"Anyeng!"
Natigilan ako ng marinig ang boses ng tumawag sa akin.
"Tara" kayag niya sa akin ng makalapit.
"Bakit ba anyeng ang tawag mu sakin?" magkasalubong kilay na tanung ko sa kanya.
"Chill, magdudugtong na iyang mga kilay mu oh?!" pilit niyan itinutuwid ang mga kilay ko, na nagdulot naman iyon ng kakaibang kaba na nagpalakas naman ng kabog ng dibdib ko. Kilay ko palang yun hinawakan niya, paano na lang kaya kung haplosin niya na ang pisngi ko?Tumindig ang mga balahibo ko ng i-angkla niya ang braso niya sa akin. Agad akong tumingin sa paligid, at nakita kong nakatingin sa amin ang ilang mga estudyanteng nagbubulungan.
"Ah, eh" utal kong sabi na hindi ko alam kung bakit umurong bigla ang dila ko.
"Anung ah eh?" Kunot noo niyang tanung sa akin.Natulala lang ako sa kagandahan niya. No doubt isa siyang dalaga na ubod ng ganda. Hindi ko magawang maigalaw ang mga paa ko para humakbang, para itong na-GLUE sa kinatatayuan ko. At nakalimutan ko na ata kung paano magsalita.
"Lika na, gagawa pa tayo ng project" medyo nayayamot na aya niya sa akin.
"Si-sige" sagot ko ng medyo mahimasmasan at inayos ko pa ang aking salamin.Nakayuko lang ako habang naglalakad kami.
Oh my, partner ko siya, hindi ko na ito kinakaya, i need oxygen!
"Ikinahihiya mu ba ako?"
nag-angat ako ng mukha sa kanya "Ha? Hi-hindi no" at todo iling pa talaga ako makumbinsi lang sya.
"Eh bakit yukung yuko ka dyan, kulang na lang sumadsad na yang mukha mu sa sahig?" habang nakataas ang kaniyang kilay.
"A-ano lang kasi.."
"Kasi ano?"
"Wa-wala, kalimutan mu na la-" di pa ko natatapos, binara na niya agad ako.
"Ok whatever!"Pumunta kami ng library para magresearch, iniabot ko sa kanya ang mga librong aming babasahin.
"Lahat ito?!" mahina pero gulat na tanung niya sabay taas ng bahagya sa hawak na mga libro.
"Oo sana.. kung ok lang sayo?" nahihiya kong sabi.
"Oh well, let's do this" at hinarap nya ang mga libro.Up to now hindi ako makaget over sa ideyang, magpartner kami. Swerte mu
Sabi ng isisp ko habang nakatingin sa kanya. Nag-init ang mukha ko, ng di ko inaasahang mag-angat siya ng mukha."What?" masungit niyang tanung.
"Ah, w-wala naman"Inirapan niya lang ako, maldita talaga ito. Makailang beses ko siyang sinulyapan habang nagbabasa. Oh god! Help! Di ko to kinakaya. Hindi ako makapagconcentrate sa pagbabasa, nakakailang page na ako pero wala akong maintindihan.
Tumayo ako at inabot ang isang libro pero nahulog ito sa table.
"Shit" bulong ko.
Nagtinginan yung ibang mga studyante sakin, pati na rin si Belle at tinaasan pa ako ng kilay.
"Sorry .. bulong ko"
Pinulot ko ang libro at binuklat, at nagkunwaring nagbabasa. Nang sulyapan ko sya, wala na sya sa tapat ko, at bigla na lang tumaas ang mga buhok ko sa batok ng may bumulong sa akin.
"Anyeng! Ok ka lang ba?" bulong niya sa gilid ng tenga ko, na nagpapula rito.
"O-oo naman, ba-bakit?"
"Baliktad kasi yung binabasa mung libro eh"Mabilis na umakyat ang dugo ko ng makita ko ang hawak kong libro, at alam kong pulang pula ang mukha ko ng mga oras na iyon.
Sanya!
"Akala ko kasi libro ito ni bob ong eh" palusot ko na lang.
"Palusot ka pa" bulong ulit niya na halos walang tunog na parang read my lips am peg at umismid sa akin."Ha?"
"Wala.." nginitian niya ako ng magtama ang mga mata namin. Ngiting mapanukso na nagsasabing, wag mu ng ikaila, huli ka na eh!"May sinabi ka eh, anu yun?" pamimilit ko kasabay ng pagwawaksi ng damdamin ko na hindi ko na mapigilan pa.
"wala iyon, karirin mo na lang ang pagbabasa dyan" sabay kindat "ng pabaliktad"Naloko na, hindi ko inaasahang gagawin niya sa akin yun, salbahe ka sigaw ng isip ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nagbasa kahit hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Habang sya, ngingiti-ngiti at umiiling pa na sumulyap sa akin bago ibinalik ang tuon sa binabasa.
-----•-----•-----•
Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...