siya kay Fyrre, “Saang university mo gustong mag-aral?” Tanong niya.

Aba. At nagtanong pa kay Fyrre. Well. Nirerespeto ko yung gusto ni Christine. Hindi naman natin maiiwasan ‘yang pag – ibig na ‘yan e.

Nandito pala kami sa hospital. Lalabas na kami. Si Austeen. Susunduin kami sa labasan. Siya na ang nagdrive. Masyado na niya akong iningatan. Kaya mahal na – mahal ko sila ‘e. Pero pakiramdam ko naman okay na ‘ko. Medyo may kaya na ‘kong gawin.

Nang makalabas na kami ay agad kaming pumasok sa kotse ni Austeen. Marami pa kasing kotse ang kasunod ‘e.

“Dahil magaling na ang Papa niyo, saan niyo gustong kumain?” Pagyaya ni Austeen.

“Maxx’s.” Suhestiyon ni Fyrre.

“Dun na po!” –Christine.

“Hoy. Ingat – ingat pag nagddrive ah.” Paalala ko sakanya.

“Syempre magiingat ako! Papakasalan pa kita!” Napangiti ako. Tumingin siya saakin at ngumiti at muling ibinalik kaagad ang atensyon niya sa pagmamaneho.

“Pag nagpakasal na tayo… hindi ka na mag – iingat?” Biglang pumasok sa isip ko at sinabi ko kaagad. Yung pagkakasabi ko nun, parang nagtatampo ako.

“Ano ka ba Charles, hindi ko naman gagawin ‘yun no! Gusto kitang makasama.”

Lumingon ako at tiningnan yung dalawang nasa back seat. Magkatext yung dalawa habang nakangiti, “Sino bang katext niyong dalawa?” Tanong ko.

“Siya po.” Sabay nilang sinabi at tinuro ang isa’t – isa. “Sorry naman Pa! Pagbigyan na.” –Christine.

“Andito na tayo sa Maxx’s! Alam kong mga gutom na kayo.” Lumabas na si Austeen ng kotse na naging dahilan ng paglabas namin ng kotse.

“Ma. Mukhang ikaw ang mas gutom kesa saamin ah.” –Fyrre.

“Ah. Hehe. Hindi ko alam. Pero tara na!” Pinulupot ni Austeen yung kamay niya sa braso ko bago pumasok ng restaurant. “Miss na kita. Sobra.”

“Babawi ako sa’yo mamaya.” Sinabi ko at ngumiti ng malawak.

“H-Hoy!” Pinalo ni Austeen ang braso ko pagkatapos. Nginitian ko parin siya ng malawak at pinuntahan ang seat kung nasaan nandun sina Fyrre at Christine.

Ano bang iniisip niyo? Hmm.. pwedeng ganun nga. Hahaha!

***

[ Christine’s POV ]

Pagkauwi na pagkauwi nina Mama at Papa ay nagtatawanan sila habang papunta ng kanilang kwarto. Siguro alam ko na ‘to? Siguro alam niyo na din ‘to? Nalipat ang POV saakin dahil kaylangan ng praybasi. You know. Hahaha!

“Hmm.. iniisip mo ang ginagawa nina—“

“Hehe. Bigyan ng praybasi, bebe.” Sabi ko at pinisil ang kanyang pisngi. Gwapo talaga nitong si Fyrre!

Umupo kami ni Fyrre sa sofa at binuksan ang TV habang kinakain ‘tong Macarons na inorder namin sa mala-bakeshop ata ng Maxx’s. Nakalimutan ko na agad ‘e. Syempre. Pagkain, Fyrre, at family ang nasa isip ko.

“May graduation practice tayo bukas di—“ Tatanunginsana ni Fyrre nang biglang…

“Aaaah. Hahahahahahahahahaha!!” Mas malakas pa sa TV ang boses ni Mama Marra!

Nagkangitian lang kami ni Fyrre, “Bigla kong napapaisip kung anong ginagawa nila. Haha!” Panimula niya.

Napailing na lang ako habang nakangiti, “Loko ka. Ah. Oo. Meron. 10 AM.”

“HAHAHAHAHAHAHA!” Hagulgol nung dalawang naglalambingan sa taas.

Parang iba naman ata ‘yung ginagawa nila. Kung ano – ano talagang pumupunta sa isip naming dalawa ni Fyrre. Ang sama naming anak. Haaay.

{ A/N:

Miss na miss ko na siya. Sorry hindi na ‘ko kaagad nagupdate. Tapos sabaw at korni pa. Sorry talaga. } 

No Boyfriends, Okay? // Dropped.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon