NBO's #12

188 2 0
                                    

[NBO’s #12]

[Christine’s POV]

“Anong nangyari kay Mama?” Sabi ko kay Papa.

Nandito kaming magkakapamilya sa bahay. Dinner e. Ang astig nga pala kanina. Saan kami pumunta? Sa Ayala. Woo. Ang baliw talaga namin, kahit kailan.

“Iniwan—“

“Heh. Hahaha!” Pinilit kong tumawa kahit unti-unting lumalabas ang luha ko. “Sabi ko na e. Ang astig, kahit kailan, di ko naramdaman ang pagmamahal niya. Umasa ako—tayo.”

“Ngayon niya lang naman—“

“At pano niya nasabi sayo?”

Mas masakit ‘to sa lahat ng masakit. Oh diba, kahit kailan, di ko naramdaman ang pagmamahal ng ina ko. Asan ba kasi siya? Oh, may papalit na ba sa Nasan Ka Elisa? Hinahanap—hanap ko siya e. Umasa lang talaga kami.

Nawalan ako ng gana. Tinakpan ko ang mukha ko, agad akong tumakbo papunta sa kwarto at naghagulgol. Ang sakit. Mas masakit ‘to sa unrequited love namin ni Fyrre.

Ilang beses sila kumatok pero, umiyak lang ako ng umiyak. Narinig ko na rin ang usapan na kukunin nila ang susi pero umayaw nalang sila dahil gusto nila ilabas ko ang lahat ng ‘to.

Basang—basa na ang mga kamay ko at patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi ko talaga kaya. Sobra—sobra na ‘to, Mama.

[Days passed..]

[Place: Arrowsmith High]

[SY 2012-2013]

“ Welcome back, students. And hello also to transferees, enjoy being a student here in Arrowsmith High!”

Ang nakakainis na paulit—ulit na naririnig ko pagpasok ko ng eskwelahan. Nakakabingi.

Ang pamilya ko? Kinakausap ko sila. Kaso, hindi ko na sila kinakausapgayang dati. Pagtutulog nalang at isang oras na pagpepeysbuk ang ginagawa ko. Dati nga e, mga 3 oras pa yun. Tsk.

Kaibigan ko na lang talaga ang siyang makakatulong saakin. Sa ngayon. Di ko nga rin alam kung matatanggap din nila ako e.

[Place: Room HS4-Copper]

Ang pangit ng section ko. Gusto ko Carbon. O kaya, Chlorine. Sa Fourthyear kasi, puro elements na C ang magiging section namin, weird.

“Hoy!” Napalingon ako nung marinig ko ‘yun.

“Ang emotera mo haaa, Christine! Porket lang doon e! Be happy! Syempre gusto din ng nanay mo na maging masaya ka kahit wala siya. Ano ka baaaa. Dali na.” Sabi saakin ni Rica.

“Oo nga, friend! You talaga e.”

Niyakap ko nalang sila at niyakap din naman nila ako. Group hug, bakla, eew. Lol.

“Emotera.” Sabi naman ni Emelene.

“Kasi.” Kumalas ako sa yakap bago ko sabihin ‘yun.

Bumukas ang pinto ng classroom namin at akala ko teacher na. Shet, nabaling ang tingin ko sa isang lalaki.

Fyrre..

Napatigil ako at nagulat naman din siya sa nakita niya.

“Yow.. Haha, Christine.” Sabi niya saakin.

No Boyfriends, Okay? // Dropped.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon