Belle's POV
"Sorry about kanina ah?"
"Ah, ok lang po"
"Pagpasensyahan mu na siya ah, medyo warfreak lang"Sa totoo kasalanan ko naman talaga iyon, naiilang tuloy ako sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan.
"Siya nga pala, wag mu na akong ipo-'po'." ngumiti siya, "Danielle na lang"
"Pero, kayo po ang Boss ko"
"Uhm, sige, Ms./Mam na lang, pero pag tayung dalawa lang, pwede bang Danielle na lang?"Tumango na lang ako, awkward naman ng moment. Mga ilang minuto din kaming tahimik. Tinitingnan ko lang siya sa mga ginagawa niya, pero hindi ko inaasahang lilingon siya sa akin.
"Yes?"
"Ah, uhm, anu na po palang gagawin ko?"Nag-isip muna siya, pinipisil-pisil niya ang chin niya habang hinihimas kahit wala naman siyang balbas, cute, nakakatuwa siyang pagmasdan.
"Sige, tawagan ko lang si Macey para mai-turn over niya na sayo"
Lumakad sya papaunta sa isang sulok, habang nakapamulsa sa pants niya. Ang cute niyang panuorin. Sobrang laki ng ipinagbago niya, halos hindi ko siya nakilala. Hindi ko maiwasang hindi isipin na .. ano kaya ang pakiramdam kung kaming dalawa ang nagkatuluyan? Anung klase kaya siyang girlfriend? Sweet kaya siya? Thoughtful?
Nakapikit ako habang nangangarap, kung ano kaya kami kung hindi ko itinanggi ang nararamdaman ko sa kanya. Napadilat na lang ako ng maamoy ko ang isang pamilyar na pabango.
"Ok ka lang ba?"
Shit! Hindi ko naramdaman ang paglapit niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.Naramdaman ko na lang na nag-init ang mukha ko, senyales na namumula na ito.
"May sakit ka ba? Masama bang pakiramdam mo?"
Sunud- sunod niyang tanung. Gusto kong halikan ang lips niya, para kasi itong nang-aakit.
"Wa-wala, ok lang ako, medyo humapdi lang yung mata ko kaya pinikit ko lang saglit" pagdadahilan ko.
"Ahh, ok" tumango lang siya, "papunta na si Macey, tuturuan ka niya ng mga dapat mung gawin"
"Ok"
"Nga pala, ok lang ba sa iyo na magstay-in sa house?"Nabigla ako sa tanung niya, stay-in baka ikamatay ko agad iyon. Sa office nga lang sobrang apektado na ako sa presensya niya, magsama pa kami sa iisang bahay.
"Bakit?" hindi ko napigilang itanung
"Kasi, I'm gonna need you most of the time, that's why I chose you as my personal secretary. Para hindi na kita kailangan hagilapin pa, lalo na pag may biglaang appointment ako"
"Ah, ganun po ba? "
"Yup, don't worry about your things I have it ready for you."Aba, sosyalin
"Everything is settled, just bring yourself"
Akalain mu iyon, bawal tumanggi. Pero infairness, bring myself na lang. Aayaw pa ba ako?
"Well, what should I say?"
"So is it a Yes?"Tumango na lang ako. Pero lihim akong natuwa sa reaksyon niya. Pasimple kasi siyang nag-gesture ng patagong YES. And she's really cute.
______________€€€€€€€€€€__________
Danielle's POV
Sobrang saya ko, pumayag siya, hindi ako makapaniwala. Pero ramdam kong naiilang pa din siya sa akin. Siguro dahil sa encounter nila ni Grace kanina. Kailangan kong umisip ng way para magkasundo sila. Pero paano kaya? Mukhang mahihirapan ako.
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...