[NBO’s #16]
[Christine’s POV]
Sino ba yung babaeng pumasok sa bahay? Dito na ba siya titira? Taeness, halata naman siguro? May dalang bagahe eh. Ang ganda niya lang din eh! Kamukha ko siya, pero, mas matangkad nga lang ako ng kaunti. Sabi kasi ni Papa, yung height, namana ko daw sakanya. Yung itsura, kay Mama yung magandang peslaks, chos! Hangin ko. =____=
Pumunta nalang ako sa kwarto ko. Bago ko maisara ang pinto ko, bumungad saakin ang magandang babae na kasama lang ni Papa kanina.
“Hello!” Sabi niya saakin. Nagtaka ako kung bakit niya ginawa ‘to. “Di mo ba ako papapasukin?” Tanong niya.
“A—ah? Pasok po.” Pumasok naman siya kaagad at tumingin-tingin.
Aish. Nagtataka ako na ewan! Hmpf. Parang gusto ko siya na ayaw ko! Enebeee—pero wait, gotcha! Alam ko na!
“Aah, Tita?” Sabi ko. Lumingon naman siya at napangiti saakin.
“Ah?” Sabi niya.
“Pahingi naman pong favor, ohh.”
“Sige. Ano ba ‘yun?” Ngumiti siya ng parang ángel matapos niyang sabihin ‘yun. Nyaaa~ Kamukha ko ng kaunti ‘oh! Hihi! Pero ang cute niya.
“May Family Day program po kami ‘eh. Ano po kasi.. Simula nung mag-aral ako dito sa Arrowsmith, di pa po ako nakakaattend ng Family Day. Ngayon po kasi, graduating na ako, ‘eh. Pwede po bang ikaw nalang po yung maging Mommy ko? Kahit doon lang po!” Pagmamakaawa ko sakanya.
“Ah? Haha! Sakto! Okay lang~” Sabi niya.
“Sakto?”
“Nag-usap na kami ni Charles. Uhm, kaklase niya ako nung College. Ako ang magsisilbing Mama mo. Pero, hindi kami ikakasal. Gusto lang kitang pasayahin. Pwede ba ‘yun?” Tanong niya.
Bigla nalang gumaan ang loob ko. Parang, ang sarap sa pakiramdam, alam niyo yun? Mas matindi pa ‘to kesa sa pakiramdam na inlove ako kay Fyrre.
“Ah! Hello Mama?” Sabi ko.
“Tamarra. Tamarra Casiya.” Sabi niya.
“Hello Mama Marra!” Sabi ko at umiling.
“Marra? Hahaha! Hello daughter Tintin!”
“Nye Mama! Ang cute ng Tintin ‘ah!” Sabi ko.
Mukha akong bata dahil sa Tintin na tawag saakin ni Mama! Parang ang saya. As in, ang sarap ulit-ulitin na ang saya. Pero, siguro naman diba, pwede akong magshare sakanya ng lahat-lahat?
“Ah, Mama Marra! May ishe-share po ako sayo. Pero, wag po kayong maingay kay Papa ah?” Sabi ko.
“Ikaw ah! Meron kang boyfriend nu?” Sabi ni Mama Marra saakin at kiniliti ako habang tumatawa siya. Napatawa nalang din ako.
Ang sarap kasama ni Mama Marra. Nako naman, Mama Austeen! Di na ba talaga kita makikita? Pero okay lang, magpapakasaya ako habang nandito si Mama Marra. Gumaan yung loob ko, sobra. Ang sarap talaga pag ganito, ‘nu? Sana kasama kita hanggang sa graduation, Mama Marra.
Matapos niya akong kilitiin ay agad naman akong nagsalita, “Hehe. Opo ‘eh. Pero, nasabi ko na rin kay Papa nung una. Kaso, ayaw niya. Ayaw na ayaw niya akong magkaboyfriend. Eh ayun, mahal ko po si Fyrre ‘eh. Kaya, tinago ko nalang.” Sabi ko.
“Alam mo, kaya ganyan ang Papa mo kasi, gusto niya munang maenjoy yung pagkabata mo. Yung tipong, makakapagrelax ka muna at hindi maiistress. Pero saglit, ano bang pangalan ulit nun?” Tanong niya.
“Fyrre po. Fyrre Arce.”
“Gwapo ba yan? Dapat marunong ka rin pumili!”
“Oo naman po! Pero di ko alam kung bakit ko siya mahal, basta nainlove na lang ako sakanya na ewan. Diba ang pangit po ‘nun?” Sabi ko at napayuko.
“Alam mo, ayan ang tunay na pag-ibig. Paano ko ba nasabi na totoong pag-ibig yan? Aish. Wala yan sa love at first sight na yan e. Yung tipong, amaze na amaze ka sakanya, yung parang.. ayaw mo nang mawalay sakanya. Na hindi mo na alam na mahal mo pala talaga siya.”
Shet na malagket. Natamaan ako dun eh! Diba, parang ganun ako? Yung tipong hinahanap siya. Aish! Kinikilig tuloy akoooo, eeh~ Nakakabaliw.
“Ga—ganun po ba yun?” Naiilang kong tanong sakanya.
“Oo eh. You’re simple you. And that is all you need to be.” Sabi nya. “Hayaan mo, di ko sasabihin yan sa Papa mo. Mapagkakatiwalaan naman daw ako! Apir tayo!” Niyaya niya akong makipag-apir. Nakipag-apir naman ako. Shemay, parang bestfriend ko lang ‘to eh.
[Charles’ POV]
Bakit ba laging POV ni Christine? Sino bang bida dito? Luh.
[A/N: Para masolo kita~ ^__^v]
Tss. =__________=
Hindi ko alam pero, ang gaan dito sa loob. May magpapasaya na kay Christine. Pero para saakin, mas kailangan ko pa rin si Austeen. Hinding-hindi siya mawawala sa puso ko.
*ring.. ring*
Ringtone ng cp ko. Okay, ako na wala sa uso. xD
Unknown? Sino kaya ‘to?
“Hello?”
(“Charles, I need you. Please.”) Nanlaki ang mga mata ko nung narinig ko ang boses ng isang babaeng nahihirapan.
“Austeen?”
(“Yes. Dun sa school natin dati. Please.”)
“O—okay.” Pag-end ko ng call ay agad akong pumunta sa eskwelahan kung saan kami nag-aaral gamit ang kotse ko. Austeen, makikita na kita. Pero bakit sa pangyayari na nahihirapan ka pa?
BINABASA MO ANG
No Boyfriends, Okay? // Dropped.
Novela Juvenil{NO BOYFRIENDS, OKAY?: What really matter here most is, I'm Christine's dad and I don't like her getting into some relationships. But why do I even forbid her to enter relationships? Is it because It's my duty as a dad or is it just that I... don't...