NBO's #14

188 3 0
                                    

[NBO’s #14]

[Charles’ POV]

“Iniimagine mo nanaman si Fyrre.” Sabi ko kay Christine.

Kasi, nakangiti siyang mag-isa habang nakaupo.. Nanlaki naman ang mga mata niya at bumalik sa realidad ng sabihin ko ‘yun.

“A-ano..”

“Wag mo ng itanggi.” Bumuntong – hininga ako. “Halata naman e, tss. Kapag inlove ka nga naman, oh.”

“Papa naman e.”

“Di kita mapipilit diyan. Kaso lang, bawal kang magkaboyfriend.” Napayuko nalang ako dahil dito. “Ilang beses ko nang pauulit-ulitin sayo. Bawal ka.”

Dalawa ang dahilan.. Ayokong maulit ang nakaraan at ito rin ang duty ko bilang ama. Alam kong maiinis siya. Pero ayoko lang maulit na baka mangyari sakanya ang mangyari kay Austeen.

Yumuko siya at parang kinakabahan. Inangat naman niya ang ulo niya at tumingin saakin. Pakiramdam ko’y kinakabahan siya, pero kinakabahan din ako.

“Pa, I have a boyfriend.Sabi ng anak ko.

“No! Ayoko. Tumigil ka. Makipag-break ka don.”

Ayoko siyang masaktan. Kaya ko rin siyang mahalin. At ang gusto ko, magka boyfriend siya sa tamang edad, tamang oras, at tamang tao.

“Pa, kaya kong i-balance ang time ko. Please?”

No boyfriends, okay? Understood? And, don’t try to do that once more. Kaya, makipagbreak ka don.”

Okay lang naman sakin na maging free ang anak ko, pwede siyang makipag-hangout with her friends, kaso bawal sa masyadong malayo, gagawin ko lahat para mapasaya siya—pero bawal siyang magkaboyfriend. Ayoko.Sana naiintindihan niya ko.

“Pa ~ T^T”

Paano niya nagawa ‘to? Kailangan ko pa bang ulit-ulitin?

“Si Fyrre, nanaman, diba?” Sabi ko.

“Pa—“ Sabi niya. Napatayo siya at pinutol ko siya sa pagsasalita.

“Kailangan ko siyang kausapin.”

Tumakbo siya papalapit saakin pero napigilan ko siya sa paghawak ng kanyang mga balikat.

“Christine.. Hindi mo alam!” Sabi ko.

“Ano bang dapat kong malaman?”

“Ang nararamdaman ko bilang ama mo. Alam mo ba, ganun kasaya magkaboyfriend? Akala mo ba madali ang pinagdaanan naming ng Mama mo? Hindi. Isa pa, paano kung mangyari—“

Ngayon, siya naman ang pumutol ng mga sasabihin ko at sinabi niyang.. “Hindi mangyayari yun. Kilala ko si Fyrre.” Ningisian niya ako, ugh, nagagawa niya yun saakin?! “Kasi kayo, mga gustuhin kayo.”

“ANO BANG PINAGSASABI MO?! HINDI.. HINDING—HINDI! HINDI NAMIN ALAM KUNG BA’T NABUO KA NG BASTA-BASTA NALANG! ANG SWERTE MO ‘NU?!”

Nagalit ako. Padalos-dalos siya sa mga pinagsasabi niya? Gaganunin ko din siya. Tumakbo siya papunta sa kwarto niya at naghagulgol.

[Christine’s POV]

No Boyfriends, Okay? // Dropped.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon