Hello there!! Haha Happy birthhday to me and to my twin sis
Pasensya na at matagal nawala, full time sa work eh, patawarin niyo sana
----------------------
Danielle's POVWell this is the day that she has to go. Pero wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto niya. Kailangan maging supportive pa din ako sa kanya.
"Good morning" narining kong bati ni Belle
"Morning Babe." nabigla ako sa pagkakasabi pero bago ko pa mabawi ay tinarayan na niya agad ako.
"Babe mo mukha mo"
"Sorry, nabigla lang, Belle dapat yun"
"Okay, tara breakfast na tayo baka malate pa tayo"
Yeah your right, si Belle ang punong abala sa aking pamamahay. Ano bang magagawa ko eh nagprisinta siya. Feeling ko tuloy siya ang aking maybahay. Asikasong asikaso niya kasi ako eh, kulang na lang subuan niya ako pag kakain, o kaya paliguan.
Wag masyadong assuming D!
Oo na, oo na, masama bang mangarap at pangarapin siya?
"Ehem, malalate na po tau Ms."
Natigil ang pakikipagtalo ko sa aking sarili ng pitikin niya ang ilong ko.
"Awwts" napatingin ako sa kanya, at pinaningkitan niya ako.
"Sabi ko nga kikilos na" at nag-ayos na ako ng sarili para pumasok.
Ang sarap gumising araw-araw lalo na siya ang makikita mo tuwing umaga.
Sana hindi na ito matapos pa, kasi hindi ko alam kung anung gagawin ko kapag nawala pa sya ulit sa buhay ko.-----------
Belle's POVNamamalik-mata lang ba ako o tama ang nakita kong nakatulala siya at parang nanaginip ng gising?
Ang weird niya kung minsan
pero mahal mu siya?
Oo naman, sa kanya ko lang naramdaman yung ganitong pakiramdam. Hindi maipaliwanag.
Haaay.. Naguguluhan ako ngayon, gusto ko ang pakiramdam ng nasa malapit lang siya, abot-kamay, pero hanggang kailan ba ito? Ni hindi ko nga alam kung anung relasyon meron kaming dalawa. Basta ang alam ko masaya ako pag kasama ko siya.
"Shall we?" nakangiting tanung niya sa akin.
"Okay"
Habang nasa byahe, natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatitig sa kanya ng bigla siyang magsalita.
"Alam mo, para akong ice cream na nakabilad sa araw" sabi niya pero hindi niya ako nilingon
"B-bakit?"
"Para kasi akong natutunaw sa mga tingin mu" nakangiti siyang sumulyap sa akin
Hindi ko naman napigilan ang pamumula ng aking pisngi.
Langya talaga, bakit ang lakas ng dating mu sa akin D
"Hindi kaya kita tinitingnan, .."
"Eh anu lang?"
"..ti-tinititigan.." nahagip ng mata ko ang pag ngiti niya
"Ahh.."
Ewan ko ba kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin sa kanya iyon. Haay Danielle, sana akin ka na lang .. Sana noon pa, kung hindi lang sana ako naduwag. Naibulong ko.
------------•
Danielle's POVNagtatumbling ang puso ko sa tuwa sa mga narinig ko, pero syempre hindi ako nagpahalata nuh, ikaw ba naman kiligin ng bongga eh.
Minsan iniisip ko na magkaibang tao ang Belle na nameet ko years ago, sa Belle na kaharap ko ngayon. Yung Belle na kaharap ko nga yun, ibang-iba. Maasikaso, maalaga, mabait at although may pagkamataray pa din pero hindi . Siguro totoo nga yung peer pressure kaya nagkakaron ng attitude problem.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ng mag ring ang phone ko.
"Hello?"
"Uy D, anung petsa na ha?" sa kabilang linya
"Jan 13 pa din naman" papilosopo kong sagot
"Ewan ko sayo! Male-late na ko sa flight ko baliw!"
"Eh bakit kasi di ka pa umaalis?"
"Hoy! Amnesia gurl?!"
"Huh?"
"May I remind you Ms. Vidal, ikaw ang nagsuggest na maghahatid sa akin sa airport noh!"
shit! Oo nga pala bakit ko ba nakalimutan iyon
"Joke lang naman, on the way na" palusot ko
"Pwes! Bilisan mu, kundi --"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita pa, i-end call ko na agad "bye-bye"
Napatingin ako kay Belle, napapailing na lang sya sa akin.
"Bilisan mu ng magdrive, anung oras na oh" sabi niya ,"baka umuusok na ang ilong nun"
Wala ba akong kakampi? Asar naman
Nagmadali akong magdrive papuntang bahay ni Grace. As usual, niratrat niya ako ng sermon, buong byahe. Si Belle naman tahimik lang na nakikinig at paminsan-minsan nahuhuli kong ngumingiti, siguro dahil na rin sa dinaranas ko ng mga sandaling iyon.
Hinayid ko na siya sa loob, si Belle ay nakatayo lang sa malayo.
"Hay naku, baka naman afterr ilang years hindi mu na ako makilala, magka-amnesia ka na"
"Hindi nuh!? Ikaw pa ba, makalimutan ko ng pangalan ko wag lang ikaw" sabay ngiti sa kanya
"Asows, o sige na, baka magkaiyakan pa tayo dito"
"Mag-iingat ka dun ah, saka keep in touch"
"Balitaan mu ko pag kayo na ni Belle ah" may himig ng lungkot sa boses niya
"Nakow, dont worry ikaw pa din ang best buddy in the whole wide world" sabay akbay ko sa kanya
"Talaga?" Napangiti siya habang nagpupunas ng luha
"Oo naman, nag-iisa ka lang naman eh"
"O sya, tsupi na, masisira make-up ko sayo eh" pagtataboy niya sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit, "please, keep safe" bulong ko sa kanya, "I'm gonna miss you"
"Ako din, mamimiss din kita"
Hindi ko inaasahan na lalapitan niya si Belle, at may ibinulong siya dito. Tumango lang naman si Belle sa kanya, at nagpaalam na sila sa isa't isa.
Sana tama pa din ang desisyon ko na hayaan na lamang siyang umalis. Kinawayan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hopefully, hindi ko ito pagsisihan.
------------
Thanks for reading ...
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...