[NBO’s #8]
[Charles’ POV]
Buti nalang, pinasaya ako ni Christine dun sa ibang lugar na pinuntahan namin. Si Fyrre nga ba yun? Grabe! At eksaktong katabi nya si Christine! Nako, kung andon lang Mama nya—si Austeen! Edi sana walang tatabi sakanya na kung sino-sino!
Ano ba yan. I’m letting myself to ruin my day only because of one person. Dapat masaya ako, pinasaya ako ni Christine! Si Girl ko talaga.
“So Christine, masaya ka ba?” Tanong ko sakanya.
“Oo naman po! Natanggal boredomness ko!” Kung ano-ano nanaman pinagsasabi nya. =_________=
“Ay, siya-siya. Sige na. Magpahinga ka na muna dun. At yung uniform mo. Di na kasya sayo. Bili nalang tayo ng books at uniform mo bukas. Ha? Goodnight!” Sabi ko sakanya.
“Sige po. Goodnight!” Sabi nya at ningitian ko nalang siya.
Dumiretso sya sa kwarto nya. Ako naman. Naglaptop. Tiningnan ko e-mail ko. Pero wala akong facebook. Ginagamit ko ‘to for necessary reasons. Gabi ko nga lang ‘to binubuksan e. Baka pagawan ako ni Christine ng facebook nyan. =_______=
May lumabas sa email ko. austeen_ joyceba@[inserttypehere].com . Agad ko namang binuksan ito.
[quota]
“This is Austeen. Naalala mo pa siguro ako. Buti nalang at nakita ko ang account mo. I’m sorry, to you and to our daughter. Umasa kayo saakin. Pero sorry talaga. Uulit-ulitin ko, I’m really sorry. I love you.”
[quota]
Maiiyak ba ako o hindi? Hindi. Hindi dapat ako umiyak. Alam kong tinanggap ako ng magulang nya bilang boyfriend nya. Akala nila maghihiwalay kami. Pero hindi. Hanggang sa dumating ang araw na ayaw na nila samin.
Wala akong karapatang magalit. Sila pati si Austeen na ang nagdesisyon. Pati yung mahal ko. Tapos na. Ayan na si Austeen.
I replied.
[quota]
“If you really love me, then why are you going to leave us? Where are you? Nasan ka na? Gusto na rin kitang makita…”
[quota]
Pano ko sasabihin kay Christine ‘to? Sabik na sabik na si Christine na makita sya. Baka hindi sya maging masaya. Baka isipin nya na lumaki siyang walang nanay, na hindi siya minahal ng nanay nya. Austeen, bakit?
Naglakad ako at pumunta sa ilalam ng mesa. Kinuha ko ito. Tumingin ako sa mga litrato namin nung highschool pa kami. Ang yearbook naming dalawa. Andami naming litrato. Kami mismo ang gumawa ng sarili naming yearbook.
Naramdaman kong lumalabas na pala ang luha ko. Sabi ko, hindi ako iiyak. Pero bat ganito? Siguro, nagmahal ako ng sobra. At umabot sa ganito. Kahit pala lalaki, umiiyak ng lubusan. Austeen, ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito.
Pinatay ko nalang ang laptop at pumunta sa kwarto ko. Eto na yata ang pinakamalungkot kong araw.
- --
[The next day]
“Hoy. Papa! Bat mukha kang nalugi? Gwapo – gwapo mo e!” Sabi ni Christine sakin.
“Inaantok pa ako e.”
“Edi, matulog ka muna! Hihintayin nalang kita magising.”
“Okay lang. Aalis tayo diba? Magbihis ka na pagkatapos mong kumain.”
“Ikaw rin papa!” Sabi nya sakin at sumubo siya ng pagkain nya.
Wow ah. Inutusan pa ako. Maghuhugas pa kaya ako. Talaga naman. Baka, masyado na yata syang naging autistic.
Napatingin pa rin ako sakanya nang onti habang sinusubo ang pagkain ko. Baka kasi mahalata nyang malungkot talaga ako e. Di ko talaga kung pano ko aaminin sakanya lahat-lahat. Hindi ko alam kung magiging masaya siya. Ano bang mas mabuti? Yung hindi nya muna malaman, o, yung siya mismo makaalam?
Diba, mas masamang sya na yung makaalam? Mas magagalit sya. Kasi nagsinungaling ako sakanya. Hindi ko kaya—pero sa tingin ko, wala akong kakayahang sabihin sakanya lahat ng nalalaman ko.
“Christine. Wag kang magagalit ah?” Sabi ko sakanya.
“Bakit papa?”
“Eh, alam ko naman kasing didiretso tayo sa mall. Wag muna ah?”
“Luh? Okay lang!”
Hindi ko talaga alam kung papaano sasabihin sakanya.. Pakiramdam ko ay mahihirapan siya. Pero parang nahihirapan din ako e. Masakit din kasi. Babae pa naman si Christine, umasa pa naman siya—kami. Naniwala pa naman sya sakin. Argh. Ang hirap.
BINABASA MO ANG
No Boyfriends, Okay? // Dropped.
Teen Fiction{NO BOYFRIENDS, OKAY?: What really matter here most is, I'm Christine's dad and I don't like her getting into some relationships. But why do I even forbid her to enter relationships? Is it because It's my duty as a dad or is it just that I... don't...