"What?!" gulat na tanong ko
"Macey, baka naman pwedeng mag stay ka na lang?" pangungumbinsi ko
"Mam, kailangan po talaga eh, gusto ko man pero kailangan eh"
"Uhmm, hindi na ba talaga kita mapipigilan?"
"Buo na po ang pasya ko mam"
"Ok .. fine, give me a week or two para makahanap ng kapalit mu at marelay mu sa kanya ang mga dapat gawin" malungkot kong sabi
"Ok po mam, salamat po talaga sa lahat."
Nginitian ko na lang sya bilang tugon. Matagal na kaming magkasama ni Macey, kabisado na nya lahat ng pasikot-sikot sa kumpanya pati na rin ugali ko. Para ko na syang kapatid, ayaw ko man pero alam ko na darating din yung point na kailangan nya umalis. Hindi niya sinabi sa akin yung tunay na dahilan, pero ganunpaman susuportahan ko pa din sya sa desisyon nya. Sana lang may mahanap ako na kasing sipag at may dedikasyon sa trabaho gaya nya.
Hayy
Pano na kaya toh, mas lalo ng nakakabagot sa office, kung pwede lang sana bumalik sa nakaraan.
"Hoy chelsea! The chaka girl" sigaw ni Jana isa sa kabarkada ni Belle.
Huminto ako sa paglalakad at nilingon sya"Pag tinatawag ka, wag kang bastos ha" pagtataray naman ni Gela
"Danielle ang pangalan ko" sagot ko
"Whatever! Mas bagay sayo ang chelsea dahil chaka ka" si Jana
"Girls tara na, may laro daw sila cj" pag-aaya ni Belle sa dalawa
"Wait lang di pa kami tapos kay chelsea eh" si Gela
"Tatlong punto lang chelsea, una ayaw namin nakikita kang pakalat kalat ka dito sa campus, kaya kapag nakita kita na haharang harang sa daanan,buburahin ko talaga yan mukha mu" si Jana
"hindi chelsea ang pangalan ko" pangungulit ko na hindi naman nila iniintindi
"Pangalawa, wag kang feeling close, dahil hindi tayo magkalevel!"
"At pangatlo, uhmm pag iisipan ko pa"
"Guys tara na, mag uumpisa na" si Belle
"Pasalamat ka kay Belle, kundi--"- pahabol ni Gela pero bago pa matapos yung sasabihin nya ay kinaladkad na sila ni Belle
Napabuntong hinga na lang ako, bakit ba ako na lang ang laging nakikita ng ng mga yun? Wala na ba silang ibang trip sa buhay?
Sa klase..
Habang nagsosolve ako ng problem sa board, hindi ko alam na pinakikialaman na nila ang bag ko. Pag upo ko narinig ko na lang silang nagbubulungan at pigil ang mga tawa. Hindi ko na lang pinansin, maya-maya tinawag ulit ako at pinasagutan ulit sa akin ang problem sa board, pagtayo ko, bigla na lang hagalpak ng tawanan ng mga klasmeyt ko, hindi ko alam kung bakit? Bigla na lang may nagsalita"Dear crush, sana naman mapansin mu ako kahit konti"
Napakunot ang noo ko na lumingon sa kanila. Napansin ko na may tinuturo ang isa kong klasmeyt sa may likuran ko. Naabot ko ang isang papel na nakadikit pala sa uniform ko na may malaking sulat na "Dear crush, sana naman mapansin mu ako kahit konti"
Namula ako sa pagkapahiya at biglang kabog ng dibdib ko. Omg sabi ng utak ko, posible kayang? ..
Agad kong tinungo ang upuan ko at kinalkal ang laman ng bag ko, nagulat ako sa dami ng basurang laman nito at.. at nawawala yung pocket notebook ko.. lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba, no way! Sigaw ng utak ko, hindi pwedeng makuha yun ng iba. Bakit ba kasi inalis mu sa bulsa mu yun? Paninisi ko sa sarili, patay kang bata ka ngayon!
Isa lang ang alam kong pwdeng gumawa sakin nito, ang grupo ni Belle."Ito bang hinanhanap mu?" tanung ni Jana habang winawagayway ang pocket notebook ko.
"Akin na iyan" bulong ko
"Eh di kunin mu" pang-aasar pa niya
"Class anu ba yan ha, itigil nyo nga yan" saway ng prof namin
"Tss.."
Tumigil kami saglit pero palihim na nag aagawan sa inosenteng notebook habang nakatalikod ang prof namin.
Ring .. Ring .. Ring ..
" ok, class dismiss!" at naglabasan na ang mga klasmeyt ko
At ako? Pilit kong inaagaw ang notebook ko kay Jana at pinapasa nya kay Gela. Hirap akong agawin to dahil di hamak na mas matatangkad sila sa akin.
"Asar .." bulong ko
"Suko ka na ba chelsea?" Tukso ni Gela
"Hindi nga chelsea ang pangalan ko!" sigaw ko
"Wooah, easy umuusok na yang ilong mu" nakangising sabi ni Jana
"ibigay mu na kasi sakin yan! Akin yan eh" pagmamakaawa ko
"At kung hindi?"
"Pagsisisihan mu .." galit kong sabi
"Im scared! .." sabay tawa ni Gela
Pinagpasahan nilang dalawa yung notebook ko, at hinagis kay Belle
"Belle catch!" .. si Jana
Hinabol ko ito, nasalo naman ni Belle, pero hindi ko inaasahan na nawalan ako ng balanse at nagkauntugan kami ni Belle.
"Shit!.."
"Get off!" galit nyang sabi
Agad akong tumayo pero hindi sinasadya na saktong paglingon ko ay mapupulang labi na nya ang nakaabang. Bahagyang dumampi ang labi nya sa labi ko. Kahit dampi lang ay ramdam ko ang lambot at init nito.
"I'm sorry, hindi ko sinasa--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng maramdaman kong lumanding sa pisnge ko ang isang malakas na sampal. Nabigla ako at hindi nakapagsalita, maging sina Jana at Gela ay natigilan. Nabigla din si Belle, at agad na umalis. Agad naman sumunod yung dalawa.
"Kasalanan mu ito chelsea!" si Jana sabay hagis ng notebook sa mukha ko at sinundan ang kaibigan.
Hinawakan ko ang pisngi ko na namanhid sa lakas ng pagkakasampal nya sakin. Pero hindi ang isiping iyon ang sumakop sa isipan ko kundi ang pagdampi ng malambot at mainit na labi niya sa labi ko ..._____@_____@_____@______@______@______@_____@_____@__
Thanks for reading :)
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...