NBO’s #1
[Charles’ POV]
Ang pinaka- main topic dito, ay ang pagiging ama ko kay Christine.
“Pa! San ako mag-aaral this year?” Sabi niya.
Siya si Christine Johnessa Garcia. At ako si Charles Garcia. Ang tatay niya. Kung sino man ang may gusto sakanya, off limits, dahil bata pa siya. Hindi ako nagiging strikto sakanya. Gusto ko lang siya ingatan, pero, hindi ko alam kung bakit ko siya masyadong iniingatan pagdating sa usapang boyfriend.
“Mag-aaral ka parin dun, Arrowsmith High.” Sabi ko.
Incoming 4th year student siya. Ayoko namang mawawala pa yung mga kaibigan niya ngayo’y gagraduate na siya. Edi hindi ko siya napasaya. Hindi ko gagawin sakanya yun no.
Well, I’m Charles Garcia. 35 years old. Ilan taon na ako ng pinanganak si Christine? 4th year (15) siya ngayon, ang makahula may dedic sa next chapter! Yiiie!
Single parent. Ako at si Christine lang. Sabi ko sakanya, “Bigla nalang na, pinaghiwalay kami ng mommy mo. Nasa ibang lugar lang siya Siguro dadating din yung araw na gusto ka na rin niyang kausapin. Babalik siya.” Yan ang lagi kong bukambibig pag pinapag-usapan naming ang nanay niya. Sana nga, babalik pa siya. Miss ko na rin siya kahit papano. Naghiwalay kami sa kadahilanang, hindi tanggap ng parents niya ang anak namin. Ang sabi pa nga nila, pag handa na daw silang alagaan namin si Christine, tsaka daw kami magkakabalikan. Dagdag pa nun ay ikakasal din kami.
Kaso lang, umabot na ng ilang taon, 4th year na din si Christine, hindi pa bumabalik ang ina niya at inaasahan ni Christine na makikita niya ang nanay niya. Nung pumunta ako sa bahay ng mapapangasawa ko upang makita siya, sinabi saakin na lumipat na sila. Pambihira. Nakakainis. Ang hirap din ng ganito. Oo, nagawa ng maaga si Christine. Pero, wala akong magagawa. Nangyari na ang dapat nangyari. Isa pa, hindi ko –namin naman inaasahan yun.
Hindi ko pinagsisisihan si Christine. Anak namin siya. Eto ang resulta ng mga panahong masaya kami. Naniniwala akong, babalik pa siya. Babalik pa si Austeen. Austeen ang pangalan niya. Napakaganda ano? Isa pa, napakaganda niya rin. Kapag ngumiti, sa lahat—lahat. Pero hindi ko siya minahal dahil maganda siya. Minahal ko siya dahil siya ang nilalaman ng puso ko. Siya lang.
Hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ko. Madami akong nakikitang mga seksi diyan, pero wala pa rin eh! Si Austeen pa rin. Naniniwala akong babalik siya. Mukha ba akong umaasa? Hindi ako umaasa. Darating pa rin siya.
“Papa, ibig sabihin, dun na ulit tayo sa Manila? Akala ko dito na ako mag-aaral sa Cavite dahil dito na tayo nagbakasyon. Pero papa ah, andaming pogi dito---“
“Stop that.” Sabi ko.
Napailing siya. Madaming pogi? Pogi rin naman ang tatay mo ah! Pwede naman ako diba? Pansamantala! Hindi naman pwedeng maging kami eh! Sabi ko nga, babalik si Austeen. Tsaka anak ko siya no! Pero pinapangako ko, ang papa niya ang pinakadabest dad sa buong mundo. Maayos naman ang buhay namin, pero nandito pa rin ang pamilya ko na tinutulungan ako. Kaya mahal ko ang pamilya ko eh. At ito ang maririnig ko mula sa bibig ni Christine, “Papa, you’re the best dad! Thankyou! I love you Papa!”
Tumingin ako sa tinitingnan niya sa laptop. Nagfa-facebook siya. At nakatingin siya sa photo about love. Tss. Ang bata pa ng baby ko.
“Gusto mo ako gumanyan sayo?” Sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
No Boyfriends, Okay? // Dropped.
Teen Fiction{NO BOYFRIENDS, OKAY?: What really matter here most is, I'm Christine's dad and I don't like her getting into some relationships. But why do I even forbid her to enter relationships? Is it because It's my duty as a dad or is it just that I... don't...