[NBO's #20]

197 2 0
                                    

[NBO’s #20]

Oo nga, eto na.. bubuksan na yung laman ng padala nung nanay ni Fyrre. Si Mama Marra, concern yata siya saakin. Paano kasi kung alam niya na? Emeghed. Kinakabahan ako. Luuuuh. Naman kasi! Wag tense, kalma Christine. Baka naman maganda ako tapos accept nya naman siguro. *flips hair kunyari*

Edi nung binuksan nya, letter. Tapos imported goods! Shampoo, chocolates, at kung wachuchoo pa! Whuzz the meaning of this? Kakasal na kami? Pero leche, 4th year highschool pa lang kami! Luh, ano ba talagaaaa?

Pero ang kaba ko, di pa rin nawawala.

“EMEGHED CHRISTINE! Baka accepted ka na!” Sabi ni Shiela.

“Pero anong meron sa letter?” Confused na sinabi ni Rica.

“CHRISTIIIINE, OMEEE! Penge isaaa!” –Annalyn.

“Christine, basahin mo ‘to.” Sabi ni Mama Marra na pinapabasa nya yung letter nya saakin.

“A-ah? Sige po.” Natahimik naman ako, ang seryoso ni Mama Marra ngayon? At bago ko naman basahin ang letter, nakatingin siya sa mga imported goods na binigay ng mama ni Fyrre.

[quota]

Christine,

Anak. Mama Austeen mo ‘to.

[quota]

Nagulat ako sa unang sentence na nakita ko. Mama Austeen? Future Mama? Eh, ewan.

[quota]

Anak. Mama Austeen mo ‘to. Pinadala kita ng mga imported. Para sayo ‘yan. Nakita na kita sa school, ang ganda mo. Panatilihin mo pa ring maganda ha? Sorry, kung di kita naalagaan sa loob ng 15 years. Sorry. Alam kong naiinip ka na, at ganun rin ang Papa Charles mo.

[quota]

Mas nagulat ako—siya ang Mama ko? Ang nanay ni Fyrre? Edi?!

[quota]

Sana matanggap mo pa rin ako bilang ina. Alam kong di pa sinasabi sayo ng Papa mo ‘to. Pero di ko kayo iniwan, hinding-hindi. Arranged na ikasal kami ng papa ni Fyrre. Kaklase mo si Fyrre, di ba? Kung pwede lang pigilan, ginawa ko na sana. Pero hindi. Ako na ang nagsosorry.

Isa pa, alam kong gusto ka ni Fyrre. Kayo na nga ‘eh. Christine, magkapatid kayo sa ina. Ngayong binabasa mo ‘to, asahan mong ngayon ko din sinasabi kay Fyrre ang totoo. Pasensya na Christine, pasensya na kung pinagtadhana kayo pero di kayo pwede. Malaki ka na, kaya alam mo na kung pwede ka na o hindi.

[quota]

Kaya pala.. Kaya pala kinakabahan na ako. Ang sakit. Ngayon, bumuhos na ang luha ko. Pinakalma din ako nina Shiela dahil kasabay ko silang basahin ang liham. Ang sakit, ba’t ganun? Sa lahat pa ng matatagpuan ko, siya pa? Kapatid ko pa? Bakit? Ayokong humagulgol. Ayokong ipakita na wala lang ako. Pero ang sakit.. Di ko kaya…. Ayoko Fyrre, mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka saakin. Please, di ko kaya..

Ayoko.. Ayokong masaktan. Naawa na ako sa sarili ko. Nawalan na ako ng Nanay, pati siya pa? Ang sakit sakit. Parang tinutusok na ako ng milyon-milyon, kung hindi pa, bilyon-bilyon na. Hindi ko alam kung patuloy-tuloy ko pa ‘tong babasahin.

Fyrre, ayoko.. Pero mukhang hindi tayo ang para sa isa’t-isa. Ayokong mapunta ‘to sa isipan ko, pero.. Wala na. Di ko alam na mangyayari ako. Wala akong kaalam-alam. Fyrre, ikaw ang minahal ko ng lubos.

“Mama M-Marra, alam mo b-ba ‘t-to? K-kayo ni Papa?” Sabi ko at bigla na lang bumuhos pa ang luha ko.

Kaya pala siya ang unang nagbasa. Kaya pala nung Family Day. Nung program, napatigil ang Mama ni Fyrre, nag-usap si Mama Marra at Papa. Kaya pala… May alam din siya, oo nga.. Kaklase nila dati si Mama Austeen.

No Boyfriends, Okay? // Dropped.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon