Belle's POV
Matagal na kong model at talent, paminsan-minsang lumalabas sa mga commercials, at napapa-extra sa ilang mga telenovela sa tv. Maganda naman ang suweldo ko, infact mas malaki ang kita pag mas maraming project. Pero hindi naman ito permanente,kaya naisip ko na mag-apply ng ibang trabaho.
Nag-open ako ng site para sa mga job seekers, madaming nakapost na job hiring.
"anong position naman kaya ang aaplayan ko?" tanung ko sa sarili. Kinuha ko ang cellphone at nag-dial."Oy gurl! Napatawag ka?"
"Jana, diba naghahanap ka ng work?"
"O-.. bakit? You mean bibigyan mu ko?" excited na tanung niya
"sira!, itatanung ko lang kung gusto mung sumabay sa akin mag-apply"
"ahh, bakit ka naman mag-aapply? Eh di ba may work ka na?"
"Oo, pero gusto ko sana maghanap ng stable na work"
"Oh, i see"
"Ano? Sama ka ba?"
"go ako, pero keribels ba ng beauty mu?"
"Puro ka naman kalokohan eh"
"O sige na, punta ko dyan sa inyo"
"Geh, bilisan mu, bye"
"bye"
-----------•
VIDAL GROUP OF COMPANIES"Try mu kaya dyan gurl" si Jana habang dinudutdot ang screen ng monitor ko.
"Hmm, Office staff" klinik ko ang job description "sa tingin ko pwede din ang isang to"
"Send mu na yun resume natin dali!"
"Atachi case!?"
"Hehe, hindi nemen mesyedow"
"O yan nasend na, eto naman iba walang email add, puntahan na lang natin?"
"Walk-in?"
"ay hindi! Walk-out!"
"kainis ka gurl"
"Adik ka kasi"
"Hmp"
-----------•
Kinabukasan, maaga kaming lumakad ni Jana, gumawa ako ng 5 resume, at ipinasa sa mga kompanyang napili namin, iisa lang ang sinabi sa amin "tatawagan na lang po namin kayo".
Kapag gano'n, malabo na, hindi pala ganun kadali maghanap ng trabaho."Gurl, upo muna tayo, sakit na ng paa ko kakalakad" reklamo ni Jana
"Paano naman tayo makakarami niyan kung pahinga agad?"
"Hellow!? Kanina pa kaya tayo naglalakad, upod na yung hills ko oh" sabay taas ng
sapatos niya. "Kanina 4 inches pa to ngaun 2.75" na lang"."Ok, pero saglit lang ha, baka hindi natin maabutan yung isa nating aaplyan"
"bakit ba kasi hindi mu dinala yung kotse niyo?!"
"Hindi pwede check up niya, saka may nakita ka na bang nag-aaply na naka-kotse?"
"Uhm wala pa naman, pero malay mu tayo ang kauna-unahan"
"Sira ka talaga"
"Oo na ako na sira, lagi na lang ako" reklamo niya
"Oh bakit? hindi ba?"
"di ba pwedeng ikaw naman?"
"hindi! ayaw pumayag ng beauty ko eh"
"Hmp!"
Tinawanan ko lang siya.
"baka naman pwede muna tayo kumain bago mag death march?"
Tumingin ako sa relo, pasado alas dose na pala, "sige, mag lunch muna tayo""Yes! Libre mu ko ah" nabuhayang sabi niya
"Oo na!" sabay irap sa kanya.
Habang kumakain, narinig kong nagriring ang phone ko, pagcheck ko number lang at landline.
"Sagutin mu gurl, baka yan yung inaplayan natin thru email" excited na utos ni Jana habang niyuyugyog ang balikat ko.
"Wait lang, makayugyog wagas?"
"Sorry, .. excited lang"
"Hello"
"Hello good afternoon, may i speak with Ms. Belle Fontana?"
"Yes, speaking"
"Ms. Fontana, this is Maribel of Vidal Group of Companies, I'm calling to inform that you are schedule for an initial interview tomorrow morning at exaclty 9am. Kindly bring your updated resume."
"Ok, thank you"
Pagkababa ko ng phone ..
"Oy gurl, sino yung tumawag?" habang ngumunguya ng pagkain.
"Taga Vidal Group of Companies"
"Anu daw sabi ha?" pangungulit niya
"May interview daw ako bukas"
"Nice! , I-ikaw lang?" medyo nadismayang tanung niya.
"oo ata .." may pag aalinlangan kong sagot "eh malay mu tawagan ka din niya, mamaya"
"eh pano kung hindi?"
"pwedeng bukas? or sa susunud na bukas, hindi naman nauubos ang bukas eh"
"Oh yeah, whatever!"
Natawa lang ako sa kanya. Pero tiningnan niya ako ng masama.
"what?"
"Baka naman hindi mu nasend yung resume ko?"
"Tungek! Nakita mu nagsend di ba? Chinek mu pa nga sa sent items"
"Ay uu nga pala" nag-isip, sabay tawa
"oa mu magreact" bulong ko
"Sorry nemen, na carried away lang ako"
"Sige na, bilisan mu ng kumain dyan at ng makalarga na ulit tayo"
"Gurl"
"What?"
"Order pa tayo?!"
pinandilatan ko sya "Busog na ako, saka andame mu ng inorder ah?"
"Gutom pa ako eh"
"Takaw!"
"Ssshhh, wag ka naman maingay, nakakahiya"
"Talaga lang ah, dapat si Gela na lang inaya ko"
"Aynaku gurl, busy ang lola mo"
"Busy saan?"
"Sa negosyo niya, kaya wag ka ng mag-abala pa"
"May negosyo siya?"
"Yep"
"Anu?"
"Ihaw-ihaw" nagpipigil syang tumawa
"Hindi nga?"
"Oo nga" nakangiti niyang sagot
"Uhmm, ok. Lika na" kinaladkad ko na sya
"Wait lang naman," at humigop pa ng softdrinks bago tumayo.
Ngayon ko lang narealize na hindi lang basta ganda lang ang puhunan sa paghahanap ng work. Minsan, kahit gaano ka pa kaganda, deadma pa rin,dahil yung resume mo ang magsasalita para sayo. Naaawa tuloy ako dito kay Jana, pero kahit hindi naman sya magtrabaho sustentado naman sya ng parents nya abroad. Eh kung irecommend ko na lang kaya sya sa manager ko bilang talent? Napailing na lang ako sa ideyang yun.

BINABASA MO ANG
The Boss
Cerita Pendek"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...