NBO's #9

140 2 0
                                    

[NBO’s #9]

[Charles’ POV]

Ano nanamang nasasabi ko kay Christine? Nakakainis naman, oo. Di ako naging mabuting ama. Hays. Eto ako, nagdadrive. Napansin kong nakasimangot nanaman ako. Nakakabanas na.  Gusto kong sabihin sakanya na parang ayoko!

“Papa naman e! Inaantok ka ba? Tss. Kahit naman ako na lang ang bumili e. Okay lang.” Sabi ni Christine.

“Hindi ah. Okay lang ako.”

“May iniisip ka po ba?”

“Wala naman.”

“Si Papa, sinungaling!” Ayan. Eto si Christine. Nahalata nanaman ako. Ang talino nito. Salutatorian yan! Eh, medyo may kahinaan lang sa Math. Parang ako. Pero magaling sa English!

Sanakung nandito si Austeen, matutuwa siya kay Christine. Balik nanaman tayo dito. Tss. Nalulungkot nanaman ako. Nilisan na kami  ni Austeen. Ayaw niya na ba saakin? Ba’t ganun?

“Ano ka ba. Tss. Bumaba ka na nga!” Sabi ko sakanya.

“Papa naman e! Parang may iniisip ka lang kasi!” Sabi niya.

“Tss. Tumingin ka po, nandito na tayo sa school mo. Tingin ka kasi ng tingin saakin e.”

Nang sabihin ko iyon ay tumingin siya sa paligid. Napa-facepalm siya. Ako naman, wala lang, pokerface. Nagsimula na kaming bumaba mula sa kotse at naglakad papunta sa mga bilihan ng libro, at kung ano-ano pa.

-          - -

[Fyrre’s POV]

Saglit, hindi ba’t si Christine yun? Tsaka, papa niya. Sayang, malalapitan ko tuloy sana si Christine. Kaso ayoko. Yung papa niya e. Nakakahalata na. Ewan. Pero, iba na kasi yung pakiramdam ko kapag kasama si Christine e.

At bakit naman ganun? Wala bang nanay si Christine? Hindi niya laging kasama yun. Tsk, mas nakakatuwa kaya pag kasama ang nanay. Pwede akong makalapit, kahit papaano.

Magtatransfer ako dito, sa Arrowsmith High. Ang ganda rin pala dito.  Yung mga katropa ko naman talaga, kapitbahay ko sila. Eh, niyaya nila ako dito sa Arrowsmith. Buti nga’t pumayag sina Mommy. Ayun. Magkakasama kami. Masaya rin kahit papaano. Tsaka siya. Sana lang e, magkaparehas kami ng edad. Tapos, magkaklase pa! Jackpot lang.

Ano nga ba ang pinunta ko dito? O’nga pala, mag-eenroll ako. Sana nga lang may open pa na slots dito. Ang maximum students daw kasi dito ay about 800 students. Kahapon naman, sabi ni Xander na katropa ko, 679 students pa lang daw ang nandito.

Nagulat naman ako nang may biglang humawak saakin at nagsabing “Pare, ang pag-ibig, parang sayaw. Hahanapan at hahanapan mo dapat yan ng timing.” Sabi ni Denston.

“Shete Denson, kelan ko ba sinabing gusto ko yang babaeng yan?” Sabi ko.

“Tss. Halata sa kilos mo! Lalo na sa mga mata mo! Mga matatalik mo kaming mga kaibigan kaya alam ka na namin!” Sagot niya.

“Wow. Coca-cola body.” Sabi naman ni Lex habang sinusukat ang katawan ni Christine. Lester ang pangalan niya pero yun ang tawag namin sakanya.

“Tumigil ka nga!” Sabi ko at pinatigil ang pagsusukat niya gamit ang mga kamay ko.

“Nice Lex! Halata na, gusto mo nga siya, Fyrre!” Sabi nila at nagsi-apir-an.

No Boyfriends, Okay? // Dropped.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon