NBO's #7

140 5 0
                                    

[NBO’s #7]

[Charles’ POV]

Month of June..

“Home Sweet Home!” sabi ko. Salamat naman at ligtas kami papabalik ng bahay.

Etong si Christine, excited na daw pumasok sa Arrowsmith. Nakita ko pa nga yung mga chat nila ng kaklase nya e, syempre, napangiti ako at magsasama ulit sila. Syempre, pagsasamahin ko sila, lalo na, graduating ‘tong si Christine.

“Papa, kelan ba start ng classes?” Tanong ni Christine.

“June 15.” Sabi ko sakanya.

“Hay, ang tagal. Naeexcite na ako! Suskopo! June 9 pa lang!” Sabi niya.

“Halata naman e.”

“Papa, gala tayo.” Sabi niya.

“San tayo pupunta?”

“Kahit saan mo gusto!”

Natutuwa ako dito kay Christine. Ang sarap na ganito yung turing nya sakin. Kahit di na sya masyadong nagpo-‘po’. Pero para sakin. Mas masaya pa rin kung nandito si Austeen kasama sya.

Naiisip ko nanaman si Austeen, kahit kailan, nagtiwala ako sakanyang magpapakita sya. Pero, kahit di yun nangyari, di ako nagtampo. Ganun ko na yata sya kamahal. I trust in her.

Hindi ko nga rin alam kung hinahanap nya ako e. At, madami ng babaeng lumapit saakin. Pero si Austeen pa rin ang mahal ko. Kahit sino pa, kahit maganda pa yan, kahit ano pa yang babaeng makikilala ko. Si Austeen pa rin.

Nalulungkot nga rin ako kahit papaano kay Christine e. Parehas kaming nagtiwala. Pero after ng 15 years nya, wala pa rin. Umaasa kaming babalik at babalik sya. Naniniwala kaming dalawa.

“O sya, sya, sige. Magbihis ka na.”

“Yeheyyy! Thankyou papa!”

Natutuwa nga ako kung bat nya naisipang gumala. Siguro nagsasawa na din sya na laging taong bahay kahit papaano. Pero, naiisip ko lang, medyo autistic itong babaeng ‘to. Siguro dahil sakin? Masyado ko yata siyang pinagbabawal sa pagiging mature.

-          --

[Folk Arts Theatre]

“Uy, wait lang. Mamasyal din tayo. Namiss ko lang panoorin naten—“

“Ako rin naman Papa e!” Sabi ni Christine.

Ang sarap nyang tingnan. Dalagang—dalaga. Lagi siyang nakangiti. Grabe. Feeling ko masyado na syang autistic.

“Fyrre!” Sabi ni Christine. Muntik namang mapatalon si Fyrre sa pagtawag ni Christine.

“Hoy. Bakit ka nandito?” Tanong ko sa lalaki.

Siyempre. Dapat tinatanong. Mamaya, may intensyon yan dyan sa anak ko. Malay mo crush nya na yun. Kasi, ayokong mangyari kay Christine yung nangyari samin dati. Masyado ko yatang nilambing at minahal si Austeen nun. Sht, wala akong iniisip na bahid na kamanyakan.

“Po? Nagulat nga po ako nung nakita ko si Christine e. Yung tatay ko po kasi ang manager nito so, pinatingnan po muna samin. Hehe. Hello Christine!” Sabi nya at dun sa may part na ‘Hehe.’ Ay bigla syang tumingin kay Christine.

Ewan.. Nakakaselos. Siyempre, mahal na mahal ko ata ‘tong si Christine.  Hindi ako papayag, baka mainlove si Christine dyan one day.

“Musta na?” Sabi ni Christine.

Wow Christine. Parang namiss mo siya?

-          --

FM/N: Sorryyy, maikli lang po talaga ako magupdate ng NBO. >:pp

No Boyfriends, Okay? // Dropped.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon